𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟺𝟶

1.9K 94 4
                                    

CJ's POV:

F L A S H B A C K

"Hoy Montefalco!"

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa paglalakad pabalik sa kotse ni tita dahil kanina pa siya nahandoon.

"Hoy! Tinatawag kita, di'ba?!" Galit na sabi niya at hinila ako sa braso. Hawak niya ng mahigpit ang braso ko.

"Tang*na mo Lei." Sabi ko at pilit binabawi ang braso ko pero ayaw niyang bitawan.

"Ano yung nabalitaan kong sinaktan mo yung tropa ko? Ha?" Tanong niya. Napairap naman ako at pilit na binabawi ang braso ko.

"Bobo naman nung nagbalita. Baliktad pa. Ako yung sinaktan at niloko kaya huwag mo akong ginagambala." Sabi ko. "At huwag mo akong pandilatan ng mata. Mukha kang kwago." Sabi ko pa at malakas na hinablot ang braso ko. Binitawan niya iyon ng biglaan kaya natumba ako sa field. Mabuti nalang at damo ito.

"Pati si Stacy sinaktan mo. Alam mo naman ang mangyayari kapag sinaktan mo ang presidente ng paaralang tinatapakan mo." Sabi niya. Sumenyas siya sa isa sa mga Kaibigan niya. Inabot sakaniya ang isang baseball bat na ikinanginig ng kalamnan ko.

"Lei sinasabi ko sayo hindi mo magugustuhan ang kalalabasan ng gagawin mo." Sabi ko. Ngumisi siya ng nakakaloko.

"Hindi ko nga ba magugustuhan?" Tanong niya. May dalawang lumapit saakin at hinawakan ng mahigpit ang magkabilang braso ko at idiniin sa lupa. Sinubukan kong kumawala pero wala akong lakas dahil hawak nila ang magkabilang braso ko.

"Tingnan natin." Sabi niya at hinampas ang kaliwang braso ko.

"FVCK!" Naisigaw ko. Ginawa naman niya iyon sa kabilang braso ko. Mas malakas kesa sa kanan.

"Hmm. Mukhang hindi nga ako nage-enjoy. Teka baka dapat mas malaki." Sabi niya at inabot yung medyo makapal na kahoy. Ngayon ay kawag na ako ng kawag.

Tangna pag iyan ang ginamit niya saakin paniguradong durog ang buto ko.

"Lei! Tangna bitawan niyo ko! Lei isa! Subukan mo lang." Galit na sigaw ko. Maraming nanonood saamin, pero ni isa walang tumulong o pumigil sakaniya.

"Okay. Sabi mo eh." Sabi niya at himanpas ng malakas ang kanang braso ko. May tinamaan doon na hindi dapat. Isang bagay na isinusumpa ko magmula pa noon.

Kumuyom ng kusa ang kamao ko. Buong lakas kong sinipa sa tuhod si Lei. Ngunit hindi pa rin ako makaalis sa pagkakahawak nila saakin.

"Hoy bitawan niyo siya!" Sigaw ng kung sino at hinila palayo ang dalawang lalaking may hawak saakin. Tumayo ako at mabilis na nilapitan si Lei bago sinuntok ang sikmura niya sabay hawak sa ulo niya at binigyan siya ng knee kick. Binitawan ko siya at kusang tumumba. Pumaibabaw ako sakaniya ay ilang ulit sa sinuntok ang mukha niya. Sumasakit na ang kamao ko pero wala akong pakialam. Basta ang gusto ko lang ay ang saktan siya.

Halos hindi na siya makilala dahil sa pamamaga ng mukha niya. Hindi pa ako kuntento. Tumayo ako at kinuha yung baseball bat na ginamit niya kanina at muling lumapit sakaniya. Itinaas ko ito at handa nang ihampas sa mukha niya nang makarinig kami ng malakas na pito kasunod non ang paghila saakin ng grupo ng kalalakihan palayo kay Lei.

E N D  O F  F L A S H B A C K

"Kaya ayun. Nagalit saakin sina Stacy. Pati ang tropa niyang si Alfonzo. Kasama siya sa basketball team, pero hindi niyo nakita dahil malamang nasa hospital pa siya hanggang ngayon." Sabi ko at niligpit yung med kit.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now