𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟻𝟸

1.8K 94 7
                                    

CJ's POV:

"Everybody remembers the formation, right?" Tanong ni Jas. Andito na kami sa gymnasium nila. Ang mga taga-ibang schools ay nandito na rin. Maya-maya lang ay magsisimula na ang competition. Kasalukuyan kaming nakaupo sa bleachers at naguusap-usap.

"Yep. Just chill Jas. Keri natin 'to." Sabi ni Ikay.

"Hello and welcome to the dance competition! Are you ready people?" Masiglang tanong ng emcee. Ipinakilala niya ang lahat ng teams from different schools. "Hindi na natin patatagalin pa. Let's welcome our fifth time champions, the Monsta Dancers!" Naglabasan sina Stacy wearing a cheerleader outfit.

"Bakit parang nanghiram lang sila ng outfit sa mga elementary? Look how short it is." Nakangiwing bulong ni Ikay. Nagkibit-balikat lang ako at hindi nagsalita.

Lalo kaming napangiwi ng magsimula sila. May mga halatang hindi um-attend sa practice. Pero maganda naman yung performance nila. Yun nga lang...

Their whole performance is about twerking. Flexing their boobs and ass.

"Pwede bang huwag na silang matapos?" Rinig kong tanong ng isa sa mga kumag. Sinamaan ko sila ng tingin at inambaan.

"Boys are boys." Sabi ni Ikay at nakitang masama ang mukha niya. Pasimple rin niyang sinasamaan ng tingin ang kung sino. Lumingon ako sa gilid niya at natawa ng makilala kung sino.

Yari ka Kyle!

"Last performer daw tayo." Sabi niya.

"Hoy ano mag-share ka din ng panic sakanila. Ang unfair naman nun nung naglaro kami halos pati kami mataranta sayo." Sabi ni Marc at tumawa.

"Oo nga para may ambag ka sakanila. Mamaya niyan habang nagpe-perform sila hindi ka nanaman mapakali dito." Dugtong ni Clover.

"Hindi niyo ba alam—" Pinutol ko agad si Neil.

"Hindi sila makakapangdaya dahil iba ang judges. So chill lang." Sabi ko at pasimple siyang pinanlakihan ng mata. Hindi ko pa nga kasi nasasabi sakanila na kasama ako sa DT.

Natapos ang ibang schools and I can say magaling sila. From the choreo, to the music, lahat okay. Kasalukuyan namin pinapanood ang next group. Lumapit saamin yung staff ng competition at sinabing kailangan na daw kami sa backstage.

"Oh, bat sasama ka?" tanong ni Clover.

"Moral support. Tsaka panic support na din." Biro ko. Taka siyang tumingin at may sasabihin pa sana pero agad akong sumunod kela Ikay.

"Eto muna isuot mo. Ihanda niyo na din jan yung mga damit niyo para madali nalang pag nag-change outfit." Bilin ni Jas. Nagdasal kami saglit at naghanda na.

Nakasuot ako ng black oversized shirt. Nagmukha akong pandak dito pero keri lang. Naka black cargo pants ako at black sneakers. Pinasuot rin nila ako ng black cap at black mask.

Girl in Black ang peg. GIB! Oh ha oh ha pak ganern!

Binati namin yung team na kakatapos lang mag perform. Nag-goodluck din sila saamin.

"Up next, this dance troupe is known for their amazing choreographies, but would you believe me if I tell you that this is their first competition? Let's welcome, the dance troupe form Stanforx Academy, The SA Dance Troupe!"

Paglabas namin sa backstage ay naghiyawan ang Forxians. Pero nagbulungan din bigla.

"Oh, may bagong member?"

"That's odd. 'Pag may bagong member ina-announce ah."

"Sino kaya yun?"

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now