𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟷𝟽

2.4K 115 13
                                    

CJ's POV:

"And where do you think you're going?" Saad ng boses sa likod ko. Huminga ako ng malalim bago dahan dahang lumingon at ngumiti.

"Uhmmm work?" Patanong na sagot ko kaya I received a death glare from kuya DZ.

"Aalis ka hindi mo alam san ka pupunta?" Sarcastic na saad ni Kuya DZ. Kamot ulo akong umiling.

"Sa trabaho Kuya. Dun ang punta ko." I said. Taka niya akong tiningnan.

"Seriously? Kulang ba ang allowance na ibinibigay ko? Sabihin mo lang dadagdagan ko. Hindi mo naan kailangan magtrabaho." He said. Umiling ako.

"Hindi Kuya. Sobra sobra pa nga yun eh. Kaso kasi, I'm saving for something." Sabi ko.

"At tsaka Kuya, hindi naman pwedeng lagi nalang ako aasa sainyo. Hindi naman pang habang buhay andiyan ka. Syempre magkaka pamilya ka den." I said. Taka parin niya akong tiningnan.

"Hala siya Kuya alis na ako at male-late na akesh. Babush!!" I said at mabilis na lumabas.

"Umayos ka sa pagmamaneho!" Habol pa ni Kuya DZ. Bumusina lang ako at nag drive na papunta sa Cat café. Mabilis lang akong nakarating don.

Pagpasok ko ay dumiretso ako sa changing room namin at nagbihis ng uniform ko. Inilagay ko ang gamit ko sa locker ko. Chineck ko muna kung may message ba saakin sila Kuya bago ibinulsa ang phone ko at lumabas.

Agad akong pumunta sa registrar dahil ako ang cashier ngayon. Palitan kami nung unang cashier na si Ate Cami. Magkasing height lang kami ni Ate Cami. Bilugan ang mukha, almond shaped eyes, medyo matangos ang ilong at pinkish thin lips. Mabait din siya.

"Ate Cams. Ako na diyan." I said nang makitang inaayos niya ang mga cups. Nasanay kasi akong tawagin siyang Cams. Wala pa kasing pumapasok na customer kaya tutulungan ko muna siya doon.

"Di sige na. Ako nalang. Dun ka nalang sa counter baka may pumasoko na customer." Sabi niya at sakto naman may pumasok na customer kaya nagmamadali akong pumunta dun.

"Good afternoon Sir! Welcome to Cat café. What is your order?" I said while smiling. Naka cap ito at naka hoodie.

"1 slice of blueberry cake, chocolate chip cookie and cream frappe." He said. His deep voice sent shivers down to my spine. But I still managed to smile to hide the uneasy feeling.

"Sure Sir. Please take a seat and we bring you your order in 15 minutes." I said. Tumango lang ito at naghanap ng mauupuan.

"Ate, 1 slice of blueberry cake tsaka tsaka chocolate chip cookies and cream frappe." I said. Tumango si ate Cami at ginawa na yung frappe samantalang ako naman ay dun sa cake.

"Cy, kilala mo ba yun?" tanong ni Ate Cami. Yes po, opo. Cy ang tawag niya saakin. Ewan ko ba bat di ako umangal HAHAHAHAHA.

"Huh? Sino?" I asked at tumingin sa pligid.

"Yung naka black cap at black hoodie." Sabi niya. Automatic naman na lumingon ako sa kinauupuan nung lalaki at nahuli ko nag-iwas ng tingin.

"Hinde Ate. Why?" I asked.

"Pansin ko kase kanina panay ang lingon niya dito. Sayo to be exact. Tapos tititig, then biglang iiwas ng tingin. Kaya akala ko kilala mo." She explained. Napatango nalang ako at muling lumingon sa kinaroroonan nung lalaking naka black cap at nakita kong mayroon siyang kausap sa phone niya habang nakatingin sa labas. Dun kasi siya pumwesto sa tabi ng bintana.

After 15 minutes natapos na ang frappe at ako na ang nagdala dun sa customer dahil may biglang tumawag kay Ate Cams.

"Here's your order Sir. Enjoy!" I said then smiled. Ibinaba niya ang hood niya at tinanggal ang cap niya then nag smile din siya at nag thank you. Tumalikod na ako ngunit hindi pa ako nakakahakbang ng hawakan niya ang braso ko kaya napalingon ako.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now