𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟸𝟹

2.1K 101 6
                                    

CJ's POV:

Kanina nang mag-uwian, dumiretso agad ako dito sa café. The smell of the coffee beans and freshly baked cakes calms me. Weird? No. Not for me.

"Hey. You okay?" Tanong ni Ate Cams nang makita niyang tulala ako. Ngumiti naman ako at tumango.

Sa totoo lang, hindi. Obvious ba? Char. Eh kasi naman. Akala ko magiging okay na yung araw ko. Ang saya ko na kanina eh. Kaso totoo nga. Basta naging masaya ka, asahan mong may kapalit iyon.

"Sabi ni Madame Cat dumeretso ka na daw dun sa bar. Keri naman an daw yung resto." Sabi ni Ate Cams. Tiningnan ko yung oras. Mag- 8:00 na pala. Nakuuuuu kung kailangan lang ako sa resto baka masermunan ako neto.

Tumango nalang ako at nagpalit ng damit bago pumunta sa bar.

Pero pagdating ko, nagsasarado na si kuya Bryle.

"Oh kuya Bryle, anyare?" Tanong ko.

"Nakiusap yung jan sa tapat kung pwede wag daw muna maingay. May ganap ata sakanila." Sabi ni kuya Bryle. Tumango nalang ako.

"Sige na umuwi ka na. Gabi an baka mapaano ka diyaan sa daan. Mag-iingat ka ha." Sabi ni Kuya Bryle. Tumango ako at bumalik sa café para magbihis.

Saktong pagsakay ko ng sasakyan ay tumawag si kuya BZ.

"Hello?"

"CJ, may bisita ka. Umuwi ka na." sabi ni kuya BZ sa kabilang linya.

"Opo kuya pauwi na po." Sabi ko at ibinaba ang tawag. Agad kong pinaandar ang kotse ko at umuwi.

Pagdating sa bahay nakita kong nakatayo sa gate si KZ na masama ang tingin saakin.

"Ikaw pag nadisgrasya ka talaga sa takbo ng sasakyan mo, tatamaan ka talaga saken." banta niya.

"Edi tamaan." sagot ko nalang at pumasok sa bahay.

"Kuya andito na ako!" Sabi ko. Nakita ko si Kuya na nakaupo sa sofa at halatang naiinip na sa paghihintay sakin. Kasunod kong pumasok sina KZ.

"May bisita ka." Sabi naman ni kuya DZ. Tumingin ako sa sofa at agad na umasim ang mukha ko.

"Anong ginagawa ng mga yan dito?" Tanong ko sabay turo kanila Astrid na maarteng nakaupo at halatang nagpapa-cute.

"May group research kami sa sci." Sabi ni KZ. Inirapan ko lang si Astrid at agad lumapit kay kuya BZ at humalik sa pisngi niya. Gawain ko yun wag kayong ano jan.

Nakita ko ang pag-irap ni Astrid na hindi ko na pinansin.

Lumapit ako sa ref upang maghanap ng makakain.

"Tch. Bagal kumilos." Rinig kong sabi ng kung sino. Sinara ko ang ref at lumingon sa mesa at naubo ako ng makitang kumpleto ang Section 5 dito sa bahay.

Teka nga anong ginagawa nila dito ng ganitong oras?! At paano nila nalaman ang bahay na toh?!

Bonak ka ba? Diba nagpunta sila Ice dito dzuhh.

"Uy CJ! Ano ba sabi ko sayo dahan dahan lang eh." Nag-aalalang sabi ni kuya BZ. Tinapik tapik niya ang likod ko.

"A-anong ginagawa niyo dito?!" Gulat na tanong ko. Nakita ko ding nakikiusiyoso yung section 1 at halata din ang gulat sa mukha nila.

"Ano bang pinagkakaguluhan niyo jan-- anong ginagawa ng mga yan dito?!" Galit na sabi ni KZ.

Bat parang déjà vu ata.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now