Chapter 77

1.3K 71 9
                                    

CJ's POV:

"MOMMM! Are you with us?"

I snapped out of my thoughts when Mikhaila waved her hand in front of my face. I smiled at her and ruffled her hair a bit.

"Sorry. I was just thinking of something." I apologized. She smiled and hugged me.

"Are you okay? You don't look well po eh." She asked and looked at my face. "Your lips looked like you used a white paint as lipstick." She added and pointed my lips. I chuckled.

"Okay lang po ako. Kulang lang sa pahinga si mom." Sagot ko. Bumalik si Mikhail na may dala-dalang paper bags.

"May tanong lang po pala ako, mom." Muli akong tumingin kay Mikhaila. "When are we going back po kela tito Steve? Lagpas 1 week na po kasi, baka madami po kami ma-miss out."

Bumuntong hininga ako, nag-iisip kung ano ang isasagot sakanila. Hanggang ngayon ay wala pa ding balita mula kay Steve. Nagsisimula na din akong mag-alala dahil magmula dalhin niya dito sa manila ang mga bata ay wala kong nare-receive na tawag o text sakaniya. Kahit anong klase nang pagpaparamdam, wala. Mabuti nalang at inu-update ako ni Mae na buhay pa din yung lalaking 'yun, pero maski siya ay bihira nalang din makita si Steve sa mansion. Saan ka ba kasi nagsusu-suot, Steve?!!

"Hindi ko pa sure, nak. Busy pa si tito Steve. Hindi din naman kayo masundo ni tita Mae. Don't worry in-excuse ko naman kayo sa teachers niyo. They said they'll tutor you nalang pagbalik niyo so you won't be left out." Paliwanag ko. Tumango naman siya kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Mom." Tawag saakin ni Mikhail. Paglingon ko sakaniya ay saktong inabot niya saakin yung paper bag. Sa mismong tapat talaga ng mukha ko kaya napaatras pa ako nang kaunti.

"What's this?" I asked. Sisilipin ko sana pero pinitik ni Mikhaila ang kamay ko. Beh bata 'yan beh. Kalmahan mo.

"That's not for you!" Sabay na saad nila. Kumunot ang noo ko at nagtatakang tiningnan sila. Para kanino naman 'to?

"So, kanino 'to?" Tanong ko.

"Kay Dad!" Nakangiting sagot ni Mikhaila, samantalang tumango naman bilang pagsang-ayon si Mikhail. Napasimangot naman ako dahil doon.

"Wow buti pa yung yelo na 'yun may pa something." Bulong ko.

"Pabigay nalang po mom please?" Ani nila at nag-puppy eyes pa. Napabuntong hininga nalang ako at tumango.

"Fine. Anyways, aalis na ako baka ma-late pa ako. Stay here, okay? If you're going anywhere, call me first. Don't talk to anyone you don't know. Also huwag kayong kung kani-kanino sumasama." Bilin ko at tumayo na. Tumango silang dalawa at yumakap muna bago nagpaalam saakin.

Pagbaba ko ay nagpaalam din ako kela kuya DZ bago nagpunta sa garahe. Pagbukas ko noon ay muntik pa akong mahimatay sa gulat dahil may malaking patay na daga malapt sa motor ko. KINGINA!

"Hala maam pasensya na po hindi pa po ako nakakapaglinis dito. Ako na po diyaan." Paglingon ko ay nakita ko ang isa sa mga yaya namin na may dalang walis tingting at dustpan. Tumango lang ako at naglakad na papunta sa motor ko. Hinayaan ko lang siya na walisin doon. Inalok ko pa siya ng tulong pero tumanggi siya.

Nang matapos siya ay tsaka ko lang nailabas yung motor dahil nasa may bandang gitna siya nung nagwawalis siya. Pianinit ko una yung tambucho bago ko ito sinakyan at pinaandar.

Habang nagma-maneho ay bigla akong napaisip. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok yung eksena kahapon sa utak ko. 

Napapaisip pa din ako paano nagkaroon ng ganong folder sa loob ng bag ko? At paano nagkaroon ng balisong sa loob non?

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now