𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 60

1.8K 97 19
                                    

CJ's POV:

"Saan tayo?" tanong ko kay Clover. Andito ako ngayon sa kotse niya papunta sa kabilang mundo. Charot! Malay ko ba kung saan ako dadalhin ng kumag na 'to.

"Secret." Sabi niya at tumawa.

"Happy yan?" Sarcastic na tanong ko at inirapan siya.

"Susunduin ko nga yung kapatid ko. Diba sabi ko ipapasyal ko siya." Sabi niya at niliko yung kotse papunta doon sa condo I think?

"Oh, eh bakit kasama ako?" tanong ko sakaniya.

"Ipapakilala kita sa family ko." Kung may iniinom man ako ngayon ay paniguradong masasamid na ako dahil sa sinabi niya. "As a friend." Dugtong niya at muling tumawa.

"Alam mo Pierce, malapit-lapit na kitang sakalin." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Ay ayaw mo ba as a friend? Sige as a maid nalang." Sabi niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinampas siya sa braso.

"Gag* ka ba? Mukha ba akong katulong?" Inis na tanong ko sakaniya.

"Eto naman joke lang eh. Parang hindi kaibigan ah." Sabi niya at ni-park yung kotse.

"Ay, kaibigan pala kita?" Sarcastic na tanong ko. This time, siya naman ang sumimangot at inirapan ako.

Ay aba manang-mana sa hari nilang yelong kumag ah.

"Uy tampo 'yan? Patingin nga?" Asar ko sakaniya.

"Nye nye nye." Pinigilan kong humagalpak ng tawa ng bigla siyang mag-make face. Nakakahiya sa mga kasabayan namin sa elevator.

"Parang tanga amp." Bulong ko. Pinindot niya yung highest floor. Nagtaka naman ako ng batiin siya ng mga kasabayan namin.

Hmm baka kapitbahay niya.

Pagdating namin sa highest floor ay pinauna kami nung mga tao. Ngumiti nalang din ako sakanila at nag bow ng kaunti bilang pasasalamat.

"Hi sir." Bati nung isang nakasalubong namin. Tumango lang si Clover at nagpatuloy sa paglalakad.

"Welcome back, Sir." Sabi naman nung isa.

Marami pa kaming nakasalubong na binabati siya. Nakaialng liko na rin kami pero parang nasa maze ata kami.

"Clover—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang tumigil sa tapat ng isang pinto. Isa siyang sliding door na makalumang panahon.

"We're here." Sabi niya at binuksan ang pinto. Nauna siyang pumasok sumunod naman ako sakaniya.

Para akong nasa ibang dimension o para bang bumalik ako sa lumang panahon. Lahat ng gamit dito ay makaluma. Magmula sa wood floor, bintana, cabinet, as in lahat!

"Take off your shoes." Sabi niya. Tumango ako at tinanggal yung sapatos ko.

"Maligayang pagbabalik, Ginoo. Ang iyong pamilya ay nasa hapag na." Sinalubong kami ng isang naka-barong tagalog na lalaki. Mayroon din itong suot na sombrero. Tinanggal niya ito at nilagay sa kaniyang dibdib bago yumuko ng kaunti.

"Magandang umaga, Binibini." Bati nito saakin.

"M-magandang umaga din po Ginoo." Biglang sabi ko at yumuko rin ng kaunti. Ngumiti ito sa akin at naunang naglakad saamin.

"Anak ka ng tinapa hindi mo naman sinabi saakin na dadalhin mo ako sa lumang panahon. Edi sana nakapag filipiniana ako." Sabi ko at pasimpleng hinampas siya. Natawa lang siya at ginulo ang buhok ko.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now