𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟹𝟿

1.8K 90 0
                                    

CJ's POV:

"Tapos kapag naman nakita mong palapit na siya sa'yo—"

"CJ! Kalma lang okay? Mas kabado ka pa kesa sa aming maglalaro eh." Natatawang sabi ni Marc. Nakitawa naman yung mga teammates niya.

"Sa'yo na mismo nanggaling. Ngayon niyo palang sila makakalaban. Maraming beses ko na sila nakitang maglaro kaya hindi niyo ako masisisi kung ganito ako." Bulong ko at pabalik balik ang tingin sa loob ng court.

"Kalmahan mo lang okay? Sige na pumasok ka na don. Baka pati kami mataranta sayo." Natatawang sabi ni Tobey. Ngumiti lang ako at nag good luck sakanila bago pumasok sa court. Wala pa ang mga students ng Monasterio. 1-0 minutes na silang late.

"Ano? Successful ba ang pagbabahagi mo ng taranta sakanila?" Natatawang tanong ni Clover. Sinamaan ko siya ng tingin bago ibinalik ang tingin sa gitnang court.

"Pag talaga nabangasan o nadisgrasya si Marc o ang teammates niya pasasabugin ko mga mukha nila." Bulong ko at alam kong narinig niya iyon.

"Ang violent mo pala kapag kinakabahan." Biro ni Clover. Biglang umingay ang court at isa-isang nagpasukan yung mga students ng Monastrio. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Clover dahil sa kaba.

"CJ chill. Kaya ni Marc yan." Sabi ni Mykel na nasa likuran ko at tinapik tapik ang balikat ko.

"Magtiwala ka lang sa team natin." Sabi naman ni Dev. Tumango ako at huminga ng malalim.

"Good morning people!" Sigaw ni Astrid. Napangiwi ako dahil nakakabingi yung boses niya. Sumigaw kasi siya dun sa mic. "Let's welcome, our very own team, the Forx Warriors!" Sigaw nanaman niya. Nagpalakpakan kami nang isa-isang lumabas ang players namin. "And our opponent, from the Monasterio Academy, Monster Eaters!"

Tangmader isa pang sigaw isusungalngal ko sakaniya yung mic na hawak niya.

Matapos pumasok ng mga players ay sa wakas umalis na si astrid. Swear kapag sumigaw pa ulit siya gagawin ko talaga yung sinabi ko.

Nagsimula ang game ng maayos, walang dayaan na nagyayari, walang balyahan na nagaganap. Lamang ang school namin ng 5 points. Medyo kumalma naman na ako, pero nakabatay parin ako sa players ng kabilang team at sa players namin.

Natapos ang 1st round ng maayos. Akala ko hanggang sa matapos ang game. Pero nung 2nd round, ayun na. Nagsimula nang mangbalya yung Monster Eaters. Sa ngayon 2 players na namin ang na-injure dahil sa hindi nila malaman an dahilan, pero ako at ang section namin, alam kung ano ang nangyari. Hindi napansin nung referee dahil sa mga tactics na ginagawa ng Monster Eaters.

Hanggang sa may isa nanaman kaming player na na-injure, but I know. I know na napansin iyon ng referee but refused to give them a warning.

"Napansin nung referee." Sabi ko. Napatingin naman saakin ang mga kaklase ko.

"What?" tanong ni Ice na siyang nasa kabilang gilid ko.

"Napansin nung referee. Nakita niya. But he didn't do anything. Binayaran siya. That d*mn cheaters." Gigil na bulong ko. Akmang tatayo ako ng parehas akong hilahin paupo ni Clover at Ice.

"Huwag. Mas lalong magkakanda letse-letse ang laro kapag ginawa mo ang gusto mong gawin." Sabi ni Ice. Tama. May punto siya. Maaaring malagay lalo sa peligro ang mga buto ng players namin kapag kinompronta ko yung referee.

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga manlalaro. Nasa huling round na kami, at eto na nga ang ikinakatakot ko.

Nakabantay sila kay Marc.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now