𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟹𝟹

1.9K 103 7
                                    

CJ's POV:

"I didn't know welcome pala ang mga basura dito sa party ng classmate namin." Sabi ng kung sino likuran ko.

Umirap ako at kumagat muna sa chicken fillet na nasa harapan ko bago siya hinarap.

"And I didn't know welcome pala ang mga bruha dito sa party ng schoolmate namin." Sabi ko.

Akmang lalapitan niya ako ng lumingon ako sa pwesto nila kuya BZ kaya ginaya niya ako.

"Be thankful there's a lot of guests here. Or else kanina pa kita sinabunutan." She said.

"Thank you." Sagot ko at muling humarap sa pagkain ko. Narinig ko ang pagpadyak niya bago siya umalis.

"Hindi na ata mabubuhay ang babaeng iyon nang hindi nakakatalak." Sabi ko. Tumawa naman silang lahat sa sinabi ko.

Biglang tumutugtog ang isang upbeat music. Tumayo si Ikay at lumapit saakin. Agad kong iabot sakaniya yung wardrobe niya. Nag-thank you siya bago umalis.

After ilang minute, isa-isang lumabas ang DT. Pati na rin si Jane na nagpalit ng Over-sized shirt at cargo pants.

Tuwang-tuwa ako habang pinapanood sila. Ang kulit kasi nila puro free style ang ginagawa nila basta nakakasabay sa beat. I'm laughing, not until biglang itinuro ni Jane yung direction namin. Pagkatapos ay patakbong lumapit saakin sina Neil at Jake.

"Tara dali!" Hila nilang dalawa saakin.

"Hala mama ayaw! Ayaw no!" Ayokong tumayo kaso biglang nagsalita si Jane sa mic.

"Come on Zi! Let's give it up for Zia! Whoooo! Go Zia! Go Zia!" Sigaw ni Jane.

Takte wala sa plano 'to dzaii.

Nagtagumpay sila Neil na hilahin ako at ang mga kumag kong kaklase, walang ginawa kundi tawanan lang ako. Nang makalapit sa harapan ay tumabi agad ako kay AZ.

"Gaga wala sa plano to ah." Sabi ko. Kasalukuang nagf-free style si Charmaine kaya nakakapag-usap pa kami.

"Tangeks dini-distract nga sila eh. Tingnan mo." Sabi niya at pasimpleng tinuro yung loob. Nakita kong nakatayo sa loob nun ang parents ni Jane habang kausap si Dev.

"Take your coat off!" Sigaw ni Neil at tumatawa pa.

"Take it off! Take it off!" Sigaw nila. Natapos si Charmaine at itinuro ako. Sinamaan ko sila ng tingin pero waepek kasi lalo lang silang nagtawanan.

"Kayo ah pinagtutulungan niyo ako." Reklamo ko. Bigla namang tumugtog yung Gashina sa remix nila.

"Go Zia!" Sigaw nila kuya DZ sa likod.

"Wohhhh pinsan ko yan wohhhh!" Sigaw ni EZ at tinuturo pa ako. Napailing nalang ako tsaka hinubad yung coat. Saktong pagdating ko sa gitna ay yung chorus part na ang tumutugtog.

Wae yeppeun nal dugo gasina

Nagpalakpakan ang tao nang simula na akong gumalaw. Nakatutok saakin ang spotlight na kulay pula. Pati sina Ikay ay tuwang-tuwa.

Gaya ng nasa step ay inikot ko ang ulo ko. At saktong pagtingin ko sa mga manonood, kay Ice agad ang tingin ko. Nagulat ako nang nakatitig din pala siya saakin. Nang dahil dun ay kumabog ng husto ang puso ko.

Baka dahil sa music lang. Oo tama kasi malapit ako sa speaker.

Tinapo ko yung sayaw nang freestyle.

"Thank you for the presentation together with our debutante!" Masiglang sabi nung emcee.

"That was beautiful." Napatigil kami ni Ikay sa paglalakad nang harangin kami ni Grayson. Tumingin ako kay Ikay, na pasimple namang tumingin sa loob bago tumango.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now