𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟷𝟺

2.3K 106 3
                                    

CJ's POV:

"Ms. Montefalco didn't you read the rules?! Take off your hood. You look like a holdaper!" Galit na saad ni... sino nga ulit tong teacher na toh?

Ahh si Ms. Fuhla.

"I can't." Sagot ko. Napahawak naman siya sa dibdib niya.

OA mo Ms. Sarap ipatapon sa Korea. Dun nga lang sa north.

"Don't your parents teach you good manners?!" galit na saad nito.

"Okay how did my parents got involved in the situation? You we're asking me to take of my hood. So, I said I can't. Tapos madadamay parents ko? Would you mind telling me what's the connection of my hood to my parents?" Naiinis na saad ko. Napahawak ulit siya sa dibdib niya. Halata namang nagpapansin lang sa boys. Paano ko nasabi? Saan ka nakakita ng teacher na magsusuot ng Croptop at skirt na 3 inches above the knee?! Bata pa kasi si maam. Siguro mga nasa 25 lang ata. Pero kahit na. It's inappropriate for a teacher.

"Isusumbong kita sa Principal! Napaka walang galang mo." Saad niya at nagmamadaling lumabas. Napairap nalang ako.

Sakto namang tumunog sa yung bell. Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at patakbong bumaba. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si EZ.

"Hoi panget." Sabi ko pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag.

"Anak ng tinola. Hoy baka nagkakalimutan tayo dito. Mas matanda ako sayo. At mas gwapo din." Sabi niya. Napairap naman ako sa kahanginan niya.

"Oo na oo na basta la akong pake. Bilisan niyo. Hintayin ko kayo sa parking lot." Sabi ko at in-end yung call dahil paniguradong may bagong kahanginan nanaman siyang sasabihin. Lumapit ako sa kotse ko at tiningnan ito.

Binaboy nila huhu TvT

Chineck ko ang gulong. At buti naman hindi nila pinakialaman dahil baka maglupasay ako dito pag nagkataon.

"Awwww. Poor you. Gusto mo rin ba ng ganiyan na sasakyan? Sa tingin ko oo kaya nga dumidikit ka sa Montefalco diba." Pagsasalita ng kung sino sa likod ko. Boses palang, alam na.

Boses palaka eh. Charing

Hindi ko siya pinansin at sumandal nalang dito.

"Ayyy girl gusto nga. Look oh she sandal there para kunwari she owns it." Sabat naman ng conyo sa grupo nila. Cute sana. Kaso she's masama.

Ay tae pati tuloy ako na-conyo

"Tapos na kayo? Kasi kung oo, pwede na kayong umalis jan." Bored na sagot ko. Lalapitan sana ako ni Astrid da frog pero dahil may guard, hanggang glare lang muna siya.

"Hindi pa tayo tapos." May diin na sabi niya.

"Okay." Baliwalang sagot ko. Sa sobrang inis niya ay sinabunutan niya ang sarili at nagmamadaling umalis.

Papunta atang mental si Mareng Astrid.

"Ey panget!" Salubong saakin ni EZ habang nakangiti. Inirapan ko lang siya.

"Maglakad ka ha. 'Wag kang sasabay samin." bawi ko. Para naman siyang maamong tuta ngayon dahil sa sinabi ko.

"Eto naman hindi mabiro hehe. Ganda mo kaya. Mas maganda nga lang ako." Nanlaki ang mata ko sa huling sinabi ni EZ. Pati si Ikay na tinitingnan ang paligid napatingin din kay EZ.

"Tch. Bakla." Sabi nang kung sino at dere-deretsong pumasok sa sasakyan ko.

"hoy hoy hoy anak ka ng tinola may motor ka diba?" Pagpigil ko saknaiya pero nakaupo na siya ngayon sa back seat.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now