𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟽𝟶

1.7K 102 17
                                    

CJ's POV:

"T-tapos...HAHAHAHAHA!" Humahagalpak ng tawa si Riu kaya ngumiwi ang mga nakikinig sakaniya.

"Eh kung mamaya ka na kaya mag-kwento. Unahin mo munang ilabas 'yang tawa mo." Nakangiwing kumento ni Allan.

"E-eh k-kasi naman...ANG LT G*GO! HAHAHAHAHA!" Tuwang-tuwa pa rin si Riu. "Pero eto na nga, n-nung umalis na yung dalawa, ayun biglang nanapak! HAHAHAHAHA!" Biglang sumabay sa pag-haglpak ni Riu ang mga kaklase ko kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Nakakatawa yun?!" Tanong ko. Imbis na tumigil ay lalo silang humagalpak. "Riu naman eh! Sabi ko never talk about it, kinunwento mo naman anak ka talaga ng tinapa!" Gigil na saad ko at inambaan siya ng hampas.

"Cy—"

"Heh! Manahimik ka diyan! Hindi kita kilala t*ng*na ka!" Bulyaw ko ng tawagin ni Ic—yelong kumag ang pangalan ko. Lalong naghagalpakan ang mga kumag. Yung iba ay napaluhod pa sa kakatawa.

"P-pfft. Really bro? husband? No wonder your eyes are like the eyes of a panda." Natatawang saad ni Clover. "Deserve pre. Deserve." Dagdag niya at tumawa.

Napayuko ako at ngumiw nang maalala ang kahihiyan ko kagabi.

FLASHBACK...

"I'm her husband." He said while smirking. Nanlaki ang mata ko at natuod.

Ni-kiss niya ako...sa lips...ay hindi sa lips, pero malapit sa lips...ni-kiss niya ako...sa harap ng dalawang gunggong na 'to...mama!

"Leave." Utos niya sa dalawa. Tinitigan pa ako ng isa sakanila bago sinenyasan yung kasama niya na umalis. Pero hidni ko iyon pinansin...dahil kiniss ako ni Ice! T*ng*na!

"So—" Nagulat ako nang bigla siyang magsalita kaya saktong pagharap niya saakin ay nasapak ko siya!

"Anong so?! Ha?! Anong husband?! G*go ka ba?! Wala akong asawa leche ka! Oo nanay ako, pero wala akong asawa, anak ka ng peste!

END OF FLASHBACK...

"I did that to save you 'cause obviously they're bullying you...and their planning something." He explained but I rolled my eyes.

"I don't need saving, Ice! Jusko sa dinami-dami naman ng pwede mong sabihin, husband pa talaga?! Baliw ka ba?! Pwede naman sabihin mong tatay eh! Or kapatid! Or pinsan! Anything wag lang asawa!" Angil ko at inambaan ulit siya ng suntok.

"Oh, come on it wasn't a big deal! Ni hindi naman natin sila kilala." Katwiran niya. Muntik ko na siyang mabatukan dahil sa sinabi niya.

"Ayun na nga eh! Hindi natin sila kilala pero nagpakilala kang kumag ka!" Napahilamos ako matapos kong sabihin iyon. "Napakabata ko pa para magkaroon ng asawa Ice jusmiyo marimar ka!" Dagdag ko.

"Well your kids calls me dad...' Rinig kong bulong niya. Pinaningkita ko siya ng mata at tuluyan nang tumayo sa upuan ko.

"Don't you dare insert my kids in this conversation!" I shouted at him. He also stood up on his seat. Talagang pumorma pa ang gunggong at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa niya.

"I'm just saying! Your kids call me dad, and that doesn't make me your husband?" Napabuga ako ng hangin at hindi makapaniwalang tumingin sakaniya.

"Uh, no? We're not even in a relationship!" I exclaimed. Biglang lumamlam ang mga mata niya na bahagyang ipinagtaka ko.

"Aren't we?" Napatigil ako sa tanong niyang iyon. I was speechless. I cleared my throat before answering.

The Only Girl Of Section 5Où les histoires vivent. Découvrez maintenant