Chapter 17

8.6K 190 0
                                    

"Hey lovers aga aga naman nyan" anang munting tinig na pumigil sa pagtitinginan namin ni Cathy.

Napalingon  ako kay Rafa at nakita ko ito na nakataas ang isang kilay at nakapamaywang ito.

Ang Cute talaga ng baby brother ng honey ko.

Sa suot nito ng longsleeves na polong puti na abot hanggang tuhod nito at ang di pa nasusuklay na buhok ay nagbigay dito ng Aura ng Kerubin.

Naalala ko tuloy ang sinabi ng Mommy na gumawa kami ng baby ni Cathy bigla na - excite ako sa isipin na dadalhin ni Honey ang baby namin dalawa sa sinapupunan nito.

Pero nakakahiya naman pag sinabi ko kay Cathy na tara gawa na tayo ng baby,

Di ba nakakahiya?

Ano kayang magandang Approach?

Tulong naman dyan.

"Hey, Rafa baby good morning, I miss you" niyakap ito ni Cathy.

"Ate I'm not a baby nah stop calling me that" pumadyak ito pero natatawang inakay ni Cathy ito papunta sa mesa kung saan nakahanda na ang breakfast namin si Rafa.

"Good Morning Rafa" masigla bati ko dito

Umupo na ito sa pagitan namin.

"Morning Kuya" pinagsandok na ito ni Cathy ng sinangag at hotdog.

Pati ako ay pinagsandok din nya.

Pagkaraan ay inabutan nya ng Milk si Rafa at Coffee naman sa akin.

"Let's eat honey, bab---ooppps Rafa" napatakip ito ng bibig.

"Ate naman eh" angal nito.

Nagpeace sign naman ito.

Napangiti ako at naisip ko na napakagandang simula naman ito ng araw.

Paggising mo nandun na sya at pinaghahanda ka na at inaasikaso nang mabuti.

Kaya lalo akong napapahanga dito dahil pag kaming dalawa lang ay para syang di sikat na celebrity kundi isang beautiful housewife para sa akin.

"You know guys it's sunday right?" Tanong ni Cathy sa amin habang kumakain kami.

Tumango ako pati na rin si Rafa.

"Then guys mamasyal kaya tayo?" Nakangiting wika nito.
"And then we invite Mav Avi and Dawn and Lemon also?" Namilog ang mata ni Rafa at alam ko na ang sagot nito.

Tumango na rin ako syempre bonding din to eh palalagpasin  ko pa ba?

||||||||||||||||||||||

Spell LOSER

Hahaha!!! Sino pa ba yung lampang tingting na kilala nyo?

Ako di ba?

Tama ako na ang Loser,

Pano ba naman kasi ako ang naunang na out sa game namin.

Ano ba ang tawag dun?

Yun may baril na ang laman ay pintura? Ah ewan ko talaga kung anung name nito.

Anyway ayun nga ang nangyari kanina.

"So you call us for this?" As usual angal to the max na naman si Mavix.

"Yeah I told Lemon to reserve this facility to all of us to concentrate to our game right Avi, Dawn?" nakangiting baling ni Cathy sa dalawang kaibigan nito.

Tumatawang nagthumbs up ang mga ito na kapwa naka gear on na.

Habang kami ni Rafa ay kasalukuyan pa lang na inaayos ang gear namin.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now