Chapter 6

9.4K 212 1
                                    

"Thank you Avery sa tulong ha" katatapos lamang namin sa mga paperworks at talagang namangha ako kasi alam ko na magaling na si tita lilhia pero mas magaling pa pala si Avery, inabot lamang kami ng dalawang oras sa pag aayos sa mga papeles at syempre pa tumulong din si Cathy halos pinirmahan ko na lang ang mga papel na inaabot nito at kinorek din lahat ng error ko at yun proposal ko ay pinaulit nya pa gulo gulo raw di nya maintindihan saka sinave na lang nya sa computer ko.

"Okay lang di nga ako pinagpawisan sisiw lang sa'kin to" nakangiting sabi nito.

"Pero di naman ako palaging walang ginagawa kaya dapat humanap ka na ng secretary mo"

Napabuntung hininga na lang ako, yon pa ang malaki kong problema isang linggo na pero wala pa rin nag aaply.

"Ang lalim naman nyan" mula sa pinto ay pumasok si Cathy at inabutan nya kami ni Avery ng dala nyang kape.

"Isa pa nga yun sa iniisip ko hon wala pa rin kasing nag iinquire sa akin o kaya nagtatanong tungkol sa binakanteng posisyon ng secretary ko"

Ilang saglit na natahimik sila maya maya napapitik si Avery ng daliri.

"Kat - kat alam ko na, si Dawn tawagan mo dali" utos nito kay Cathy.

"Guys,  traffic sensya na" ani Dawn.

Nang tawagan ni Cathy si Dawn, kinausap na ito ni Avery pagkatapos nag aya na ito para umalis.

"Di naman kami nainip" sabi ni Avery.

"Well, bakit naman tinawagan nyo ako at pinapunta pa rito" nasa bahay kami nina Avery at Mavix.

"Wait lang Sis, tinext ko na si Mavi malapit na raw sya" anito. "Nga pala si Lemon nandoon ba sa dati" tanong nito.

"Si Lemon?" Napakunot noo si Cathy maya - maya nagliwanag ang mukha nito. "Tama ba't di ko naisip si Lemon" napatango tango pa ito.

Lemon? Cute naman pangalan yon. Sino kaya yon.

"Si Lemon anong meron sa kanya bakit hinahanap nyo si cousindear ko?" Naupo na si Dawn sa tabi ni Cathy.

"Hintayin na lang natin si Mavi tapos malalaman mo na" napaikot ang mata ni Dawn sa narinig.

Maya maya pa dumating na si Mavix.

"Guys tara na " nag aya nang umalis si Avery pagkakita sa Ferrari ni Mavix na papasok na sa gate.

"Di pa ako nakakapagpahinga tapos aalis agad tayo" angal ni Mavix pagkasabi ni Avery kun san kami pupunta.

"Your fault not us you're late!!! " sabay sabay na wika ng tatlong babae.Napangiwi na lang si Mavix, di ko napigilan mapangiti tuloy.

Pumunta kami sa lugar na medyo abandonado pero napansin ko na maraming sasakyan na nakapark.

"Hello, nakita nyo ba boys si Lemon?" narinig ko na lang na tanong ni Avery sa mga kabataan na naroroon.

"Nasa loob mam pasok na lang kayo" gumilid yun mga lalake at binuksan ang pinto.

Pumasok na kaming lima at nakita namin na may nagbibilliard yun iba pa nga ay nagpopoker mayroon rin akong nakita sa isang sulok lang nakaupo.

"Lemon" tawag ni Cathy sa lalakeng nakitang kong  nakaupo sa sulok.

Lumingon ito kay Cathy at tumayo para salubungin kami.

"Anong ginagawa nyo dito ate Cathy pati rin sayo kuya Mavi saka kayo ate Dawn ,ate Avi" salubong nito sa apat saka ako pinagmasdan.

"Nga pala si Kenneth asawa ko" pakilala ni Cathy sa akin,"Kenneth si Lemon pinsan ni Dawn" pinagmasdan ko ito at di ko maiwasang mailang nakasalamin din ito pero bagay dito kung si Mavix ay maskulado ito naman yun parang lean ang katawan pero mababanaag mong may muscle din ito idagdag mo pang matangkad ito.Hay bakit ba napapaligiran ako ng magaganda at mga gwapo kasi mukha rin greek god tong isang ito eh.

"Hi !" Nakangiting wika nito at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

"Balik tayo sa tanong ko ate Cathy bakit kayo nandito?" Tanong ulit nito kay Cathy.

"Gusto kitang kunin para maging secretary ng asawa ko" sabi ni Cathy. Ah secretary pala.... ........  ..... ....... What!!!! tong bata na to secretary ko pero mukhang di pa nga nakakagraduate ito ng college.

"Duh as if papayag ako sa gusto mo ate Cathy" hinawakan nito ang salamin nito at inayos.

"Alam ko kaya nga tong si Avery ay nakaisip ng laro para pagpustahan natin ang matalo susunod sa gusto ng mananalo" napatingin ito kay Mavix.

"Meaning ?" Namimilog ang matang tanong nito.

"Yeah kung anuman ang nasa isip mo tama ka" sumasangayon na sabi nito kay Lemon.

May pinag usapan ba kami parang wala naman ah, pero napatingin ako sa kanilang apat mukhang kahit di na sila mag usap usap pa alam nila ang iniisip ng bawat isa.

"Let's begin" sabi ni Mavix tangan tangan nito ang susi ng sasakyan at pinaikot ikot to sa daliri.

"Pag natalo ka kuya kailangan sumunod ka sa usapan" ani Lemon papunta na ito ng sasakyan nito.

"Duh as if matatalo mo yan si Mavi, hurry let's begin this race" si Dawn.

"Ate Dawn !!! " angal ni Lemon.

Nandito kami sa gitna ng kalsada at marami narin miron na nagpupustahan pero mas maraming pumupusta kay Mavix.

Flashback 20 minutes ago:
"ate Cathy lalabanan mo na ba ko sa race?" Namimilog ang matang wika ni Lemon.
"Nope matagal na wala akong ensayo kaya baka matalo mo na ako kaya si kuya Mavix mo na lang "nakangiting wika ni Cathy.
"What!!!" Gulat na sabi ni Lemon.
"Well, well,well Lemon isn't amazing isn't?" Napapalatak na wika ni Mavix.
"But ate ikaw ang gusto kong makalaban di sya na....." nagtaas baba ng tingin si Lemon at napa smirk ito.
"Hey kiddo wag naman ganyan di pa tayo naglalaban kahit kailan, kaya you must try me" inakbayan ito ni Mavix.
"Kiddo your face two years lang ang tanda mo sa kin" piniksi nito ang nakaakbay na braso nito.

"Kiddo kiddo " pang aasar pa ni Avery.
"Aish, okay lalabanan na kita" ginulo gulo nito ang buhok nito sa inis.
"But in return if you lose i want that ferrari" turo nito sa sasakyan ni Mavix.
"And if you lose i want you to be the secretary of my husband" wika naman ni Cathy.
End of flashback:

"Umm di naman kailangan nito hon" ani ko. "I can manage naman malay mo bukas may mag apply na"

"Nope, don't worry just stay there and  leave it to us," she smiled.

"Lemon is the best suitable to be your secretary and no one else" she added.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now