Chapter 47 part four

5.7K 148 4
                                    

"Guys dito na kayo matulog masyado nang late kasi" wika ni Dawn sa amin ni Honey ko.

Nagkatinginan kami ni Honey at maya maya pa ay tumango ito sa akin.

Mas mainam nga kasi medyo antok na din ako....

Baka makatulog ako habang nagda drive maaksidente pa kami ni Honey ko...

"Sige mainam nga na dito na kami matulog ni Ken" pagsang ayon dito ni Honey.

Sina Avi at Mavix naman ay nakita ko na naka pajama na malamang nakalinis na ang dalawang ito nagpambuno kasi ang dalawa or rather binugbog si Mavix ni Avi nang todo todo buti na lang walang pasa ito sa mukha kundi bukas ay malamang sa hindi ay may black eye na ito.

"Si Artemis?" Tanong ni Honey sa dalawa and as if on cue ay lumabas sa isang kwarto at nakapag palit na ito nang damit, naka pajama na din ito.


"Sleep na Artemis antok na ako peyo wala pa din ang Maya ko" angal ni Artemis nang makalapit na ito sa amin.

"Malamang kinain na nang monster si Maya mo wharggghhh!!" Nanakot pa si Avi dito.

Nanlaki ang mga mata ni Artemis sa nadinig at nanubig bigla ang mga mata nito tapos napasibi pa ito.

"Wag mo na lang pansinin yan si Avi, Artemis may topak lang yan kasi tigang sa Asawa nya" nakangising singit ni Mavix sa dalawa saka inakbayan si Artemis.


"Hah! Nagsalita ang lalaking Virgin pa din hanggang ngayon" pang aasar ni Avi dito.

"Dahil mahal na mahal ako ni Anicel my loves kaya nirerespeto nya ako at ginagalang ang desisyon ko na Marriage before Sex" natatawang napailing na lang si Avi dito.


"Siraulo! Ano ka girl? Para mag inarte na parang sa mga girl?"
Nagkibit balikat lamang si Mavix sa kakambal.


"Well I'm handsome and delicious" nag inat pa ito ng mga braso at hinalikan ang bicep nya nakakatawa lang tapos humarap kay Avi at ngumiti ng matamis tapos nagpakawala ito nang flying kiss na ikinahinglambot ni Avi.

"Ang lakas nang bagyo grabe signal number 3 natatangay ako!" Ani Avi.



"Nasan ang storm wala naman ah!" Angal bigla ni Artemis na di dumungaw pa sa bintana.
"Niloloko nyo naman ako eh!" Naiinis na pumadyak pa ito sa sahig.

Nagkatawan tuloy kaming lahat nang malakas.

"Wala naman nakakatawa ah para kayong sira!" Muling angal ni Artemis sa amin.

----------------

"Honey tapos na akong mag shower sunod ka na" malambing na sabi ni Honey ko sa akin na di ko namalayam na nakalabas na pala sa shower room at nakaupo na dito katabi ko sa kama at niyakap pa nang dalawang kamay nito ang beywang ko tapos pinatong nito ang baba nito sa balikat ko bigla tuloy akong na concious.

Kasi papano kung mabaho na pala ako?

Kaka dyahe di ba?

Ang bango bango nang Asawa mo tapos ikaw amoy benghot!!!

"Sige Honey maliligo na din ako" akma na sanang tatayo ako nang hawakan ni Honey ang braso ko kaya naman nagtatakang lumingon ako dito.

Ngumiti ito sa akin tapos tumayo na din ito at niyakap ulit ako mula sa likod ko at parang tinambol ang Dibdib ko sa sobrang kaba.

Napalunok na naman ulit ako kasi yung kamay ni Honey ko hinihimas ang dibdib ko nakakakaba talaga promise!

At saka nakakakilig na din!


"B---bakit Honey?" Napapalunok na tanong ko dito.


"Hmm.....Kasi Honey parang di pa ako satisfied sa paliligo ko kanina parang gusto ko uling maligo" sagot nito saka hinipan nito ang leeg ko at muntik ko nang ikatalon.

Lalong lumakas ang tibok nang puso...


"G---ganun ba? Okay ikaw na muna ang mauna o---okay lang naman sa akin" nate tense na sagot ko dito.

Sumimangot ang magandang mukha nito at sa pagkagulat ko ay hinila nya akong bigla papunta sa Shower Room.


"T---teka lang Honey!" Namumula ang mukha ko na tumigil ako sa may pintuan.



"Shut up my Husband!" Napapikit akong bigla nang sumigaw ito.



"H---honey g--galit ka?" Kinakabahan na tanong ko sa Honey ko.


"Of course I'm mad kanina pa kita hinihintay na pumasok sa Shower para magsabay na tayo di ko na nga ni lock ang door para tuloy tuloy ka pero naalis ko na lahat nang libag sa katawan ko nalagas na yata lahat nang hair sa ulo sa paulit ulit na pagsa shampoo wala ka pa din kaya kailangan na magkasama ulit tayo na maligo para mawala na ang galit ko sa'yo" litanya nito.

Napatulala ako at ilang segundo pa bago mag sink in sa utak ko ang mga sinabi nya at pagkatapos napailing na lang ako at napapangiti na niyakap ang Honey ko.

"Sorry na Honey ko di ko naman alam na kanina mo pa pala ako hinihintay...sorry talaga" malambing na paghingi ko nang sorry dito.

"Okay forgiven ka na basta sabay na tayong maligo ulit" wika nito na nakangiting tinanguan ko naman.

Ngumiti na din ito pagkatapos ay tumingkayad paitaas at hinalikan ako sa labi ko na agad kong tinugon.

Magkasugpong ang mga labi namin at magkayakap na pumasok na kami sa shower room at gamit ang kaliwang kamay ko ay binuksan ko ang dutsa nang shower at sa ilalim nang maligamgam na tubig na nagmumula dito ay pinagpala namin ang katawan nang isa't isa....




My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now