Chapter 32

6.5K 164 4
                                    

"Congrats po Sir" bati agad ni Johan pagkalapit na pagkalapit nya sa akin kasi agad na binalita ko dito na nakuha ko na yun joint project na gustong makuha ni Papa kagabi.

Actually ito pa lang ang unang nakaalam kasi ibabalita ko pa lang ito sa Tatay ko at kay Jonas mamaya sa meeting.

"Thank you Johan" sagot ko naman dito.

"Di pa rin ako po makapaniwala na kahit na reject na po tayo nila last week, di pa rin kayo sumuko at eto na po nakuha nyo na din"wika pa nito.

Ngumiti ako. "It was thanks to Lemon magaling kasi sya, did you know sya ang gumawa nun proposal at saka atin atin lang eto ha wala nang dapat makaalam pa nito" sabi ko dito.

Agad na tumango naman ito at inimuestra ko na lumapit sa akin.
"Family friend kasi nina Lemon at ni Honey yun pamilya nila ni Mr. Zevilla kaya ganun" bulong ko dito.

"Talaga po Sir?" Di makapaniwalang sabi nito.

"Yeah kaya pano ba tawag dun? Ah alam ko na naki coattails ako pero di sa apelyido ng mga magulang ko kundi sa Asawa ko galing no?" Ngumisi ako dito.

Naiiling na napangiti na lang si Johan.
"Ang suwerte nyo po pala sa Asawa nyo po" agad na nagliwanag ang mukha ko sa papuri nito.

"Talaga at alam mo....." di ko na napigilan ang bibig ko at ibinida ko na ang Honey ko.

Malakas na blag ng pinto ang nagpatigil sa pagkukuwento ko kay Johan at nang tignan ko ito nakita ko na sina Papa, Jonas at yun Mag amang friend ni Papa.

"If you have time to Chatting to Yohan about your Wife maybe mas marami kang Oras para ialay mo sa trabaho mo yan energy mo my big brother?" Wika ni Jonas sa akin.

Agad na napasimangot ako sa sinabi nito.
Parang nakakaloko ang pagtawag sa akin nito ng big brother eh!
Ano ako yun may ari ng bahay na nagsasalita at nag iispy sa mga housemates na kagaya sa TV?

"Ahm mga Sir kayo po pala, good morning po" bati ni Johan sa mga ito at bahagya pang yumukod.
Tumayo na din ako at binati ang mga ito.

"Good Morning Papa, Jonas at sa inyo Mr. Gerardo at Ms. Gerardo good morning din po" bati ko sa apat.

"Good Morning din sa yo Kenneth" sabi ni Mr. Gerardo.
Namumulang nagtungo lang ng mukha si Sharleze sa akin.

Umupo na silang apat sa mga upuan pati din kami ni Johan.
Maya maya pa ay dumating na yun iba pang miyembro ng board kasunod din si Lemon kasi sinabihan ko sya na sumunod sa akin pag nakadating na sya sa office.

"Oi Lemon dito ka maupo sa tabi ko" pabulong na tawag ko kay Lemon.

Agad naman na tumalima sa akin si Lemon at naupo sa tabi ko.

"Nasabi na sa akin ni Ate Kat Kat na nakuha mo yun project good job kuya" bulong nito pagkaupo nito.

"Thanks to you di ko yun makukuha kundi sa tulong nyo ni Honey" bulong ko dito.
"Ang daya nyo nga eh di nyo sinabi sa akin na Tatay pala ni Mavix at Avi si Mr. Zevilla" angal ko dito.

Napangisi naman ito sa pag angal ko.
"Pffft! Di na surprise pag sinabi ko sa yo yun" anito.

Nag pout na lang ako dito.

"Nagsisimula na ang meeting baka gusto nyo na ibaling ang pansin nyo dito at itigil yang pagbubulungan nyo dyan Mr. Cervantes at Mr. Castello!" puna ni Jonas sa amin.

Nandun na pala sya sa harapan at nagsasalita na sa may microphone.
Tinginan naman sa gawi namin yun iba pang members ng board.

Namumulang huminto kaming dalawa ni Lemon sa pagbubulungan namin.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now