Chapter 7

9.1K 209 1
                                    

"Guys ready na tayo in 3......2.......1 go!!!" Sigaw ni Avery.

Mabilis na pinaharurot ng dalawa ang kani kanilang  sasakyan. Halos di na naglalayo ang bawat isa nandun lalagpasan lang ng kaunti ni Lemon si Mavix pero nakakahabol agad ito halos magkiskisan na nga sila pero wala pa rin lumalamang halos mabingi na kami nina Cathy at Avery sa lakas ng hiyawan ng mga miron na nanonood maya maya pa malapit na ang mga ito sa finish line ng biglang binilisan ni Mavix ang takbo ng sasakyan ang resulta........

"Oh well looks like you got youre new secretary" hinawakan na ni Cathy ang kamay ko at iginiya nya ako para pumunta kami kina Mavix at Lemon.

"Aish! Kuya Mavix youre a cheater nandaya ka di mo ako sineryoso hanggang sa huling segundo pinantayan mo lang ang bilis ko pero nang malapit na tayo sa finish line saka mo pinasibat yang sasakyan mo" inis na wika ni Lemon kay Mavix.

"Hey Lemon easy lang, Ang tawag sa ginawa ko strategy" natatawang paliwanag ni Mavix.

"So you lose Lemon, the deal before the game inaasahan ko yon ha " si Cathy.

"Okay  pero bakit kailangan pa na secretary, That job, i don't think suited me" nilapitan ni Cathy ito at hinawakan ang mga kamay ni Lemon.

"Of course not, you are the only one who can do it, you see my husband's mom always fired or moved his secretary so kailangan maghanap kami ng secretary na hindi connected sa company para hindi  mamanipula ni Mama" paliwanag nito.

Paano nalaman ni Cathy yon di ko naman sinabi ang tungkol dito. Parang nabasa niya ang iniisip ko.

"Kanina pagkuha ko ng coffee nakasalubong ko si Tita Lilhia" sagot nito.

Ah kaya pala.

"So Lemon Arthur Lewis shall we welcome you to your new job? " tanong ni Cathy.

Lewis?!! Parang familiar ang apelyido na'yon san ko nga ba narinig yon?

"Are you related to Mr. Leonard Lewis of Lewis Bank" Tanong ko kay Lemon.

"He's my father" sagot nito.

"Oh i see, What!!! Gulat na sambulat ko.

"Tsk, Ate Cathy asawa mo nakanganga oh" si Lemon.

"Ah nagulat lang ako kasi di ko alam" namumulang wika ko.

Kasi naman sino ba naman ang di magugulat eh ang Lewis Bank na yata kundi man ang may pinakamaraming sangay sa bansa.

"Oh well wala rin naman akong ginagawa sa ngayon" ani Lemon.

"Meaning?"

"Yah for the meantime" tugon nito.

"A-are you sure Lemon" para pa rin akong di mapalagay kasi naman anak ng may ari ng sikat na banko, secretary ko.

"But you have to call me Lemon Castello,that's my mother surname." kundisyon nito.

"Tama para walang hassle although mas maganda pa rin yun Lewis bagay sa name mo Lemon" ani Avery.

"Wala naman kaso kay Tito, napaliwanag ko na kay Tito okay lang daw nang may magawa naman si Lemon"  nasa sasakyan na si Dawn at pinakita kay Lemon ang cellphone nito.

"So tapos na ang usapan na to what about dinner, di pa ako nagdidiner" aya ni Mavix.

"Tara my treat" aya ni Cathy at hinawakan na nya ako papunta sa sasakyan.

"Who's that boy Kenneth?"  As Usual nandito na naman sa opisina si Mama pustahan  manggugulo lang to.

"Ah Mom si Lemon  Castello po bago ko pong secretary" pakikilala ko kay Lemon.

"Really?" Tingnan ito ni mama mula ulo hanggang paa.

"Kung secretary mo yan ba't lalake at nandito pa ang mesa nya sa loob ng office o kaya sinabi ng magaling mong asawa na lalaki ang kunin mo?" Sabi na, eh si mama talaga naku ako na ang nahihiya nito kay Lemon.

"Mom enough kaibigan sya ni Cathy at nakiusap lang ang asawa ko kay Lemon para maging secretary ko at kaya nandito sa loob ang mesa nya dahil marami pa kaming tatrabahuin dalawa so if you excuse me may trabaho pa kami" paliwanag ko.

"Well sorry" nagwalk out na naman si mama.

"Your mother kuya Kenneth is annoying sorry but i won't lie i'm pissed by this moment" nakataas ang kilay na wika ni Lemon.

"Sorry ha talagang ganun si Mama eh hobby nya na inisin ako eh" nakatawang sabi ko at umupo na ako sa upuan ko. Hay ba't ba ang dami nito kahapon halos maubos na namin nina Cathy at Avery to ba't ngayon marami pa rin.

"It's alright kuya expected ko na yon sinabi na ni Ate kat - kat na ganun talaga ang mama mo di ko lang maiwasan di mainis kasi ginaganun nya si ate Cathy eh" ani Lemon.

"Yeah kahit ako man gusto ko na ngang ipapakilala si Cathy sa kanya yun totoong sya kasi masakit sakin na nilalait nya ang asawa ko eh alam ko naman di ganun si Cathy" malungkot na wika ko.

"Alam mo ba Lemon na idol ni mama si Cassidy?" Tanong ko rito.

"Yah ate kat - kat told me that's why di ako masyadong nainis sa mama mo"

"thank you ha Lemon sa pagtanggap mo sa trabahong ito" talagang nagpapasalamat ako dito ng bukal sa puso ko.

"Nah maliit na bagay lang to pang bawas ng boredom ko" sabi nito.

Nang makauwi na kami kagabi ni Cathy ay sinearch ko sa internet ang pangalan nito at presto nalaman ko na graduate na pala ito sa Harvard last year pa at may sarili na itong negosyo ng restaurant at tatlo na ang branch nito at marami rin itong pag aari na iba pang negosyo na di ko na maalala pa ang mga pangalan kaya talagang di na nito kailangan magtrabaho pa.

"Yun negosyo nyo papano na, ahm ano ang ibig kong sabihin ay----" nabubulol na tanong ko rito.

"Yon ba, marami akong hinire para pamahalaan ng maayos yun mga negosyo ko tapos yun business naman ni papa pag may kailangan importante saka lang ako tinatawag ni dad" paliwanag nito.

Siya na ang mayaman hahahaha.

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon