Chapter 43

7.3K 168 5
                                    

Kunot noong tinitigan ni Dad ang invitations na ipinabibigay ni Tito Joey.

Nandito kami sa bahay nina Daddy Anton at Mommy Cameron,

"Busy ako sa next sunday may dinner date kami ni Camiko ko" sagot nito pagkatapos pasadahan ng tingin nito at muli ay ibinalik sa akin ang invitation.

Aw napaka sweet talaga nang father in law ko!

Mahal na Mahal talaga niya si Mother in law ko!

"Eh bukas daw po Papa mag hang out daw po kayong apat na mga kaibigan nyo po" sabi ko dito.

At kinamot nito ang baba nito.

"May  lakad din kami ni Camiko ko" sagot nito.

Ako naman ang napakamot ng ulo.

Puno ang schedule ni Daddy infairness!

Nang lakad nila ni Mommy!

"Ah okay po itetext nyo na lang po ba si Tito Joey po?" Tanong ko dito pero nakangiting umiling ito.

Saka tumalikod ito.

"Kayo na lang ang pumunta ni Anne dun sa party next Sunday then yun hang out party party na yan wag mo na lang intindihin, at lilipas din naman ang gabi at matatapos din naman yan" anito at saka iniwan na ako sa may living room at dumiretso sa may kusina kung saan nandun sina Mommy, Rafa at Honey,

Oh well si Dad talaga ang magandang example nang Good Father  and Good Husband,

Kaagad na sumunod ako kay Daddy at pumunta na din sa may kusina,

Nakita ko na as usual napaka sweet ni Dad kay Mom,

Nakaakbay si Dad kay Mom habang sinusubuan sya nang huli at pagkatapos ay kapwa napatawa nang mahina,

Si Rafa naman ay umiinom nang gatas,

Habang ang Honey ko ay inihahanda na ang mesa para makapag hain na,

Di nagtagal ay napansin na din ako ni Catherine,

"Hey Honey wait lang at malapit na akong matapos na maghain" nakangiting wika nito sa akin.

how lucky I am that she's been inlove with me......and me too....

Napangiti na lumapit na ako dito.

"Tulungan na kita"

"Okay" sagot nito at ilang sandali pa nakapaghain na kaming dalawa.

"It's done!,Mom, Dad tama na yan sobrang sweetness nyo kumain na muna po tayo" anyaya ni Cathy sa mga magulang nito.

Agad naman na tumalima ang mga ito at ilang saglit pa ay magkakasamang kumain na kami.

---------------

Anu kayang magandang gift kay Honey ko? Hmmm......
Iniisip ko habang nakatingin sa mga brochures,

"Kuya Kenneth!" Napakurap ako at nagtatakang nag angat nang paningin nang nakita ko si Lemon at pati na si......

Babae ito at tantiya ko ay kasing edad ko lamang ito.
Maikli ang kulay light brown buhok nito na di lumampas sa may tenga ang haba.

Sexy din nga pala ito, matangkad at maputi at singkit ang mga mata.

Sino sya?

Di ko maalala itong kasama ni Lemon!

Alanganin na ngumiti ako sa mga ito at saka mabilis na tumayo,

"Lemon may bisita pala tayo" wika ko sabay tingin kay Lemon.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now