Chapter 28

7.2K 171 1
                                    

"Dad?" tawag ko kay Papa kasi baka namali lang ako ng dinig eh.

"We need to secure this project Kenneth and since ang kapatid mo ay nagleave para matutukan si Macy, dapat na ikaw ang umasikaso nito tutal ikaw naman ay walang masyadong ginagawa ikaw na ang humawak nitong project" paliwanag nito sa akin.
"Pakialam ko d'yan busy din ako nuh,marami din akong tambak na trabaho kung di pa ako tulungan ni Lemon baka gabundok na ang mga papeles na kailangan kong basahin, pag aralan, pirmahan, halos di na nga kami nagkikita ni Honey since two weeks ago eh, dahil dito na ako nagbababad halos sa opisina tapos eto na naman...."
Isip isip ko lang yun mamaya sabihin ko dito sa Tatay ko atakihin pa ito sa puso eh kasalanan ko pa.

"Eh Dad di ko naman alam yan di ba dapat yung assistant ni Jonas sa project na yan ang kausapin nyo kasi alam nyo naman na sa kanya ang project na yan baka mamali ako o may gusto akong baguhin tapos ayaw ni Jonas magalit pa yun sa akin"  perfectionist kaya yun di lang masunod ang gusto nya nagagalit agad yun eh.

"Kenneth this a dream project with the Zevilla Group of Companies at kung ipapadala ko si Johan para dyan baka isipin nila na di ko siniseryoso ang project na ito kaya kailangan ko nang Figurehead at ikaw ang naisip ko" sagot nito.
"Ayun lumabas din ang totoo" anang sagot ng isip ko.
The Zevilla Group of Companies has  hundred or more Companies in the Philippines and in Asia.
They are the leading Company here in the Country almost all if not Small Company or Big Company like us wants to have this once in a lifetime chance to collaborate with them.

"Pinaghirapan ng kapatid mo na makuha ang tiwala nila at isa pa alam mo na noon ko pa gusto na makatrabaho sila kaya ginagawa ng kapatid mo ang lahat para mangyari ito at di ko hahayaan na mawala pa ang chance na ito" matigas na wika ni Papa.
"Ewan ko sa'yo Papa" sagot na naman ng isip ko.

"Johan will tell you everything that you need to know, he will discuss it to you later on at bahala ka na kung papaano mo gagawin ng maayos ang proposal importante na makuha natin ang tiwala nila do you understand Kennedy?" Binuo na naman ni Papa ang Pangalan ko.
"Hindi! Tingin mo Papa makukuha ko agad yun sinasabi mo eh di ko nga alam ang gagawin ko parang kakapa kapa ako sa dilim dyan sa pinagagawa mo tapos maghahanda pa ako nang proposal  anu yun?"

Tumango na lang ako kahit wala akong naintindihan sa mga sinasabi nito.
Ngumiti ito at Tinapik ako pagkaraan ay umalis na ito.
Naiwan naman akong nakapangalumbaba at mukhang kailangan ko nang gamot sa sakit nang ulo.
" Seriously! Bakit ba ang daming trabaho ni Jonas na sa akin pinapasa parati?
Tapos tinatambakan pa ako nang maraming trabaho ni Papa.
Hay life! Mag iba kaya ako nang profession?
Tulad ng ..... bouncer?"
Natawa ako bigla sa naisip ko seryoso bouncer?

"What's so Funny that you imagine Sir at natatawa kayo?" Mula sa pinto ay pumasok si Johan Valiente ang assistant ng magaling kong kapatid.
Ewan ko ha pero pakiramdam ko nainggit yata sa akin ang kapatid ko kasi di ba nga may secretary na sya tapos kumuha pa ng assistant....Duga!
Samantalang ako si Lemon lang secretary/boss ko yun hehehe....

"I think of switching job, Johan upo ka" sagot ko dito at tinuro ang upuan sa tapat ko.

"Really Sir?"

"Yeah...what do you think will suit me?"

"Hmm how about....Vice President of this Company?" Natawa na lang ako sa patanong na sagot nito.
Ang alam ko Magna Cumlaude ito nang magtapos nito lamang nakaraang buwan at agad na naalok ni Jonas na magtrabaho dito bilang Assistant nya na tinanggap naman ng huli kahit maraming nag alok ng trabaho dito na mas mataas ang sweldo at posisyon.
kasi kung di nyo naitatanong paaral si Johan ng Mama ko...
Kahit maldita at mataray yun Matulungin naman ang Nanay ko marami ngang pinag aaral yun eh.
At siguro para makatanaw na din ng utang na loob si Johan ay dito nga niya sa kumpanya namin gagamitin ang pinag aralan nya.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now