Chapter 30

7K 161 2
                                    

"What happen to you? You look lonely, do you want to talk about it?" Taas kilay na tanong ni Mama.

Hay, bakit ba ang napakasungit sa pinakamasungit na Nanay ko ang kasama ko ngayon? Tanong ng isang bahagi ng utak ko.

Busy ang honey mo, MIA si Mavix,
Umuwi nang maaga si Lemon,
May pictorial ang bayaw mo,
Di kayo close ng kapatid mo,
At higit sa lahat wala ka nang choice!
Nagpahuli ka na naman eh! Pang aasar nun isang bahagi din ng utak ko.

Kanina after namin magkasagutan ni Papa at lumabas nga ako,
Sakto nandun na si Mama,
At nakita agad ako,
Kaya eto nakidnap ako,
Este niyaya nya akong lumabas at mamasyal daw,

"Kennedy, I'm asking you?"muling tanong nito.
Napakamot ako sa likod ng leeg ko.

Sabihin mo na at pag nalaman nang Mama mo ang inuutos ng Papa mo,
Paniguradong eto pa ang mangunguna para mapaghiwalay kayo ng pinakamamahal mong HONEY!

"Ahm .....ano Mama kase....."nabubulol na wika ko dito.

"Kennedy pag di ka nagsabi sa akin, tsitsinelasin kita" sikmat nito.

Dagling pinagpawisan ako at di na ako mapakali sa kinauupuan ko.

"Eh kasi Mama .....ano kasi....."

"Kennedy!!!" Galit na sigaw nito sa akin sanhi para mapatingin sa gawi namin ang mga tao na kumakain sa restaurant na pinuntahan namin.

Pero walang pakialam dito si Mama at taas pa din ang kilay na mataman na nakatitig sa akin.

"Mama kasi si Papa gusto nya na....." napapikit ako at tila umurong ang dila ko.

Ayaw mo talagang bigkasin!

"Ano?"

"Na....na.....na. .."

"Naku Kennedy isang isa na lang" gigil na sambit nito.

Hala ka Kenneth! Galit na Mama mo,

"Ma....Papa wants me to break up and leave my wife to marry the daughter of his bestfriend" napapikit ako after kong masabi dito ang gustong pagawa ni Papa sa akin.

Dahan Dahan na dumilat ako at nagtaka ako sa naging reaksiyon nito.

Maang na napatingin ito sa akin,
Tila di makapaniwala sa nadinig nya.

"Mama?" Kinalabit ko ito.

Agad na nahimasmasan naman eto.

"P--pumayag ka?" Napapalunok na Tanong nito.

"Of course not Mama!!" Umiiling na sagot ko dito.

"Good" tila nakahinga eto nang maluwag sa sinagot ko.

Himala ata mukhang walang topak si Mama ngayon, Di kaya....?

"Are you alright Ma?" Biglang nag alala na tanong ko dito.

"Of course! Yayayain ba kitang mamasyal kundi?" Nakahinga ako nang maluwag sa sagot nito.

"Whew, thanks god, Mama that you're alright" tumaas agad ang kilay nito sa nadinig sa akin.

"And why is that?" I smiled at my Mother.

"Nothing Mama, nakakapanibago lang kase po na di nyo ako tinatalakan"

"Why naririndi ka na ba sa akin?"

"No, Mama I'm just happy that mukhang tanggap nyo na ang Asawa ko po kaya di na kayo kumampi kay Papa and I relieved kasi di kayo sumali sa gustong mangyari ni Papa" instantly Mama blushed.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now