Chapter 13

8.1K 196 0
                                    

Napatingin ako kay Cathy dahil sa sunod sunod pagbuntunghininga nito.

"Honey bakit may problema ba?" Tanong ko rito.

"Honey kasi dadating ang kapatid ko pero di kasama sina papa at mama dahil di pa tapos ang inaayos nila sa singapore kaya si Rafa lang ang uuwi" tugon nito.

"At?"

"Dahil di kasama sina mama kaya sa atin muna si Rafa tutuloy pwede ba hon?" baling nito sa akin.

"Ano ka ba hon kailangan pa talagang ipagpaalam mo sa akin ito, okay lang sa akin in fact excited na akong makilala sila dahil sa di sila nakadalo dahil sa biglaan lang ang kasal natin di ba?" Nakangiting tugon ko dito.

"Yay thank you talaga hon" napayakap na ito sa akin at pinugpog na ko ng halik.

"Kaya lang may problema pa rin eh"

"At ano naman yon?"

"May shooting kasi kami sa laguna sa mismong araw ng dating ni Rafa at baka abutin kami ng tatlong araw dun"wika nito.

"Don't worry hon ako na lang ang susundo kay rafa okay lang ba?" Kusa na kong inalok ang sarili kasi trabaho yun kaya di pwede di ito pumunta tiyak ako na matsitsismis pa na unpropesional ito na hindi naman totoo.

Kahit kailan wala pa akong narinig na negative comment ukol dito tungkol sa mga trabaho nito infact minsan nagshoot nga ito na mataas ang lagnat pero tinapos nito ang eksena saka ito nag collapse kaya nalaman sa set na may sakit na pala ito.

Buti na lang nandun si Mavis kaya nalaman ko at nakapasok ako na di nakita ng press.

Grabe talaga ang kaba ko nun.

Buti na lang okay na ito at di na lumala ang lagnat nito.

"Oh my! Thank you talaga honey wag kang mag alala pagkatapos nito medyo mahaba ang break ko kaya magkakasama sama tayo nang matagal" napangiti ako ng maluwang.

Kahit sobrang busy nito di pa rin ito nawawalan ng time sa akin she will always make sure na kumakain ako sa oras at nakakapagpahinga ako ng husto kaya di ko ramdam na busy ito sa trabaho nito kasi lagi itong nandyan sa tabi ko.

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Kanina pa akong alas nueve dito ng umaga pero wala pa rin Rafa na dumadating alas tres na nang hapon ng sinipat ko ang orasan pambisig ko at medyo nag aalala na ko dahil medyo na delayed ang arrival nito.

Aaminin ko na kinakabahan ako kasi di ko pa nakikilala ang pamilya ni Cathy ang alam ko lang ay galing sa parehong mayaman na pamilya ang mga magulang nito at may sampung taon gulang naman ang bunso nitong kapatid na si Rafa nga.

"Hey you" narinig kong may parang tumatawag sa akin kaya nagpalingon lingon ako pero wala naman akong nakita.

"Tsk where are your eyes you eyeglassman man look down!" Utos ng tinig at bumaba ang tingin ko at nakita ko ang isang cute na cute batang lalake mukha nga itong kerubin mamula mula pa ang pisngi nito at kamukha pa yata ni Cathy ko.

Oo si Cathy ko.

Inaangkin ko na ang asawa ko asawa ko naman ito saka isipin ko pa lang na asawa ko ito takte kinikilig talaga ako.

Teka kamukha ni Cathy?

Di kaya ito si?

"You take long time to finally figure out who am i " wika nito.

"Rafa! Nice to finally meeting you" masayang bati ko rito.

Yayakapin ko sana ito pero umirap ito sa kin.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now