Chapter 3

12.6K 252 4
                                    

"Honey ko gising na" naramdaman ko ang isang kamay na marahang humaplos sa buhok ko.Dahan dahan akong nagmulat ng mata tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Cathy.

"Breakfast is ready na honey so bangon ka na dyan kasi may pupuntahan pa tayo" marahan hinila ako nito patayo.

"Honey it's sunday naman tulog muna tayo" niyakap ko ito patalikod at pinaupo sa kandungan ko,marahan kong hinawi ang ilang hibla ng buhok nito at pinaliguan ko ito ng halik pagkaraan ay dinantay ko ang ulo ko sa balikat nito.

"Gusto ko rin sana, kaya lang nagtext si Dawn at Avery na kailangan ko talagang pumunta don" humarap na ito sa'kin at hinalikan nya ako halos kapusin kami ng hininga sa tagal na magkasugpong ang mga labi namin bahagya pa akong nakaramdam ng protesta ng tapusin na nito ang halik na pinagsasaluhan namin.

"God you're such a tease honey,Okay lika na" tumayo na kami at pumunta na sa kusina.

"Honey, tanong ko lang, bakit kasama pa ako don sa pupuntahan mo, don't get me wrong hon pero puro babae kasi kayo nakakailang lang kung kasama nyo pa ako" napangiti ito at inayos ang kwelyo ng polo ko.

"No hon, don't worry andun naman si Mavix di ka maaout of place" napatango na lang ako mas lalo pa akong kinabahan sa narinig ko.

"kat - kat late ka" salubong ng seksing babae sa amin, Sa tindig at porma nito walang panama si Macy pati na rin yun girlfriend ng pinsan kong si Alex na si Angela.

"Oo nga pag kami ang late namamatok ka na pag ikaw okay lang" nakangusong sabi ng isa pa babae.Sexy at maganda rin ito, pano ko ba isasalarawan  silang tatlo(sali ko na rin si cathy kasi di sya naka costume ngayon :) ) ang puputi nilang tatlo pare parehong mahahaba rin ang buhok nila si Cathy kulay chokolate ang buhok sabi nya namana raw nya ang kulay nito sa lola nya.yun isa naman kulay blue black tapos yun isa naman  ay kulay Caramel .Nasabi ko na ba na ang  seseksi sila kundi pa, sasabihin ko ulit ang kikitid ng bewang parang coke na mismo ang kurba at  ang mukha ang aamo  wala pa silang make up nyan ha.Naputol ang pagtingin ko sa kanila nun naramdaman kong bumukas yun pinto sa likod ko.

"Oy ,Mavix san ka natulog kagabi hinahanap ka ni mama ha" nakita ko yun tinawag na Mavix na nakangiting inakbayan yun nagtanong.Kung dyosa na sa ganda yun tatlo babae, itong lalake namang ito ay parang greek god ang itsura walang panama ang kapatid ko rito pati na rin si Alex siguro.

"Avery ikaw na ang bahalang magdahilan sabihin mo na busy kako ako" ginulo nito ang buhok ng tinawag nitong Avery.

"Mavix yun hair ko" awat nun Avery.

"Enough na yan guys let's begin na may lakad pa kami ni honey ko" saway ni Cathy.

Isa isa na silang umayos sa  stage at umupo sa mga katapat ng instrumento na naroon at nagsimula nang tumugtog.

( NOW PLAYING KAHIT HABAMBUHAY )

Nakakalito ang mundo.
Kung sinong mahal mo, s’yang ayaw sa ‘yo

H’wag sanang masayang itong
Damdamin kong laan sa ‘yo.

Pa’no naman ako?
Kay tagal ko nang umibig sa ‘yo.
H’wag sanang masayang itong
Damdamin kong laan sa ‘yo.

Kahit habang buhay maghihintay ako sa ‘yo.
Kahit pa maglaho ang mundo.
Kahit habang buhay maghihintay ako sa ‘yo.
Asahan mong hindi magpapalit
Itong damdamin ko.

Pa’no naman ako?
Kay tagal ko nang umibig sa ‘yo.
H’wag sanang masayang itong
Damdamin kong laan sa ‘yo.

Kahit habang buhay maghihintay ako sa ‘yo.
Kahit pa maglaho ang mundo.
Kahit habang buhay maghihintay ako sa ‘yo.
Asahan mong hindi magpapalit
Itong damdamin ko.

Pa’no naman ako? ooh…
Nakakalito ang mundo
Kung sinong mahal mo, s’yang ayaw sa ‘yo…
Kung sinong mahal mo, s’yang ayaw sa ‘yo…

Kahit habang buhay maghihintay ako sa ‘yo.
Kahit pa maglaho ang mundo.
Kahit habang buhay maghihintay ako sa ‘yo.
Asahan mong hindi magpapalit
Hindi-hindi magpapalit
Hindi-hindi magpapalit
Itong damdamin ko.

Nasabi ko na ba kung bakit alangan ako sa kanya.Yun banda nila hindi lang sikat na sikat, popular din ang bawat isa sa kanila. Ilang araw pagkatapos namin ikasal tinanong ko sya kung bakit kailangan mag costume pa sya at bakit ganun lagi ang pustura nya yun pangjoker natawa lang ito at sinabi na usapan na ng grupo nila na mag disguise para walang hassle pag gusto nilang lumabas. Bawat isa sa kanila ay kilala sa bansa si Cathy mas kilala sya bilang Cassidy the Actress magaling sya sa larangan nayon,

Si Dawn naman mas kilala bilang Lizzie the Model halos lahat na namodel na nya.

Si Avery naman mas kilala sa tawag na Amethyst the Writer magaling tong magsulat at lahat bestselling.

At panghuli Si Mavix mas kilala sya sa tawag na Ares the Director lahat ng dinerect nito blockbuster lahat.

At kahit sikat na sikat sa larangan napili nila  di pa rin nabubuwag ang banda nilang The Crayons,  Ewan ko kung bakit yun ang pangalan ng grupo nila.

Kaya yon ang dahilan kun bakit nasabi ko na alangan ako kay Cathy, Magkaroon ka ba naman ng sikat na artistang asawa tapos may mga die hard fans pa na handang ipagpatayan ito, goodluck sa akin. Di lang yon mga mayayaman pa ang bawat isa sa kanila nagmukhang sa middle  class lang kami nabibilang pag nagkumparahan ng yaman.

"Nainip ka ba?" Katatapos lang nilang magrehearsal pinunasan ko ng panyo ang noo nya at inabutan ko ng mineral water ito pati na sina Avery, Dawn, at Mavix.

"Thank you"

"Uy thanks dude"

"Thanks" sabay sabay na wika nilang tatlo sa akin.Napangiti na lang ako. Kung malalaman lang ni mommy na yun favorite nyang artista na si Cassidy ay yun asawa ko tapos yun favorites nyang author ng librong binabasa nya ay kaibigan nito at ng naging pelikula ay dinerek ng crush nyang director at yun modelo ng produkto ng kumpanya namin ay magkakaibigan baka mahimatay nayun kaya secret ko muna to ngayon.Okay lang din sa akin na di muna pinaalam ni Cathy na may asawa na sya sa mga press, nahihiya kasi  ako sa mga tao eh pag nagbabasa ako ng article (simula nun maging asawa ko sya araw araw na akong nagbabasa ng write up tungkol dito) nababasa ko ang paghanga at pagrespeto nila kay Cassidy pati na rin ang mga tsismis tungkol dito kung may boyfriend na ito o may dinidate na ito pati na ang pagpapares dito sa mga actor na nakakatrabaho nito.Feeling ko di ako karapat dapat sa kanya.

"Di naman nag enjoy nga ako" sagot ko rito.

"Guys saan ang punta nyo?" Tanong ni Dawn kay Cathy napatingin din ako kay Cathy kasi kahit ako di ko rin alam kung saan kami pupunta.

"Ieenrol ko si honey sa gym na pinupuntahan natin" nakangiting wika nito. Ah sa gym pala ........ what !sa gym nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

"Yeah honey sa gym" parang nabasa nya ang naiisip ko.Napangisi na si Mavix sa narinig pati na rin sina Avery at Dawn  ewan ko ha parang kinakabahan ako sa paraan ng pagngisi nila.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now