Chapter 22

7.6K 166 1
                                    

Nakapangalumbaba ako sa bintana ng eroplano at nakasibi na nakatingin sa mga ulap.

Papunta ang eroplano sa Cebu at malas ko nandito ako.

Flashback:

Nakatulala pa rin ako kay Papa kahit kanina pa sya tapos sa sinasabi nya pero eto daig ko pa ang tinuka ng ahas sa pagkabigla kasi si Dad.....

"Kenneth kanina ka pa nakatulala dyan ah parang sinabi ko lang sa'yo na umattend ka ng business conference sa Cebu para kang binabad sa suka dyan" sita ni Papa.

"Dad baka pwedeng si Jonas na lang ang pumunta" wika ko dito.

Naman eh ako na naman, di sa nagrereklamo ako....

pero oo ganun na din yun.....

"Kenneth, Macy need Jonas by her side alam mo naman na maselan ang pagbubuntis ng hipag mo kaya nagrequest ang kapatid mo na ikaw na lang instead of him ang pumunta sa conference" sagot nito.
Si Jonas na naman...basta talaga kay Jonas lahat gagawin ni Papa....tapos pag ako ang may kailangan.....bitter ko noh?

"Fine Dad kailan ba ito?" Napabuntunghininga na lang ako.

Hehehe, Tatay ko pa rin to eh at saka trabaho to kaya di ako dapat kumain ng ampalaya.

Pero....... Waaahh!!!

Yun surprise dinner date ko para kay Honey mapoprosponed na naman

Enebeyen telege nemen peg meles ke!!

Ayan pati utak ko tabingi na rin.

At ang mas worse pa dito ay Wala naman si Cathy at si Rafa magkasama silang nagshoot kasi para sa isang clothing line kaya pala pamilyar si Rafa sa akin bukod sa nakita ko na siya seven years ago ay nakabalandra ang cute na cute nyang mukha sa mga billboard sa Manila dahil sikat pala syang model ng mga pambatang damit dati pa pero di tulad ni Honey ko na kailangan pa nyang magdisguised pag lalabas sya tama na ang shades at cap at presto isa na lang siyang ordinaryong bata na biniyayaan ng kacutetan.

Kahit si Mama di rin sya namumukhaan kahit pa madalas nakikita na nya ang mukha ni Rafa sa mga magazine na madalas nyang basahin.

Kaya ending lonely nights ang peg ko ngayon kasi nasanay na ako na pag wala si Honey ko si Rafa ang kasama ko sa bahay.

Masyadong tahimik para na akong di sanay samantalang dati ganun din naman ang buhay ko nun di ko pa nakikilala si Honey, Bahay - Trabaho, Trabaho - Bahay lang ang pinupuntahan ko.

And thats what happen.

End of Flashback.

"Oy kanina ka pa dyan nakikipaghalikan sa bintana baka naman gusto mo nang lumayas dyan" nakangising buska ni Mavix.

Oo si Mavix magkatabi kami sa cabin,

Nagulat nga kami ni Lemon nang makita namin sya sa eroplano,tapos kami pa ang magkatabi, tapos si Lemon naman nasa likod namin.

Ewan ko  kung bakit nandito rin si Mavix, siguro may trabaho sya dun sa Cebu.

Tumango ako at mayamaya lang ay nag inanunsyo na ng flight stewardess na pababa na ang eroplano.

"Hey may gagawin ba kayo after nyong mag check in sa hotel?" Tanong ni Mavix,

Nakababa na kami ng eroplano at nasa labas na kami ng airport at naghihintay na lang kami ng taxi.

Umiling kami ni Lemon.

"Wala naman kasi bukas pa ang simula ng conference, why?" Ani Lemon.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now