Chapter 8

8.6K 193 1
                                    

"Kenneth dito pa sa bandang balikat ko wala pang sunblock" kung akala nyo asawa ko kasama ko nagkakamali kayo.

"Mom, meron na nilagyan ko na yan" wika ko....tama kayo ng narinig mama ko ang kasama ko rito.

"Lagyan mo pa ulit baka masunog ang balat ko" utos nito.

Bakit ba ito ang kasama ko at hindi ang asawa ko?

"Kenneth gusto mo ba na after nang shooting ko pumunta tayo sa palawan may magandang beach doon" tanong ni Cathy.

"Okay na Okay hon di pa nga tayo nakakapaghoneymoon kaya sabihin mo lang kung kailangan ka available para makapag leave ako sa office" excited na ako wala pa kasi kaming moment na magkasama busy kasi sya palagi sa taping nya.At ako simula ng maging secretary ko si Lemon ay halos papirma pirma na lang ang ginagawa ko kasi bago dumating sa akin ang mga papeles inaayos nya na.

Napaka organise pa ni Lemon at masyadong perfectionist, tuloy mas madalas pa tuloy kami maglaro ng games nitong si Lemon kaysa magtrabaho and guess what?

Lagi akong talo pano ba naman kasi masyado na ba akong workoholic kaya di ko alam maglaro ng games.

"Si Lemon, kamusta na?" Tanong uli nito.

"Ayun hon lagi akong talo hahaha wala talaga akong pag asa matutong maglaro" natatawang wika ko.

"Mabuti naman, si Lemon kasi mabilis magsawa sa mga bagay bagay gusto nya ngayon, bukas hindi na kaya mainam na yun nasa'yo sya"

"Oo nga eh ang galing nga nya eh grabe bago ko palang binabasa tapos na nya yun mga papeles at papipirma na lang nya o kaya ipapareject na lang nya sa'kin"

"Genius talaga yon kaya lang wala syang motivation gumawa or magpasya sa mga bagay bagay kasi walang maka keep up sa kanya di nila maintindihan mag isip si Lemon kaya nilalayuan nila ito kami lang apat ang kaibigan nun pero nandyan ka na kaya lima na tayo so pakiusap ko lang pagpasenyahan muna lang yon pag may sapak yon ha" paliwanag ni Cathy.

"Of course honey ako lang yata ang may secretary na mas matalino pa sa matalinong kilala ko kaya aalagaan ko syang mabuti isa pa kaibigan ko na rin sya di ba" hinalikan ko sa noo.

"So tulog na tayo " anyaya nito.

"Yeah matulog na tayo" makahulugan kong sabi sabay ngiti.

"Gusto ko yang iniisip mo" hinatak na nya ako palapit sa kanya at nagtalukbong na kami ng kumot sabay patay ng ilaw sa may mesa sa gilid ng kama namin.

"So, ito ang ginagawa nyo maghapon" mula sa pinto lumitaw si Mama. Seryoso, wala na bang alam gawin si mama kundi bantayan ako maghapon?

"Mom tapos na ang trabaho ko po, kaya po naglalaro lang kami kasi traffic pauwi nagpapalipas lang kami ng oras" paliwanag ko."kayo mom bakit kayo nandito?" Tanong ko dito.

"Kailan ka pa natapos ng maaga di ba nga kaya ka lagi nagoovertime dati kasi tambak ang trabaho mo di ka katulad ni Jonas na mabilis magtrabaho" panonopla nito. Hay naku si Mama talaga oo sya na talaga, syang syang na.

"Mom, madali na akong matapos sa mga trabaho ko ngayon dahil kay Lemon magaling kasi sya" pagmamalaki ko.

"Ewan ko sa'yo" nagwalk out na naman si mama. Maya maya bumalik ito.

"Kenneth" tawag nito.

"Why mom may kailangan ka uli?" Tanong ko. Nag liligpit na kami ni Lemon ng mga kalat namin.

"Samahan mo kami nina papa mo" utos nito.

"Pwede ko po bang isama si Lemon?"

"Yeah, ewan, siguro bahala ka" sagot nito. Ano ba yan si mama mukhang ewan kundi ko lang nanay to.

"Mom ang layo na nitong pinupuntahan natin labas na yata ng manila to eh" kanina pa kasi kami bumibyahe may tatlong oras na.

"Gusto kong magbeach don't worry susunod rin ang papa at kapatid mo saka si Macy" walang ganang tugon.

"What mom ba't ngayon mo lang sinabi sinama ko pa si Lemon" angal ko.

Naman eh! May usapan pa kami nina Cathy pati na rin sina Avery, Dawn at Mavix saka itong si Lemon na magdidiner pagkatapos namin mag gym at magpa spa.Dapat pala maaga kaming umalis kanina.

"Whatever sama ka ng sama di ka nagtatanong" shit next time magtatanong na ako.

"Lemon sorry ha di ko talaga alam na  beach pala ang pupuntahan ni Mommy sana di na lang kita sinama" nandito na kami sa beach na gusto ni mama. Kanina pagkababa namin ng sasakyan ay tinawagan ko na sina Cathy para humingi ng sorry dahil di kami makakapunta ni Lemon.

"Okay lang kuya Kenneth beach naman ito ni Kuya Mavix kaya familiar na rin ako sa lugar isa pa may damit naman akong naiwan dito" sagot nito.

"B-beach ito ni Mavix, wow" talagang namangha ako kasi maganda itong lugar na ito gabi na kaya madilim at di ko masyadong kita ito pero alam ko na maganda ito idagdag mo pa na maraming bituin sa langit kaya parang ang sarap mag night swimming.

"Yah pero sikreto lang ito kuya ha na si Kuya Mavix ang may ari nito kasi pag nalaman ito ng press baka mawalan pa si kuya ng privacy" wika nito.

"Of course makakaasa ka"

Maya maya pa nakita na namin may dumating na sasakyan sa driveway ng hotel.Nang bumaba ito nakita namin na sina Papa Jonas at Macy na yun dumating.

Pinagmasdan ko si Macy mukha yatang maselan ang pagbubuntis nito kasi mukhang namayat ito.

At mukhang naka move on na ako sa kanya kasi di na malakas ang pintig ng puso ko sa kanya di tulad dati na halos di ako makahinga.

"Edmund mabuti naman nakarating na kayo dito" salubong ni mama.

"Minerva" bati nito kay mama hinalikan nito sa pisngi si mama.

"Kenneth" tumango ako kay papa ng tinawag nya ako. "And who is this young man?" Tukoy nito kay Lemon.

"Dad si Lemon Castello po secretary ko po"pakilala ko kay Lemon."Lemon si Mr. Edmund Cervantes daddy ko"

"Hello po sir" nakipagkamay dito si Lemon. Tinapik naman ni papa sa balikat ito. Pinakilala ko rin sina Macy at Jonas.

"Hijo nasaan na ang asawa mo ba't di natin kasama" tanong ni papa.

"Ah ano po kasi po biglaan pong nagyaya si mom kaya ----'' naputol ang paliwanag ko nang magsalita si mom.

"I'm starving mamaya na ang mga kwentuhan nyo kumain muna tayo"

"Tama baka gutom na si Macy mama" pagsangayon ni Jonas inakay na nito ang una sa loob.

"Alright kumain na tayo"si papa.

Sumunod na kaming dalawa sa kanila.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now