Chapter 52 part three

4.4K 126 17
                                    

"P---papa?.....anung? B---bakit ka po narito?" Nauutal na sunod sunod na tanong ko Papa pagkakita dito na papasok sa bahay namin na may dala dalang dalawang maleta.

"Namiss kita Anak kaya dinadalaw kita" nakangiting sagot nito.

"Weh? Di nga?"Gusto ko sanang isambulat pero naisip ko na bad yun kaya sa halip ay tumango na lamang ako.

"Kumain na po ba kayo ng Almusal Pa?" Tinulungan ko na si Papa sa pagbitbit ng maleta nya papasok sa may sala.

"Hindi pa nga....Ang Mama mo nasan?" Pagkuwa'y tanong nito.

"Ah nandun po sa Room nya, teka po tatawagin ko po" sagot ko dito.

Mabuti na lamang at dahil maaga ang call time ni Honey ay maaga akong nagising at ipinagluto ito ng Breakfast kaya may ready nang pagkain sa hapag.

Umakyat na ako sa second floor at kinatok na ang pinto ng kwarto ni Mama.

"Mama, kain na po tayo?" Anyaya ko dito habang kinakatok ang pinto.

"Ikaw na lang Kenneth, inaantok pa ako!" Sagot nito sa akin.

Napakamot ako sa batok ko.

"Ma, si Papa nasa baba po" muli ay wika ko kay Mama.
Maya maya pa ay nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa pintuan at ilang saglit pa ay bumukas na ito at inuluwa si Mama na putim puti ang Mukha.

Mukha na tuloy syang multo....kundi ko lang agad na kinalma ang sarili ko malamang nahimatay na ako.

Still my Honey is the best....na kahit maligo pa sya ng isang baldeng pulbos ay maiinlove at maiinlove pa rin ako sa kanya.

"Bakit nandito ang Papa mo?!" Nanlalaki ang mga mata na tanong nito sa akin.

Agad na hinamig ko ang sarili ko saka sinagot ang tanong ni Mama.

"Di ko po alam Ma, pero may dala dala s'yang maleta at mukhang magtatagal sya dito" kibit balikat na pagbabalita ko dito.

Mas lalong lumaki ang mga mata nito na kulang na lang ay lumuwa nj ang mga ito.

"Ano?!" Nagmamartsang naglakad na ito pababa sa hagdan.

"Edmund anung ginagawa mo dito?!" Tila naninita ang himig ng boses ng Mama na tanong nito kay Papa.

"Namiss ko lang si Kenneth, kaya I visit him" nakangiting sagot ni Papa dito.

Tinaasan nito ni Mama ng kilay, halata ang mukha ang di paniniwala sa sinabing dahilan ni Papa.

"Visit lang may maleta ka nang dala? Bakit required na ba na pag bumisita ka magdadala ka ng maleta? Anu yun magreregalo ka ng maleta?" Sunod sunod na tanong ni Mama dito.

"Bakit ikaw Minerva, nagpaalam ka ba sa akin na bibisitahin mo ang anak natin at di ka na uuwi sa bahay dahil na feel at home ka na sa bahay ng anak natin?" Balik tanong ni Papa dito.

Umismid si Mama dito.

"So what kung nawili ako sa pagbisita dito at di na umalis, as far as I remember wala ka naman concern sa kung anuman gawin ko sa buhay ko Edmund" nakahalukipkip na sagot ni Mama dito.

"But the fact remains na Asawa mo ako pero nakalimutan mong ipaalam sa akin na nakalimutan mo na yata ang daan pauwi sa bahay natin"

"So what? Ngayon mo lang naisip na mag inarte dyan after two months?"

"I'm not, stop nagging at me, nakakairita ang boses mo umagang umaga pa naman" wika ni Papa pero nakangiti naman, wala kang mababakas ni konting inis sa mukha nya.

"At sinong nagsabi nag nanag sa iyo? Edmund please stop,ganito na talaga ang boses ko noon pa, wag kang ano d'yan" nakaismid pa rin na sagot ni Mama dito.

Muli ay napakamot na lamang ako sa batok ko, tila kasi sumakit ito dahil sa nasasaksihan kong eksena sa pagitan ng mga magulang ko.

Parang Magka LQ lang na lovers ang Peg nilang dalawa ah! Sa isip isip ko.

"Ahm....Ma...Pa...kain na muna tayo, mas magandang mag usap pag may laman na ang sikmura" ako na ang nagyaya sa dalawa na kumain.
Mukha kasing walang balak ang Mama na pakainin ang Papa, at tila pa gusto nito na itaboy ang huli.

Nilingon ako ni Papa na ngumiti at saka lumapit sa akin pagkatapos ay inakbayan ako nito.

"Sige anak, nagugutom na nga ako" anito habang naglalakad kami papunta sa kitchen.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now