Chapter 4

11.2K 244 2
                                    

"Another set of exercise pa sir and were done na po" sabi nun coach sa gym na pinagdalhan sakin ng magaling kong asawa.Another set pa patay na ako nito.

"Coach break po muna ako" humihingal na sabi ko sa coach.

"Alright sir but only fifteen minutes lang"anito, what!!! fifteen minutes lang, anyway mainam na yun.

Pinuntahan ko sila Cathy sa kabilang room at nakita ko sila tatlo na nagzuzumba hinanap ng paningin ko si Mavis at nakita ko sya na nagbubuhat ng barbel.Bumaling uli ang tingin ko sa tatlo, nun malaman nila kun saan kami pupunta sumama na rin sila dahil matagal na raw silang di nagpupunta ng gym.

Naramdaman kaya ni Cathy na may nakatingin sa kanya kaya lumingon ito sa gawi ko, nun makita nya ako nagpaalam muna ito sa dalawa at lumapit sa akin.

"Why honey may kailangan ka" inalok sya nito ng pocari.

"Nah nagbreak lang ako sandali" nakangiting wika ko.

"All right, honey pag tapos ka na may appointment pa tayo ha" what? na naman, saan kaya kami pupunta na naman.

Alam kong di ako gwapo pangkaraniwan lang ang itsura ko tanggap ko na yon..........

Pero ang dalhin ako sa Facial clinic na'to para ko na rin naamin na di ako gusto ng asawa ko sa ganitong itsura ko.

"Bakit ka nakanganga dyan di pa ba tayo papasok kanina pa tayo rito nakatayong dalawa nauna na yun tatlo sa loob" napalingon ako sa nagsalitang si Mavix. Kasama pa rin silang tatlo sa aming lakad na ito.

"Parang di ko kayang pumasok dyan kinakabahan ako eh" nakayukong wika ko.

Inakbayan ako ni Mavix.

"Dude ang tunay na lalake di natatakot sa kahit ano, bakla ka ba" umiiling iling ako di ako bakla ha.

"Then dude 'lika na let's pamper ourselves nah" nagpatiuna na ito papasok.Sa loob iginiya kami ng therapist sa naka assign na kuwarto samin at sinimulang na kaming i massage ventosa ba ang tawag pag may bato sa likod?.

Di ko napansin na nakatulog ako nagising na lang ako nang parang may tumatawag sa akin.Namulatan ko si Mavix na tinatawag na ako.

"Dude sorry to wake you up pero kanina pa ako kinukulit ni kat -kat sa text oh" inabot nya sa kin ang cellphone nakita ko ang daming text nga ni Cathy sa kanya.

"Hay naku girls pag kayo ang matagal sa ginagawa nyo at nainip ako sa inyo naiinis kayo, pag kami ang may ginagawa inip na inip kayo, ano ba talaga girls?" Pumipilantik na saad ni Mavix kumikembot kembot pa ito na alangan tignan sa maskuladong katawan nito.

"Gago"

"Ewww!!!"

"Gross" sabay sabay na wika ng tatlong babae at pinagbabatukan nila si Mavix. Kawawa naman si Mavix, pero nakakatuwa talaga silang tignan apat.

"Kung ikaw lang iiwan ka na namin kaya lang kasama mo ang honey ko" nakataas ang kilay na sagot ni Cathy.

"Bakit kat - kat takot ka ba na mahumaling sa aking ang asawa mo" nakapilantik pa rin ang mga daliri nito. Hindi sumagot si Cathy sa halip lumapit ito kay Mavix at pinilipit ang leeg nito.

"Aray kat - kat joke lang! joke lang!" Awat ni Mavis. Natawa na kami nina Avery at Dawn sa kanila.Pagkaraan nag aya na si Mavix na kumain.Sya ang sagot ininis raw nya si Cathy kaya magdusa raw 'to.

"Hey guys una nako ha, maaga pa ang pictorial namin eh" paalam ni Dawn.

"Ako rin pupunta pa ako sa Laguna ngayon, oy Mavix hatid mo ko" utos ni Avery.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now