Chapter 50 part two

4.7K 142 26
                                    

"What the hell is the meaning of this?" Galit na tanong ng presidente ng TV network na kung saan ako naka kontrata.

At saka marahas na nilapag nito ang newspaper sa harap ko kung saan nakabandera ang kissing scene namin ni Honey.

"Cassidy I'm waiting here" naiinip na untag nito.

Pumangalumbaba muna ako sa desk nito at pagkatapos ay matamis na nginitian ito.

"He kissed me Tristan" sagot ko.

Nahilot nito ang naka gel pa na buhok.

"Oo nga kitang kita ko nga oh!" Anito at dinutdut pa ang pisngi ko gamit ang hintuturo nya.
"Nagagawa mo pang biruin ako"

"Aray naman Tristan!" Angal ko at saka pinalis ang daliri nito.

"So ano na nga Cass?" Muling pangungulit nito sa akin.

Huminga ako ng malalim saka tumingin kay Tristan.

Tristan Cordova, at the age of twenty seven ay naging Presidente na sya ng TV Network.

At kaibigan namin nina Mavix.

"He's my Husband, that's why...." sagot ko dito.

Halatang nagulat ito sa sinagot ko.

"What?!"

Napaupo ito sa swivel chair at muling napahilot ng ulo.

"Why? How? When? A--Anung katangahan ang pumasok sa utak mo at nagpatali ka agad? Ke bata bata mo pa ah!" Anito.

Nagkibit balikat ako.

"Mahal ko eh, di ko na pinakawalan pa, mahirap na eh" nakangising sabi ko dito.

"Cass, sana nagpakipot ka man lang" naiiling na angal nito.

Lalong lumawak ang pagkakangiti ko.

"Actually ako ang namikot" natatawang wika ko.

"Whatever" taas ang dalawang kamay na sabi nito.
"Anyway, what we first need to do is to take damage control" anito saka tumayo si Tristan at nagtungo sa glass window at nagtingin sa may ibaba.

"There's no need Tristan, pag may nag interview sa akin na mga taga media, I will not deny it nor lie about that kiss, in fact kinikilig ako magpahanggang ngayon maisip ko lang yun " ani ko.

"Listen Cass...."

"I love my Husband, I will not deny him" wika ko at saka tumayo na.

Akma na sanang aalis ako ng may maalala ako.

"And oh, before makalimot ako nakita ko kanina si Nathalie galing dito at namamaga ang labi....I wonder paano pag nalaman ng mga press na ang CEO ng------"

"Di ka pa ba aalis" tila naiinis na sawata nito sa panunukso ko.

"Okay" natatawang sinara ko na ang pinto.....

-----------------------

"Sino yung guy na kahalikan ni Cassidy mars?" Natigilan ako sa paglalakad nang maulinigan ko ang mga empleyado namin na ke aga aga nagkukumpulan na agad.

"Ay ewan pero mars mas type ko pa rin si Clayton baby ko keysa dyan sa lalaking basta na lang humalik sa Idol ko" di ko napigilan na di mapangiwi kasi naman nasaktan ako sa nadinig ko.

After that scene sa award nights ay nagkalat na ang mga larawan namin ni Honey na naghahalikan sa mga front page ng mga tabloid pero nakapagtataka na parang balewala lamang kay Honey yung eskandalo na nagawa ko.

At yun puso ko ay nagagalak talaga...

"Pero Mars ang wafu naman kaya keri na" biglang singit ni Luis.
Ang baklang account executive na ewan ko kung bakit napadpad sa secretarial pool.

"Gwapo nga pero basta kay Clayton pa din ako!" Giit nito.

Dun na ako malakas na napatikhim dahilan para magulat ang mga ito lalo na nang lumingon ang mga ito at nakita ako.

Kaagad nagsipag ayusan ng mga tayo ang mga ito.

"Sir Kenneth kayo po pala yan, Good Morning po!" Sabay sabay na bati ng mga ito bahagya pa nga yumukod ang mga ito.

Tinanguan ko ang mga ito at akma na sanang lalagpasan ng may maalala akong bigla.

"Girls" sabay sabay na nagsilingunan ang mga ito pati na si Luis.

"Gwapo ba yun Guy na humalik na lang basta sa Idol nyo na si Cassidy?" Patay malisya na tanong ko sa mga ito.

"Ay Sir Kenneth pak na pak sa kagwapuhan!" Tili ni Luis.

"Naku Sir Kenneth mas gwapo pa din si Clayton Baby ko" singit naman ng isa.

"Naku ka choosy nyo eh hindi naman kayo ang hinalikan kundi yung Idol n'yo" bwelta nun isa.

Nagka irapan ang tatlo kaya naman naiiling na naglakad na lamang ako papalayo sa mga ito mahirap na at baka madamay pa ako.

Pero Seriously di man lang nila nakilala na ako at yung lalaki na nanghalik kay Honey ay iisa?!

Di ko alam na malakas makahawa ang mga change looks nina Honey....hay naku naman....

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now