Chapter 11

8K 176 5
                                    

Nandito kami sa harap ng hapag kainan kasalo sina Papa Mama Jonas at Macy.

Tahimik na nagpapakiramdaman kaming lima pero si Cathy ay maganang kumakain.

"Jonas how are the project so far?" tanong ni papa.

"It was going smoothly papa don't worry" sagot ni Jonas.

Maya maya tumahimik uli,

"Mama thank you po sa dinner" nakangiting wika ni Cathy.

Buti pa to tapos nang kumain.

"Yeah alam ko namang di ka nakakain nyan dati pa kundi mo lang napikot si Kenneth" nakaismid na sagot nito.

"Mama" awat ko rito nagsisimula na naman to eh.

"Opo naman sa uulitin po ah" nakangiti pa rin ito.

Hinawakan nito ang kaliwang kamay ko na nasa ilalim ng mesa at marahan pinisil.

"Mama gusto nyo po bang magpunta sa salon?" Tanong dito ni Macy.

"Ayoko hija kakapunta ko lang three days ago maybe next time na lang" nakangiting inabutan ito ni mama ng salad.

Nakita ko pa ang ngisi na pilit itinatago ni Jonas saka ito tumingin sa kin.

Tila ipinahihiwatig nito na mas mahalaga kay mama si Macy kaysa kay Cathy.

Kainis naman eh. Dapat pala di na lang kami nagpunta dito mukha tuloy parang display lang kami ni Cathy dito, sa akin okay lang yon kasi sanay na ako dati pa.

"Ah Cathy hija nasaan nga pala ang mga magulang mo" tanong ni papa.

"Nasa Singapore po sila ngayon, dun po sila naka base" nakangiting wika ni Cathy.

"Bakit ano ba ang trabaho nila doon?" tanong ulit nito.

"Ah sa ano po------" naputol ang sasabihin nito nang may dumating na babae.

"Claribel hija" nakangiting bati ni papa.

"Hello po tito, tita, Jonas Macy at sayo rin kenneth" bati nun dumating at umupo na ito sa gilid ko.
"Teka di mo ba babatiin pati asawa ko basta ka na lang umupo dyan" sita ko rito.

Itong dumating na to ay nakakabatang kapatid lang naman ni Macy.

Kaya feeling close rin sya sa min especially kay Jonas.

Kaya nga akala ko sila eh, di pala kasi sina Jonas at Macy pala.
"Kenneth don't be rude to our guest" saway sa kin ni mama nakita ko rin na matalim ang tingin ni papa sa kin.
"Tita okay lang po ako naman ang may kasalanan, hello Asawa ni Kenneth" sabi ni Claribel.
"The name is Catherine Ledesma - Cervantes glad to meet you" nakangiting inabot nito ang kamay kay Claribel at inabot rin nito at nag handshake sila pagdaka nakita ko na palihim na pinunasan ni Claribel ng tissue yun kamay na pinang handshake nya.

"Buti namin Claribel nakapunta ka sorry biglaan ang pag invite namin" si papa ang nagsalita.

"Okay lang po tito on the way naman po ako nang matanggap ko yun text nyo" sagot nito.

Tsk! Ewan ko sa kanya. Mga bata pa lang kami lagi na nyang inaasar ako pero di ko naman na mapatulan kasi lagi kong kaaway si Jonas.

Yup kay Jonas lagi kasi itong tumatakbo naalala ko pa dati naglalakad ako, pauwi na kami ni Jonas sa bahay hinihintay na lang namin ang school bus nang bigla naramdaman ko na may naghubad ng shorts ko sakto nandyan na yung bus nakita rin ako ng mga classmates ko na nahubaran kaya nagtawanan silang lahat pati ito rin nakitawa pa.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now