Chapter 51

4.8K 140 21
                                    

"How's the weekend bonding Kuya Kenneth?" Nakangising tanong ni Lemon sa akin.

I grin at him too.

"Funtastic!" Sagot ko dito at sumisipol pa na umupo na sa swivel chair.

"Kita ko nga" natatawang sagot nito at pagkaraan ay may inilapag ito na makapal na mga papel sa mesa ko.
"But you have to go back in real world, work" utos nito na kinakamot ko naman ng ulo.

"Opo Sir Lemon!" Nakapikit na angal ko.

Nang magsimula na akong magkonsentra sa mga paper works na kailangan ireview ko at pag aralan ay hindi ko na namalayan ang oras at nagulat pa ako nang maglapag si Lemon ng Carrot cake at Orange juice sa harap ko.

Nagtatakang nag angat ako ng tingin.

"Meryenda na muna" nakangiting sagot ni Lemon sa akin at pagkatapos ay ininom na nito ang Ice Tea na dala dala nito.

"Oh....thank you Lemon" sabi ko dito at nang magsimula na akong kumain ay saka ko pa lamang naramdaman na gutom na pala ako.

Naupo naman si Lemon sa mahabang sofa at kinuha ang remote saka binuksan ang TV.

Buti pa etong si Lemon parang nasa bahay lang kung umasta.

Well....hindi naman talaga kailangan magtrabaho ni Lemon eh,

May ari ng bangko lang naman ang Ama nito.

Literal na nakahiga ang binata sa pera...

"Kuya Kenneth let's watch the video I recorded last night" yaya ni Lemon sa akin.

"Movie?" Tanong ko dito at saka tumayo na at dala dala ang cake at juice ko ay tumabi na ako ng upo kay Lemon sa sofa.

"Nah, It's the drama anthology guest kasi si Ate Kat at Kuya Mavix bida silang dalawa" sagot nito.

"Talaga? Si Mavix nag aact din pala?" Nagtataka man ay masaya kong tanong kay Lemon.

Di pa man ay excited na akong manood kasi first time ko pa lamang mapapanood si Honey at Mavix na umarte sa maliit na pinilakang tabing.

"Yes, but mas priority ni Kuya Mavix ang pagdi direk kaya nga nagtataka nga ako na napapayag si Kuya ng management na umakting eh"  kibit balikat na sagot nito at nakikurot sa cake ko at isinubo nito.

Napatango na lamang ako at buong pananabik na hinintay ang palabas.

At hindi naman ako nabigo kasi natagpuan ko ang sarili ko na umiiyak at nakikisimpatya kay Mavix na gumaganap na Asawa ni Honey sa palabas na pinipindeho nito at kapangalan ko pa nga ang character na ginagampanan ni Mavix.

Kumuha ako ng tissue saka suminga, tulo na ang uhog ko eh,

Ang sama ng role ni Honey eh nadadala ako,

I don't love him na...ikaw na ang mahal ko Lemuel" natigilan ako pagkadinig sa mga salita na binanggt ng character na ginagampanan ni Honey....

Para kasing familiar yung mga linya na yun....

Napaisip tuloy ako ng malalim.

"Kenneth ....is....how should I say it...we are together for some quite time now...And I already tired...nakakapagod na magpanggap na mahal mo ang isang tao kahit di na" agad na nanlaki ang mga mata ko at napasinghap ng maalala ko ang mga kataga na yun.

Tama yun yung mga words na aksidente kong nadinig na sinabi ni Honey!!!

Ewan ko ba pero tila nawala ang bigat na nakapatong sa dibdib ko.

Ibig sabihin wala talagang ibang mahal si Honey at hindi totoo ang sapantaha ko na iiwan nya ako!

Ang puso ko ay tila lumaki at nagdidiwang.

Gusto ko nang magtatatalon sa tuwa.

"Ang galing talagang umakting nina Ate Kat Kat at Kuya Mavix nakakadala" narinig ko na sabi ni Lemon.

Napatango na lamang ako dito at may ngiti sa labi na tumuon ang mga mata ko sa TV.

Actually ang gusto ko na gawin sa mga sandali na ito ay tawagan si Honey,

Pauwiin,

Yakapin,

Pugpugin ng halik,

Pero malabo na ma contact ko si Honey, naiwan nya ang Cellphone nya sa bahay eh,

Galing nuh?

Kapwa kami tutok na tutok sa pinanonood namin na hindi namin napansin na bumukas na pala ang pintuan.


"Kennedy! Lemon!"  Muntik na kaming mapatalon sa sobrang gulat nang madinig ko ang malakas na boses ng Kapatid ko.

Sabay pa kaming napalingon dito.

Nakita namin si Papa at Jonas na nakatayo sa may pintuan.

"Pa....Jonas...." alanganin ang ngiti na tumayo ako at sinalubong ang dalawa.

Habang si Lemon ay mabilis na pinatay ang TV at sinamsam ang mga pinagkain namin sa mesita....

Naku patay na naman ako nito!


My Gold Digger WifeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora