Chapter 51 part two

4.9K 165 31
                                    

"Is this how you do your everyday job ha Kenneth?" Tanong ni
Papa sa akin.
"Buti na lang pala at dumaan kami dito sa opisina mo at kami ang nakakita sa iyo, isipin mo na lang kung yun ibang empleyado ang nakakita sa iyo, Kenneth naman"

Nakayuko ako habang nakaupo sa pang isahan na sofa habang nakaupo din ang dalawa sa katapat na upuan ko at lihim na pinapanalangin na matapos na sa pagseseremonya nya si Papa.

Si Lemon ay mataktikang umalis at iniwan ako sa dalawang ito.

"Pa breaktime po naman kaya----"

"Breaktime din namin ng kapatid mo pero nagtatrabaho pa rin kami!"

"Tama si Papa Kuya Kenneth" segunda ni Jonas.

Tignan mo etong kapatid ko nakisali pa! manganinganing tumayo na ako at magwalk out na.

"Pero Papa nagugutom din po
ako---"

"Hindi ka ba pinapakain ng Asawa mo?" Asik nito.

"Busy po si Honey---"

"Abala din si Macy pero she make breakfast for me,then also dinner and if she have a spare time dumadaan pa sya dito sa office para dalhan ako ng lunch" ani Jonas.

"Magkaiba naman si Macy at si Honey ko, si Macy walang work...I mean housewife sya right?" Balik tanong ko sa kapatid ko.
"Ang Honey ko may trabaho---"

"Nakapag asawa na sya ng Mayaman, tapos kailangan pa nyang magtrabaho pero ano di pa nya ikaw mapakain man lang bago ka umalis ng bahay? ang Mama mo at si Macy na walang mga trabaho pero they live simple because---"

"Mayaman ang Mama, isa pa ayaw ni Mama na magtrabaho at si Macy pinatigil ni Jonas magtrabaho di ba?" Sagot ko dito.

Nakakainis kasi na nakikita nila ang Asawa ko sa kapalpakan ko.

Hindi yun tama kasi My Wife, passion nya ang pag arte, pagkanta kaya naman kahit wala akong alam sa passion nya maliban sa mga spelling nito tapos sa ibig sabihin nito sa webstern dictionary tapos dun sa commercial sa TV.

Nagulat ang Ama ko at kapatid ko sa pagsagot ko sa kanila.

"It was Macy's choice na huminto sa trabaho para matutukan ang pamilya na....." nahinto ito sa sinasabi at tumalikod sa amin.

Agad na pumasok ko sa isipan ko ang namatay kong pamangkin.

Nagtama ang mga mata namin ni Papa at nabasa ko sa mga mata nito ang panunumbat.

Hay naku....Ewan ko...wala na akong masabi pa....

"Papa may trabaho pa po ako na kailangan tapusin if you excuse me po" hindi lantaran na pagtataboy ko sa dalawa.

Tumayo na ako at pumunta sa may pintuan.

Pero nanlaki ang mga mata ko nang buksan ko ang pinto at bumungad si Mama.

"Mama?"

"The one and only, tabi nga" nakataas ang kilay na utos nito sa akin.

Kaagad naman na sumunod ako dito.

"Minerva...."

"Edmund....Jonas" mabilis na lumapit kay Mama si Jonas at humalik sa pisngi nito.

"Minerva napasyal ka?" Puna ni Papa.

"Napadaan lang ako sa vicinity na ito at naisipan ko na daanan ang Anak ko" naglakad si Mama papunta sa may sofa at animo reyna na umupo.

"Minerva----"

"Busy ako wag mo akong kausapin!" Asik ni Mama kay Papa.

"Minerva---"

"Minerva ka nang Minerva d'yan baka mag iba na ang pangalan ko nyan, umalis ka na nga!" Asar na pagtataboy nito kay Mama.

Napabuga ng malalim si Papa at iiling iling na lumabas na nang opisina.

Nice one Mama!

"Mama...." tawag ni Jonas dito na naiwan pala.

"Oh hijo bakit?"

"Ma...kung di ka busy sa Sunday iinvite ka sana namin ni Macy na kumain sa bahay" sabi ni Jonas dito.

"Try ko" maikling tugon ni Mama dito.

"Thank you Ma" bakas sa mukha ni Jonas ang kagalakan sa dalawang kataga na binigkas nito.

Kahit ako man din ay masaya kasi kahit na magkahiwalay sina Mama at Papa (nang bahay)  at nalaman namin na magkapatid lamang kami sa Ama ay ganun pa din ang trato ni Mama kay Jonas.

Umalis na si Jonas sa office at naiwan kami ni Mama or akala ko lang na dalawa lamang kami?

Kasi katabi na ni Mama sina Lemon at Mavix!

Tila teenager ang Mama na kinikilig at with matching pahampas hampas pa sa balikat ni Mavix.

"San ka nagpunta Lemon?" Nagtatakang tanong ko kay Lemon nung umupo ako sa katapat na upuan nito.

"Lumabas ako ng office agad tapos tamang tama tumatawag si Tita Minerva kaya naman pinapunta ko dito si Tita tapos tamang tama din naman na nakita ko itong si Kuya Mavix na may dala dalang mga pagkain" sagot nito sabay turo kay Mavix na nilingon ako.

"Padala ni Kat Kat pagkain mo daw" ininguso nito ang dala dalang lunchbox na nasa mesa.
"Magge guest sya sa isang cooking  show ngayon di ba?" tumango ako dito.

Ang alam ko may taping sya, nakalimutan ko lamang na itanong kung ano yun, malamang eto na yun.

"After ng taping nakigamit sya ng kitchen at pinagluto tapos inutusan ako na dalhin sa iyo" dagdag pa nito.

Ang sweet talaga ni Honey ko!

Kumabog ng malakas ang dibdib ko na excited na akma na sanang kukunin ang lunchbox ng bigla itong agawin ni Mama.

"Ma akin yan eh!" Angal ko dito.

"Heh! Akin na ito!" Sikmat nito at sinimulan ng kainin nito ang pagkain na niluto ng Honey ko para sa akin.

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon