Chapter 48

6.3K 149 6
                                    

Dahan dahan na nagmulat ako nang mga mata ko nang madinig ko yung boses ni Mavix mula sa labas nang kwarto namin ni Honey ko.

"Mavix magpatulog ka!" Nadinig ko na sigaw ni Avi kaya naman agad na napabalikwas ako nang bangon at tinunghayan ang magandang honey ko.

Ang ganda ganda talaga ni Honey kong pagmasdan kahit tulog! Kinikilig na bulong ko sa sarili ko.

At tila nang aakit talaga ang Honey ko nang dahan dahan na nagmulat sya nang mga mata at ngumiti nang matamis sa akin.

Ang Ganda talaga nya! Tili nang Isip ko.

Bumangon ito at kumuyapit sa akin.

"Good Morning Honey" malambing na bati nito sa akin saka hinalikan ang magkabilang pisngi ko tapos marahan na kiniskis nito ang matangos nitong ilong sa ilong ko.

Kitang kita ko kung gaano kahaba ang mga pilik mata ni Honey pati na ang mga expressive na mga mata nya at ang mapulang labi nya tapos ang makinis na pisngi nya na wala man lang bahid nang pekas ni pimple wala...

Oh my Gosh!

Pwedeng himatayin sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon na?

Ang ganda ganda talaga ni Honey ko!

"G---good Morning din Honey ko" nabubulol na bati ko dito.
Nang may maalala ako.
"Ahm...wait magto toothbrush muna ako hmp----" di ko na naituloy ang sasabihin ko nang ilapat na nito ang labi nito sa labi ko.

Di na ako nakatiis at agad na hinapit ko ang makurbang beywang nito nang isang braso ko tapos yung isang kamay ko naman ay sa likod nito ko nilagay at tinugon ko ang halik na pinagkaloob nito sa labi ko.

Kapwa pa kami napaungol at mas lalo pang nadarang at lumalim pa ang halik na pinagsasaluhan namin at malaman kundi pa may kumatok sa pinto di pa kami maghihiwalay na dalawa.

Humihingal na kapwa kami nagkatitigan na dalawa.

"Gising na ba kayo d'yan Kat Kat, Ken Ken?" Tinig ni Mavix yun nadinig namin na nagsalita.

Napasimangot si Honey ko at mabilis na tumayo saka lumakad papunta sa may pinto at binuksan ito.

"Kat Kat---" napangiwi ako nang batukan itong bigla ni Honey.

"A--aray! Kat Kat naman nanggigising lang ako di naman ako ang nagpapagising sa inyo ah" nakasibing reklamo ni Mavix habang himas himas ang ulo na binatukan ni Honey.  "Si Dawn dapat din na batukan mo sya ang salarin!"

Humalukipkip si Honey dito at ngumiti lang.

"Istorbo ka kasi kaya kita binatukan" compose na compose ang Magandang Asawa ko dito.

"Tama bang dahilan yun para manakit ka?" nakasibi pa din si Mavix dito saka bumaling sa akin.

"Pag nagsawa ka na dito kay Kat Kat wag kang mag alala madami akong irereto----"  di na nito naituloy ang sasabihin nang bigla na lang itong pagsarhan nang pinto ni Honey.

"Kat Kat ang bad mo talaga!" Sigaw ni Mavix sa labas saka nakadinig ako nang yabag papalayo.

Bumaling sa akin si Honey at lumapit saka nakangiting hinila ako papatayo sa kama.

"Umm....Kat Kat?" Nagtatakang napatitig ako dito lalo na nang ngumiti ito nang matamis sa akin.

"Sabay na tayong maligo" sagot nito.

"Ha? Ah teka---" natataranta na agad na nag isip ako nang Idadahilan ko.

"C'mon halika ka na" di na ako nakapalag nang hatakin ako nito papunta sa Bathroom.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now