Chapter 47 part three

6.2K 148 5
                                    

"Waaahhh!" Patuloy na pagpalahaw nang Iyak ni Artemis habang nakahawak sa laylayan ng suot na T shirt ni Mavix na papasok na sa bahay nina Dawn.

Kaya ito magkakasama kaming anim  kami ni Honey ko na nakaangkla sa braso ko.
Kasunod namin sina Avi At Dawn.

"Hanap natin Maya ko please please!!" Pakiusap pa nito sa amin.

Napailing na lang kaming lima dito.
Di naman namin maiwan ito lalo pa't may diperensiya daw ito sa utak dulot nang pagkaka opera nito sa ulo ayon kina Honey ko.

Hay ang bait talaga ni Honey at ang bango bango pa...

Feel na feel ko ang pagkakalapit nang mga katawan namin ni Honey ko...
Ang init nang katawan nito at ang lambot lambot at ang sarap sa balat ko ang makinis na balat nya,
Ang sarap haplusin,
Pati na ang lihim na pagsamyo ko sa pabangong gamit nya.

Nakakakilig lang...
Hay sana makauwi na kami ni Honey ko...

Para mayakap ko sya nang mahigpit at mahagkan nang mariin yun tipong mamamaga ang mapula nyang labi kasi nagpakapilyo at nilandi ko ang Mahal kong Asawa....

Ugh....Kenneth Behave! Pangaral nang Isip ko sa puso ko na nagwawala na sa kilig.

Teka Behave ako ha! Itanong mo pa sa Honey ko! Mayabang na sagot nang puso.

Siraulo bakit ko sya tatanungin tanga lang Kenneth pag tinanong ko sya maglalandian na naman kayo buong magdamag....hmp ang saya mo naman kaya wag na lang.... napapaismid na sagot nang utak ko sa puso.

Ang Sama mo inggit ka lang kasi sa akin kasi ako may feeling ikaw utak lang ang laman!  Buska nang puso ko.

"Sino ba yang Maya na yan bubugbugin ko!" Singit ni Avi.
Kaya natigil ang pagtatalo nang Isip at Puso ko at nabaling ang pansin ko sa mga ito.

Saka pinatunog pa nito ang mga daliri.

As usual war freak na naman ito.

Tila naman natakot si Artemis dito at nagtago sa likod ni Mavix.

"Avi stop it" saway dito ni Dawn.

"Oo nga Avi----"

"Shut up Mavix di kita kinakausap galit ako sa iyo, remember?" Angil ni Avi sa kakambal saka nito iningusan.

"Hala ano na naman kasalanan ko?" Nagtatakang tanong ni Mavix sabay turo sa sarili.

Dumilim ang mukha ni Avi at lumapit kay Mavix saka ito dinuro duro.

"Di mo alam ha?" Nanggagalaiting tanong ni Avi kay Mavix na nailayo ang sarili at nakataas ang dalawang kamay.

"Avi palagay ko di na naalala ni Mavix yun usapan natin na pupunta sa Venue para tignan yung gaganapan ng Concert natin" singit naman ni Honey ko.

Kumunot ang noo nito at saka napakamot ito nang ulo.

"Ay sorry Kat Kat nakalimutan ko" paghingi agad ni Mavix nang pasensiya dito.

"Teka ba't sa amin ni Dawn di ka humingi nang sorry din?" Puna ni Avi dito.
Pati si Dawn ay nakitango din.

"Bakit naman ako hihingi nang sorry sa inyong dalawa eh kami na lang naman ni Kat Kat ang may usapan na pupunta ah" angal ni Mavix sa dalawa.
"At saka tinawagan kita kanina pati ikaw din Dawn busy kayong dalawa ikaw Avi sa kahahabol sa Asawa mong two timer at ikaw Dawn katatago kay Xander"

Naningkit ang mga mata ni Avi at namula naman ang mukha ni Dawn.
Pagkatapos ay nagulat pa ako nang biglang kumilos si Avi at sinipa si Mavix sa tuhod nito.

"Avi! shit ang sakit!" Naiiyak na angal ni Mavix kay Avi na binelatan lamang nang huli.

"Hala hurt ka?" Nakasibing tanong ni Artemis kay Mavix at saka lumuhod pa ito at hinawakan ang tuhod na sinipa ni Avi.

"Kuh wag mo na lang pansinin yan si Mavix Artemis artista yan eh" singit ni Avi.

"Excuse me Avi Director ako si Kat Kat ang artista sa ating apat remember?" ani dito ni Mavix.

"Bakit? papaano aakting ang Artista kundi yun Director yun magpapaliwanag ng gagawin nya" muling pukol ni Avi dito.

"Excuse me my dear twin sister minsan di na sinasabi at pinapaliwanag nang mga direktor ang gagawin nang mga Artista kasi po may mga script na gawa nang mga malilikhaing mga utak nyo na mga scripwriter?"

"Na bago mabasa ng mga Artista ay babasahin nyo munang mga direktor di ba?"

"Guys tama na yan" maarteng awat ni Dawn sa dalawa.

"Shut up Fatty!"

"Itikom mo kaya yang bibig mo na puro kaartehan lang ang alam" magkapanabay na wika nang kambal dito.

Hay kawawang Dawn....

"Hala away kayong dalawa? Kami din ni Sam Sam away ko sya palagi gusto nga ni Maya bati ko si Sam Sam pero ayaw ko kasi bad sya away nya lagi Maya kaya galit ako Sam Sam pero si Maya pa galit sa akin sama nya Sam Sam ako Iwan" nakasibing wika ni Artemis.
"Wawa Art Iwan ako Maya galit Maya atin waahhh!!" Muling pumalahaw nang iyak si Artemis.

"Bubugbugin ko talaga yan si Maya na sinasabi mo eh" akma sanang lalabas na si Avi nang pinto nang hawakan ni Honey ko ang kwelyo nang damit ni Avi.

"Kat Kat wag mo akong pigilan" apela ni Avi. "Sasampalin ko nang bonggang bongga si Samantha at tutuhuran ko yun Maya!" Dagdag pa nito.

Binitiwan naman ito ni Honey ko.

"Okay fine pero alam mo ba kung nasaan sila?" Tanong ni Honey ko dito na kinatigil ni Avi.

"Dapat  yun si Kuya Rowan ang bugbugin mo tapos pagsasampalin mo yun si ano ah si ah basta nakalimutan ko na ang pangalan ni legal girlfriend" nang aasar na singit ni Mavi kay Avi.

Sinamaan nang tingin ni Avi ang kakambal.

Ngumisi pa lalo si Mavix.

"Di ba illegal wife ni  Kuya Rowan?" Lalo pang dumilim ang mukha ni Avi at kinuyom ang mga kamao.

"Opppsss!" Natatawang nagtakip nang bibig si Mavix at saka nag peace sign.  "Sorry"

At ayun naghabulan na naman ang dalawa at nawala sa paningin namin ang kambal.

"Hey kain muna kayo" anyaya ni Dawn. "Nagpahanda na ako nang pagkain" saka nagpalinga linga ito na tila may hinahanap.

"Teka nasaan na yung dalawa?"

"Naghabulan sila dun" turo ni Artemis sa tinakbuhan nina Mavix at Avi.

"Tena Ken Ken kain na tayo" anyaya ni Honey ko sa akin.
Ngumiti ako dito saka tumango dito.
"Halika na Artemis kumain na tayo at wag mo nang intindihin yun dalawa ganun talaga maglambingan ang mga yun" baling ni Honey ko kay Artemis.

Nagliwanag agad ang mukha nito sa nadinig.

"Yey pagkain Kakain na Artemis" pumalakpak pa ito nang malakas.

Para talaga itong bata...... nakakatuwa syang pagmasdan.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now