Chapter 52 part two

3.7K 102 6
                                    

"I'm just thinking kung anung ginagawa nina Papa at Mama ngayon?" Curious na tanong ko kay Honey ko habang papunta kami sa Lyka's Diner kung saan nandun ang mga magulang ko.

Humilig sa balikat ko si Honey at pagkatapos ay nilaro laro ang unang butones sa polong suot ko.

Just the caress of her soft fingers beneath my clothes is enough to make me feel restless and to add her sweet feminine smell simply ignite this familiar hunger only she can satiate....

"......hmm, are you curious?" Malambing ang boses na tanong nito.

"Oo naman, mga magulang ko kaya yun,I mean di lang siguro ako sanay na ganun ang set up nilang dalawa" pag amin ko dito.

"Saan? Sa parang di pormal na paghihiwalay nila?"

"Oo...."malalim na bumuntunghininga ako habang ang mga mata ay nakatutok pa din sa daan,
"Actually....I want them to be happy at nakikita ko naman na masaya naman ang Mama ngayon pero ang Papa...he...how do I explain it, empty shell, yun nandiyan pero wala lang, parang hangin ba? At nagkaganun lang si Papa magmula nun time na bumukod ang Mama,sa tingin mo may nararamdaman na kaya na pagmamahal si Papa kay Mama?" Parang batang umaasa na tanong ko kay Honey.

"You meant to say na umaasa ka na bumalik na sa dati ang lahat?"

"Yeah, partly it was my fault naman kung bakit lumaki ang lamat sa pagitan nila, I mean Mama was backing me with all my decisions, and I was happy but at the same time nakaka guitly lang kasi because all of those dark parts and wounds resurface that rift my Family apart ako ang dahilan" ngumiti ako ng mapait dito.

Hinaplos nito ang buhok ko at dinampian ng halik ang pisngi ko which make my heart flutter.

"Don't worry too much Honey, time heal those wounds and Love glued any damage in any kind of relationship including Family matters, besides baka pag nakialam pa tayo na alam nila ay baka makagulo pa tayo"  pilyang ngumiti ito sa akin.

Nagtatakang napatingin ako dito, at buti na lang ay nasa parking lot na kami kundi baka nabunggo na kami, kasi naman nakakasilaw ang kagandahang taglay ng Honey ko.

"W---what do you mean?"


"Let's play cupid na di nila alam" nakangisi pa rin na sagot nito.


"Then...the dinner date natin...di totoo?" Dismayadong tanong ko dito pagkaalala na kaya kami nandito sa Lyka's Diner ay dahil magdi dinner date kami at umepal lang ang Mama kaya nandito ang huli tapos idagdag pa ang nangyari kani kanina lang sa Office sa pagitan namin nila Claribel ni Papa at kami ni Honey kaya ang ending ay nandito din si Papa at ayun nga at kasalo ni Mama......at ni Mavix?!

"Mavix?! Bakit nandiyan si Mavix?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ko kay Honey.
Kasi naman si Mavix ayun at sinusubuan ng ngiting ngiting si Mama habang si Papa ay ubod ng asim ng mukha.

"Sorry wala kasi akong maisip na magandang scenario maliban sa mga old school na selosan blues at isa yan sa naisip ko 'coz you know love and jealousy is just a string apart"


"Di ba love and hate yun?"

"It just the same, and by the way bahala na dyan si Mavix let's go somewhere" pag iiba nito ng usapan.

"Huh? San naman" nagtataka man ay sinunod ko ito at muling binuhay ang makina ng sasakyan

"Basta, mag drive ka na lang"tipid na sagot nito.

____________

"Wow ang ganda naman dito!" Di mapigilan na bulalas ko ng ganap na mamalas ang magandang tanawin.

Nasa mataas na bahagi kami ng village kung saan dati itong nakatira at mula dito sa puwesto namin ay tanaw na tanaw namin ang metro na parang christmas lights sa dami ng mga ilaw.
Madilim na kasi pasado alas nueve na ng gabi.
Ngumiti ito at may kinuha sa bag nito.

Nang nilabas nito yun ay nakita ko na chocolate bar pala ito.
Humarap ito sa akin at isinubo ang kapirasong chocolate sa bibig ko.

Nalasahan ko ang matamis na chocolate.

"Matamis ba?" Nakangiting tanong nito.
Ngumiti din ako dito saka tumango.

"Oo---hmp---" naputol ang sasabihin ko ng lumapat ang malambot na labi nito sa labi ko.
Natagpuan ko ang sarili ko na tinutugon ito at ng naramdaman namin na kakapusin na kami ng hangin ay humihingal na naghiwalay ang mga labi namin.

"Matamis nga"
Ngumiti ito at saka binasa ng dila nito ang namamagang labi.
Napalunok ako sa tila nakakaakit na ganda nya at wala sa loob na dumampot ng chocolate at saka isinubo kay Honey kasabay nun ay ang pagsunggab ko ng halik dito na buong init na tinugon din nito....




My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon