Chapter 14

7.6K 199 2
                                    

Sinama ko na lang si Rafa sa office para may makalaro si Lemon na iba bakasakali matalo na rin ito.

Kainis eh lagi na lang akong talo.

"Kenneth san mo nakuha yang bata na yan" napatigil ako sa pagbubukas ng pinto ng office ko at napatingin kay Claribel na nakapamaywang.

"Kapatid ni Cathy si Rafa, Rafa si Claribel pwede kang mag utos dyan ng kahit ano" pakilala ko dito.

"At kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na utusan ako ha kenneth"

"Nang maging secretary kita"sagot ko dito.
" lika ka na Rafa sa loob maya maya lang dadating na si Lemon" inakay ko na ito papasok sa office.

"Kenneth wait----" narinig ko pang tinatawag ako nito pero di ko na lang pinansin.

Maya maya pa dumating na si Lemon.

"Oy Rafa nandito ka na pala" bati ni Lemon dito nang makita nito si Rafa.

"Hello kuya Lemon" ganting bati rin nito at pinagpatuloy na ang paglalaro ng games nito.

"Kuya Kenneth you have meeting sa board mamaya eleven and then may pupuntahan tayo na prospective investor na pwedeng
mag invest sa company"

ani ni Lemon sa akin.

"Okay, pwede ko bang iwan sa iyo si Rafa mamaya pag pumunta na ko sa meeting ko?" Tanong ko dito.

Kung wala lang ako talagang schedule na meeting mas gugustuhin ko pa na alagaan na lang si Rafa maghapon.

"Okay lang namiss ko nga tong si Rafa eh" tugon nito.

"Ako di kita namiss" agaw ni Rafa.

Natawa na lang ako sa kanila.

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

"Kenneth anu itong sinasabi ni Claribel na may dinala ka raw na bata, kapatid daw ito ng asawa mo at sinabihan mo pa raw na utusan ng utusan daw sya" sita ni papa sa akin pagkatapos ng meeting namin.

Naku talaga yun si Claribel ang sarap kutusan sumbungera talaga.

"dad ano kasi busy si Cathy sa trabaho nya kaya sinama ko na lang si Rafa sa akin para makapagpahinga din naman ito" paliwanag ko.

Ang alam nila call center agent si Cathy.

"You know the office is not a playground kenneth and don't be mean to Claribel" utos nito.

"Yes papa" tanging nasambit ko na lang.

Ayoko nang humaba ang usapin namin ito.

Nakakatampo lang tanggap ko na si Jonas ang paborito nila.

Pero pati ba naman yan Claribel na yan.

Sumisingit pa.

Sana naman nagtira ito ng space para sa kanya.

Kahit sinabi ni Claribel na gusto nya ko parang di naman kapani paniwala baka gusto nya ko para mapasama naman ang tingin sa akin ni papa.

Habang papalapit na ko sa office ko nakita ko si mama.

Naku naman kahit kailan bad timing talaga si mama.

Tatalikod sana ako pero.......

"Kenneth nakita kita san mo balak pumunta?" Sita nito sa akin.

Napaharap ako dito at nagkamot ng batok ko, at napangiti ng alanganin.

Patay na naman ako nito.

"Ahm ano mama may nakalimutan ako sa restroom, tama mag ccr pala ako ah ano mama sige dyan ka muna" di magkatudong sagot ko.

Tatalikod na sana ako pero nahawakan na nito ang kwelyo ng polo ko.

"Bakit mukha ba akong bulletin board na pag nakita mo maaalala mo ang nakalimutan mo?" pagtataray nito.

"Ma di naman sa ganun ano ba yan sinasabi mo?" Inakbayan ko na ito.

"Hmp! Ewan ko sayo" napairap ito sa kin.
"Dun tayo sa office mo"

"S-sa office ko" patay na.

"Oo sa office mo "

☆☆☆☆♡☆☆☆☆☆♡☆☆☆☆☆♡☆☆☆

Buti na lang wala si Claribel break time na kasi kundi baka dito magsumbong pa ito.

Muntik ko nang mabunggo si Mama.

Bigla kasi itong tumigil.

"Kenneth sino yang bata na yan?" Turo nito kay Rafa.

"Mama si Rafa yan kapatid ni Cathy," pakilala ko di pa kami pansin ni Rafa at Lemon dahil busy sila sa paglalaro.

Di na bago kay Mama na makita si Lemon na naglalaro sa office madalas pa nga nagpapaturo rin ito kay Lemon kung papano mag games tapos madalas pa kumukunsulta pa ito kay Lemon kung anung maganda at bagay sa kanya.

Name it, damit, alahas, make up, pati buhok.

Maganda daw kasi ang taste ni Lemon ani Mama kaya close na sila.

"Ang magaling mong asawa kapatid nyang cute na cute na bata na yan, sa itsura ng asawa mo?"

Di makapaniwalang wika nito.

"Yes Mama"

"Di kaya ampon lang ng pamilya ng asawa mo yan o ampon lang ang asawa mo? Di kaya sila magkamukha"

"Mama magkapatid talaga sila" natatawang sagot ko dito.
pag walang make up si honey halos pinagbiyak na bunga yun dalawa pwera lang sa biloy ni Rafa.

Sa isip ko lang.

"Kung ganun gumawa kayo agad ng baby"

"Baby?"

"Oo gusto ko ganyan ka cute para may mapagmalaki ako sa mga amiga ko" parang humihingi lang ng candy si mama.

"Ma bigla bigla naman yata yan di pa kami prepared"

"Bakit ayaw ba ng asawa mong magka baby, di ba yan mga gold digger na mga babae na yan pag nakabingwit ng mayamang asawa nagpapabuntis agad para di sila basta basta hiwalayan ng lalake" ouch!

Naman si Mama talaga oo!

"Ma di ganun klase ng babae si Cathy"

"Eh di hindi masyado kang defensive sarap mo talagang asarin"

si mama ba talaga to.

"Oh baka naman mahina yan tuhod mo Kenneth kaya di kayo makabuo buo ha,

"Mama naman eh, desisyon namin ni Cathy na wag munang mag anak gusto namin na ienjoy ang buhay mag asawa namin na kami munang dalawa" sagot ko dito.

"Basta gusto ko ng apo mas maganda kung babae para maayusan ko ito dalawang barako kasi ang binigay sa akin" tila nangangarap na wika nito.

"Mom magkakaanak na naman sina Jonas at Macy yun na lang muna ang alagaan mo"

Napaingos ito.

"Si Edmund lang ang excited pati na yun mga "bestfriend" nya masyadong masikip na pag sumama pa ako nakakasuffocate" tugon nito.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now