Chapter 9

8.7K 205 3
                                    

"Kenneth pwede ba tayong mag usap?" Pakiusap ni Macy.

Nandito kami sa balkonahe ng cottage.

Kanina pagkatapos namin kumain ay kumuha na si mama ng cottage na tutuluyan namin dahil sa lunes pa kami uuwi. Naku naman ang nanay ko talaga.

"Sure, since the incident sa office di pa tayo nakakapag usap ng sarilinan dalawa, dalawang buwan na rin di ba?" Parang kailan lang halos gusto ko nang mamatay sa natuklasan ko pero ngayon parang natatawa pa ako pag naiisip ko lahat nang yon.

"I'm sorry Kenneth," nagsimula na itong umiyak."sorry talaga sa lahat"

"Hush makakasama sa iyo yan, di na ko galit wala na sa kin yon" pag aalo ko rito.

Hinimas himas ko ang likod nito.

"What are you doing to my wife kuya why did you make her cry" napatingin ako sa nagsalita na si Jonas mukhang galit at si papa.

"Back off" lumapit ito at marahas na hinila papalayo sa kin si Macy.

"Teka lang sya ang umiyak na lang basta inaalo ko lang sya nun makita nyo kami" paliwanag ko.

"I don't care" gigil na wika ni Jonas at hinila na nito si Macy papalayo.Naiwan kami ni papa dalawa rito.

"Son di mo pa sinasabi ang nangyari sa inyo alam ko may kakaiba sa inyo bakit ka nagpakasal bigla na lang sa ibang babae at bakit malaki na ang tyan ni macy kung dalawang buwan pa lang silang kasal" tanong ni papa sa akin. "Sa'yo ba ang bata?" Dagdag pa nito.

"No dad, di ko pinakialaman si Macy kahit kailan kaya di akin yon," huminga ako ng malalim at tinimbang ko kung dapat ko bang sabihin kay papa ang totoo.

"Dad may mga bagay na di na dapat pang inaalam hayaan na lang natin yon" sa huli napag isipan ko na wag na lang sabihin sa kanya ang totoo, Mahal nya kami ng pantay, alam ko yon kaya alam ko na masasaktan lang ito pag nagkataon.

Napabuntung hininga na lang ito at di na nagpumilit pa. Maya maya nagkwentuhan na kami tungkol sa trabaho kung di pa ito tinawag ni mama marahil aabutin kami rito ng ilang oras pa.

Inabutan ko sa kwarto si Lemon na may kausap sa phone.

"Yeah nandito na sya gusto mo syang kausapin, yeah fine wag lang matagal ha mahal na babayaran ko nito" narinig ko na lang na wika ni Lemon maya maya pa ay inabot na nito ang cellphone sa'kin.

"Si Ate Cathy" sabi nito.

Nagagahol na inabot ko ang cellphone.

"Hello Cathy nasan ka na " tanong ko rito.

"Eto nasa bahay kami nina Dawn kasi malapit lang ito sa pupuntahan namin bukas" tugon nito.

"Really san kayo pupunta?" Alam ko na may taping siya dahil sinabi ni Mavix kasi ang huli ang director ng soap nito.

"May taping kami honey malapit dyan sa resort ni Mavix kaya papunta na kami dyan baka bukas ng umaga nandyan na kami" sabi nito sa kin.

"Really sana makapamasyal tayo na tayo lang dalawa pag nandito ka na" shit ang ganda talaga ng boses ng asawa ko kinikilig ako.

" yeah ako rin hon" sagot nito sa kabilang linya at maya maya pa nagpaalaman na kami.

Binigay ko na kay Lemon ang cellphone nito.

Kinabukasan nagyaya na si Mama na magbeach.

"Alam mo ba kenneth na may shooting dito?" Alam ko sinabi na ni Cathy sa kin.

"Gusto nyo po bang manuod non" sana wag na lang, piping hiling ko.May date pa ako.

"Gustuhin ko man di ko naman alam ang location nila si Cassidy pa naman yon kenneth" naiinis na wika nito.

"Ah si Cassidy po yun aktres na idol nyo po?" Maang maangan kong tanong.

Hehehe, asawa ko yon mama pero secret muna, sakin na lang muna yon saloob loob ko.

Napangiti tuloy ako bagay na napansin ni mama.

"Kenneth may crush ka ba kay Cassidy, well di kita masisisi ang panget ng asawa mo eh" panglalait ni mama. Naku si mama talaga kung alam mo lang mama.

"Mama wag nyo naman pong laitin si Cathy, at saka natutuwa lang naman po ako dahil may nagustuhan kayong artista mama, saka crush lang naman po mama di naman po magseselos si Cathy" wika ko.
Ako ang nagseselos sa mga lalaki nakapaligid dito.
"Tse ewan ko sa'yo yan asawa mo walang wala kay Cassidy Amethyst pati na kay Lizzie,pero wag mong isipin gwapo ka na mas gwapo pa rin si Ares ko, hala ituloy mo na ang paglotion sa akin" bow, ang nanay ko sya na talaga pati ako di nakaligtas.

"Wow mama  binuo mo lahat ng miyembro ng The Crayons ah" wika ko habang nilalagyan ko sya uli ng lotion.

"Syempre Fans ako nila grabe highschool pa lang si Jonas nun makita ko sila bago pa lang sila sumisikat nun" tuwing nagkukwento si mama kung paano nya nakilala ang grupo nila Cathy di ako masyadong focus pero ngayon gusto kong marinig uli ang kwento promise makikinig na talaga ako.

"Pumunta ako sa school ng kapatid mo para i cheer ito at yun pinsan mong si Xander pati na banda nila akala ko nga sila na ang panalo kaya todo cheer kami ng tita mo pero nun tinawag na yun huling grupo at tumugtog na sila bigla akong humanga dahil magaling talaga sila kaya nang manalo sila walang kumontra at pagbaba nila at makita ko sila ng malapitan at nakita ko. Nako kay gagandang bata aba kinontrata ko na para pakasalan ng isa sa kanila si Jonas syempre pa di nagpatalo ang tita mo siya rin nakakainis nga kasi nagvolunteer na si Lizzie para kay Xander kaya ako rin kahit kanino kina Amethyst at Cassidy para mapangasawa ni Jonas okay na okay sa akin at tanda ko pa na ngumiti sakin si Cassidy at tumango ito alam ko na tinakda sya para maging daugther in law ko hay ang saya saya ko talaga nun mga panahon na yon" pagkukwento ni mama.

"Kaya di ko kayo mapapatawad na dalawa ng asawa mo dahil winasak nyo ang pangarap ko na maging manugang ko si Cassidy" naiinis na wika nito.
Hay mama kung alam mo lang natupad na ang pangarap mo,manugang mo na ang pinapangarap mo.
"Mom di ka masaya kay Jonas at Macy di ba bagay silang dalawa?" Tanong ko.

"Ewan ko nararamdaman ko may kakaiba sa inyo tatlo, kilala kita Kenneth alam ko may nangyari sa inyong tatlo sapat  para magpakasal ka sa ibang babae kaya mainit ang dugo ko kay Macy  alam ko nararamdaman ko siya ang ugat ng lahat ng to" wika nito.

"Mom di ba gusto mo si Macy na maging manugang?" Tanong ko ulit.

"Nope, Daddy mo lang, kasi bestfriend sila ni Gary and ang unang anak nila ang pinagkasundo nila dalawa" huminto ito sa pagsasalita napatingin ako rito kasi bigla itong nalungkot.

"Alam mo ba Kenneth si Sylvia ang ex ng daddy mo naghiwalay lang sila ng mainlove si Sylvia kay Gary kasi masyadong busy ang daddy mo sa pag aaral kaya ng makipaghiwalay ang babae na yon sa daddy mo sinamantala ko na pinikot ko ang daddy mo pero nung araw ng kasal namin tumakas sya papunta ng America at iniwan ako, pati ikaw" pagtatapat nito.

"Kaya nang isilang na kita nagulat pa ako ng dumating ang daddy mo di ko alam kung papaano na bigla bati na sila at yun nga kasal na yun ex at bestfriend nya tapos kami di pa, tapos malaman laman ko pa na pinagkasundo na ikaw sa pinagbubuntis ng babae na yon na si Macy tapos ang kundisyon ng magaling mong ama para makasal kami at kilalanin ka nya ay pumayag ako sa arrange marriage syempre ayaw ko karibal ko tapos magiging balae ko pa, nung una ayaw ko pero naisip ko kawawa ka lang pag lumaki kang bastardo kaya pumayag na rin ako pati na makipagkaibigan sa babae na yon" pagpapatuloy nito.

Di ko alam tong kwento nato kung ganun ayaw pala sa kin ni papa nun una. Tinakbuhan pa nya si mama.

"Kaya deep inside natuwa ako ng di na matuloy ang kasal nyo ni Macy, pero kay Jonas naman siya kinasal" kala ko tapos na si Mama di pa pala.

"Mom dapat mag move on na kayo, may asawa na ako at kinasal na rin si Macy at Jonas at bonus pa magkakaapo na kayo" saad ko. Takte naman may date pa ako kailangan ko nang tumalilis pag nalibang si mama.

"Hmp! Ewan ko sayo hala ipagpatuloy mo ang pag lotion sa kin naiinis ako sayang talaga gusto kong maging anak si Cassidy  pero malabo nang matupad yon ikaw kasi sana man lang di ka nagpakasal agad  baka pumasa ka sa standard ni Cassidy pag nagkita kayo" pagtataray nito sa kin.
wag ka nang malungkot mommy daughter in law mo na ang pinapangarap mo. Saloob loob ko lang.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now