Chapter 54 part four

10.3K 209 108
                                    

"Ah....okay" tumatango tangong sambit ni Honey matapos kong sabihin na dito muna tutuloy ang Tatay ko sa bahay naming mag asawa.

Actually wala pa ito dito sa bahay, tinawagan ko lamang ito sa cellphone nya kasi di ako mapalagay na di sabihin dito  yung tungkol sa Tatay ko.

Nakahinga ako ng maluwag kasi pumayag ito na dito muna nga sa bahay namin yung Nanay at Tatay ko,

Kasi dyahe talaga,Imagine yung mga magulang ko parang mga nasunugan ng bahay at dito nag evacuate sa bahay namin.

"Really Honey? Thank you....ahm...pauwi ka na ba?" Malambing na tanong ko dito.

"Nasa Pampanga pa ako eh, siguro mga ten pa ako makakauwi d'yan" sagot nito.

Wala sa loob na napalabi ako.

Ten pa? Pero miss na miss ko na ang Honey ko!

"Okay hihintayin kita Honey, sabay tayo na mag midnight snack ha?" Hiling ko dito.

"Okay at may mahalaga tayong dapat na pag usapan" anito na nagpakabog sa dibdib ko.

"H--ha? At a---ano naman ang mahalagang bagay na dapat na pag usapan natin Honey?"

"Secret walang clue mamaya na lang pag nakauwi na ako bye bye" sagot nito at pinatay na din nito ang linya nya.

Bagsak ang balikat na napaupo na lang ako sa Sofa at dahan dahan na dumausdos papahiga habang nasasaisip pa din yun mahalagang bagay na dapat namin pag usapan ng Honey ko.

"Kenneth handa na ang hapunan, tara na!" Yaya ni Mama na di ko namalayan na nakalapit na pala sa akin.

"Ahm, Ma, mauna na kayo ni Papa kasi hihintayin ko pa po si Honey para may kasabay po syang kumain" sagot ko dito.
Saka isa pa di pa naman ako nagugutom.

"Ganun ba? Sige mauna na kami ng Papa mo na kumain" anito at saka naglakad na pabalik sa kusina.

Nang maiwan ako muli na mag isa ay muli akong nahiga sa sofa at hinintay na umuwi na ang Honey ko hanggang di ko na namalayan na nakatulog na pa pala ako.

-------

"Hon....hon wake up na" dahan dahan na dumilat ako para tignan kung sino ang tumatawag sa akin at nang makita ang magandang mukha ng Honey ko na nakangiting nakatunghay sa akin ay tila nawalang lahat ng antok ko.

"Honey! Dumating ka na pala?" Agad na bumangon ako at pasimpleng hinawakan ko ang gilid ng bibig ko at chineck kung may panis na laway ito.

Ngumiti ito ng matamis at nagulat ako ng bigla ako nitong halikan sa labi ko ng mabilis.

Ramdam ko na namula ng todo ang magkabilang pisngi ko.

"Honey bakit hinalikan mo ako?"

Nag pout ito dahil sa narinig na pag angal ko.

"Bakit ayaw mo ba yung ginawa ko?"
Dagling nag iwas ako ng tingin kasi tila hihiwalay na ang puso ko sa katawan ko kasi naman sobrang ganda talaga ng Asawa ko kahit pa anung emosyon o reaksiyon na ipakita nya ay hindi nawawala pa din ang pagka dyosa nya sa paningin ko.

"Honey?" Untag nito sa naguguluhan na utak ko at nilapit pa talaga nito ang katawan nya sa akin tuloy amoy na amoy ko ang mabango nyang pabango.
"G---galit ka ba sa ginawa ko?"

"Eh kasi ano.....ano kasi...di ba kagigising ko lang tapos bigla mo na lang ako na kiniss...."

"So what's the problem?"

"Wala sa iyo nasa akin kasi ni checheck ko pa kung may panis na laway na naiwan sa mukha ko o kaya bad breath ako tapos bigla ka na lang naghalik dyan!" Parang bata na angal ko na na kinalaki ng mga mata nito at pagkaraan ay tumawa ito ng malakas.

"Tapos ngayon tatawa tawa ka dyan,honey naman eh!" Nakalabing angal ko dito.

"Sorry naman ikaw kasi eh, di ko alam na sensitive ka rin pala sa mga bagay na ganyan" pigil ang tawang sagot nito sa akin.

"Magmula lang nang mapangasawa kita nagkaganito na ako Honey"

"Oh my Gosh, meaning it's my fault pala?" Nakangising tanong nito sa akin.

"No don't say that, it's not your fault, nasa akin yun kasalanan kasi these past few days parang ang moody moody ko sa di ko malaman na dahilan, idagdag pa na nagiging antukin pa ako" agad na pagpapaliwanag ko dito.

Nangunot ang makinis na noo ni Honey pagkaraan ay unti unting napangisi.

"So,effective pala yun paghakbang na ginawa ko sa iyo last week?"tila wala sa loob na usal nito.

"Huh, hinakbangan? Kailan mo ginawa yun at saka last week pa kamo? Ano ba yun?" Nagtataka na tanong ko dito.

Hindi pa din nawawala ang matamis na ngiti sa labi nito na may dinukot sya sa bag nya saka hinawakan ang palad ko para dun ilagay ang kung anung bagay na kinuha nya sa bag nya.

Nagtataka na tinignan ko ang bagay na nasa palad ko at ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita yun.

Isang pregnancy test na may dalawang linya na nakaguhit.....

"Congratulations Honey, little Kenneth or little Anne is on the way" nakangiting balita ng Honey ko sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now