Chapter 46

6.6K 167 7
                                    

Naghihikab na nakapikit pa na pumunta ako sa kumedor para makapaghanda na nang almusal kahit puyat ako dahil alas tres nang madaling araw na kami ni Honey nakauwi.

Gutom na kasi ako at saka gusto ko na ipaghanda nang almusal ang Honey ko.

At gagawin ko yun habang ang Honey ko ay nagpapakasleeping beauty pa din sa pagkakatulog.

"Good Morning!" Agad na nawala ang antok ko pagkakita ko kay Jasmine na nakaapron nga eh mas maikli naman ang suot na minishirt tapos tumalikod pa kaya kitang kita ko ang makinis at maputing mga hita nito.

Shit nakalimutan ko na na may bisita nga pala kami dito sa bahay!

"Yeah...Good Morning" alanganin na tugon ko dito.

Saka tinignan ang mga pagkain na nakahain na sa mesa.

May fried rice, sunny side up egg, tocino at hotdog pati na hot coffee ay nakahain na sa mesa.

"Sorry kung pinakialaman ko na ang pagluluto....you know gusto ko kasing magluto at pakainin ang ma---- I mean ang mga kasama ko sa bahay" ngumiti ito yung tipong sa TV na mga kumikinang ang mga ngipin.

"Ah...ganun ba s--salamat ahm .....sige kumain ka na muna, mukhang tulog pa ang Mama ko eh at ako naman ay iinom lang nang tubig...kasi inaantok pa ako kaya babalik muna ako sa pagtulog" sagot ko dito saka pumunta sa may Ref at binuksan ito pagkaraan ay kumuha ng tubg saka nagsalin sa braso at diretsong ininom ito.

"Ha?! Wait panu tong mga iniluto ko na breakfast if ako lang ang kakain?" Malungkot na tanong nito sa akin.

"Sorry talaga ha" tangi ko na lamang nasagot kahit gusto ko na kumain na din kasi nagugutom na kaya ako.

Pero di pwede....baka magselos si KatKat ma outside de kwarto ako mam'ya nito eh....

"Pero----"

"Ahm sorry talaga dyan ka na ha" paalam ko dito saka naghikab pa ako at nagmamadaling pumunta na sa kwarto namin ni Honey.

"Wait Kenneth!" Nadinig ko na tawag nito sa akin pero di ko ito pinansin.

Nang makapasok na ako sa kwarto namin ay siniguro ko na nakalock ang pintuan...

Mahirap na at baka mapadpad dito sa kwarto namin si Jasmine at makalikutan na buksan ang pintuan nang kwarto namin....

Nang masiguro ko na okay na ay nakangiting pinasadahan ko nang tingin ang honey ko at maingat na humiga ako saka niyakap ito nang mahigpit.

Bahagyang umungol ang honey ko pero di naman ito tumutol at sa halip ay ginantihan pa nang mahigpit ang yakap ko.

Napapangiting napapikit ako at sinamyo ang natural at nakakahalinang bango nang Asawa ko at ilang saglit pa ay muling nakatulog na ako.....

------------

"Kuya Kenneth!" Sigaw ni Jonas sa akin at dahil nagulat ako ayun naitapon ko ang mga hawak ko na papeles sa sahig.

Nagagahol na agad na sinamsam ko ang mga papeles at mabilis na Inayos ang mga ito pagkatapos ay muling tumayo ako at hinarap ang kapatid ko.

"Jonas may kailangan ka?" Nakangiting tanong ko dito.

"Absent ka kahapon kuya" sita nito sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko pagkaalaala na Oo nga Absent ako kahapon paano ba naman kasi Ala singko na nang hapon kami nagising ni Honey ko.

Kaya ayun di na ako nakapasok sa trabaho kahapon.

"Sorry ha kasi ang sakit nang ulo ko kahapon nakalimutan ko na na magsabi na di ako makakapasok sorry talaga" hingi ko nang paumanhin dito.

"Di ka sa akin dapat mag sorry Kuya kay Papa ka dapat mag sorry kasi hintay kami nang hintay sa iyo dahil nasa iyo daw ang mga report na ipripresenta sa mga kliyente next week para mareview namin pero di ka pumasok" sagot nito.

Naku ang aga aga ang sungit naman ni Jonas!

"Sorry talaga anyway papunta na ako sa office ni Papa para ibigay itong mga report sabay ka na sa akin?" Anyaya ko dito.

Pinagmasdan ako nito nang matiim pagkaraan ay tumango ito.

Kaya naman magkasama kami na pumunta sa opisina ni Papa.

Agad na kumatok si Jonas sa pinto nang opisina ni Papa sabay bukas nito at kapwa pa kami nagulat ni Jonas nang mabungaran namin sina Papa Tito Gary at Tita Sylvia.

"Mom..Dad...nandito pala kayo sa
Office ni Papa" sabi ni Jonas nang makahuma ito.

Tumango ang mga ito at lumapit kami sa mga ito at nakipagkamay kay Tito Gary at bineso beso si Tita Sylvia at saka inimuestra na umupo kaming dalawa ni Jonas sa bakanteng upuan.

Akward lang ang pakiramdam kasi naman napakatagal na mula nang huli kong makita ang mga magulang ni Macy...

Yun huli yata ay yun kasal pa nila Jonas at Macy after nun di na ulit pa kami nagkita pa.

"Mukhang hiyang ka sa pag aasawa ha Kenneth" nakangiting puna ni Tita Sylvia.

Kiming ngumiti ako dito.

"Di naman po Tita Sylvia" tugon ko dito.

"Ikaw talaga Hijo napakamahiyain mo pa din" natatawang wika na lang ni Tito Gary.

Ngiti na lang ang naitugon ko dito.

"Bueno di na kami magtatagal pa mauna na kami Edmund, Kenneth" sabi ni Tito Gary at tumayo na ang mga ito.

"Jonas pwede bang samahan mo kami na bumaba sa gusali na ito" malambing na pakiusap ni Tita Sylvia kay Jonas na agad naman na tinanguan nang huli.

Pagkatapos ay inalalayan ni Jonas si Tita Sylvia papalabas ng opisina kasunod si Tito Gary.

At naiwan na kaming dalawa ni Papa sa opisina.

"Di ka pumasok kahapon?" Puna ni Papa sa akin.

"Sorry po Papa nakatulog po ako sa sobrang sakit ng ulo ko po" pagdadahilan ko dito.

"Okay pero ayos ka na ba? Baka di pa maganda ang pakiramdam mo mabinat ka pa" sabi ni Papa.

Napangiti ako dahil sa pinakitang concern ni Papa sa akin.

"Okay naman po ako Papa mabuti pa po simulan na natin ang pagrereview nang mga reports ko" wika ko dito at umupo na ako sa upuan sa harapan nang mesa nito at sinimulan nang ilatag ang mga reports at ideyang naisip ko para mas maging productive pa ang mga naiisip namin na pakulo pa para mas lalo pang makahikayat kami ng mga prospective client....

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now