Chapter 47 part two

7.1K 171 16
                                    


A/N SABAW ANG UPDATE .....

Inspiration?

Saan banda ang paghahanap nang inspirasyon kung hayun sya sa stage at nagkaka kanta?

Napapailing na lang ako habang sumisipsip ng Ice tea na binigay sa akin ng bartender na nag uumpisa nang mag ayos dahil bukas na po yun Club....

Tama inabot na po nang gabi gawa nang iniabot ni Manang Janitress ang golden mike kay Mavix.

Di ko alam na ang pagkain ng tuyo at bagoong ay nakaka hyper kasi kumain naman din ako nun pero eto ako matamlay pa din pero itong si Mavix hanep sa energy konsertero talaga kantahan kung kantahan walang atrasan....

"Gusto ko nang umuwi eh" piping hinaing ko.

"Boss ang galing kumanta ng kasama nyo ah kaboses na kaboses yun pinakapaborito ko sa lahat" pukaw ni Mamang Bartender sa akin.

"Uhm....talaga... sino naman?" Alanganin na ngumiti ako pagkat parang alam na alam ko na kung sinong tinutukoy nito.

Ngumisi ito at saka binaling ang mga mata sa stage na kinaroroonan ni Mavix.

"Si Ares yung nag iisang lalaking miyembro nun sikat na grupo yung Crayon" sagot nito.

Napalunok ako nang laway ko pagkadinig ko nang sinagot nito.

Umilap ang mga mata ko at saka tumawa nang mahina.

"Tama ka po dyan, madami ngang nagsasabi na kaboses nya si Ares"  shit kinakabahan ako talaga!!!

"Kaya ko yun Idol kasi bukod sa pinagpala sa kagwapuhan ay ubod pa nang Suwerte talaga ng Idol ko kasi tatlo ang kasama nyang Chika babes sa grupo nako'y pangarap nang lahat ng kalalakihan ang mga kasama nya hay" matabil din pala si Mamang Bartender.

Akala ko masungit at tahimik ito dahil sa bigote nya di naman pala...

"T--tama po  kayo dyan"  pagsang ayon ko dito sabay sipsip ulit sa straw ng Ice Tea ko.

"Sana maranasan ko kahit sa panaginip ko man lang na nasa posisyon ni Idol naku para na akong nanalo nun sa lotto" tila nangangarap na dagdag pa nito.

Naku Mamang Bartender wag na po nyong pag interesan pa ang posisyon ni Mavix kawawa ka lang sa Asawa ko at kina Dawn at Avery....

Mga Bully yun eh... naiiling na naisip ko na lamang.

Napapitlag pa ako nang maramdaman ko na nag vibrate ang Cellphone ko.

Agad na kinuha ko yun sa bulsa ko at di ko napigilan na di mapangiti nang makita ko ang pangalan ng tumatawag sa akin sa Screen ng Cellphone ko.

"Honey ko" agad na bungad ko dito.

"Nasan ka Hon?" Malambing na tanong ni Cathy sa kabilang linya.

"Nandito kami ni Mavix sa isang Bar" agad na sagot ko dito.

"Bar?"

"Oo nayakag ako ni Mavix dapat dalawa kami ni Lemon na kasama ni Mavix pero may gagawin si Lemon kaya ako na lang ang nakasama ni Mavix dito eh" natatawang sagot ko dito.

"Nasan na sya ngayon?" Tanong ni Honey sa akin.

"Nandun sa Stage kumakanta" sagot ko naman dito.

"What! Siraulo talaga yan si Mavix!" nadinig ko sa background  ang boses ni Avery.

"Pag sya napaos kasalanan nya" nadinig ko ang tinig ni Dawn sa kabilang linya.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now