Chapter 42

7.4K 194 13
                                    

"Kenneth?" Napakurap ako at nag angat nang ulo nang may tumapik sa balikat ko.

Nakita ko si Papa nakapasok na pala ito di ko man lamang namamalayan,
Lumabas kasi si Lemon para bumili ng snacks namin na dalawa.

"Papa may kailangan ka po?" Tanong ko dito at binitiwan ang binabasa ko.

"Di pwede ang kapatid mo sa meeting kaya ikaw na lang ang isasama ko" anito at agad na tumango ako.

"Susunod na po ako ibibilin ko lang po kay Lemon yung paper works ko po" paalam ko dito.

"Sige hintayin na lang kita sa may Lobby" sabi nito at umalis nasa office ko.

Dahil nga wala si Lemon tinext ko na lamang ito na aalis ako at inayos sa mesa ko yun mga maiiwan ko na paperworks.

Agad na nag reply naman ito kaya umalis na ako.

"Papa sorry na late po ako" agad na hingi ko nang paumanhin.

Tumango lamang ito at sa magkasabay na kaming lumakad papunta sa naghihintay na sasakyan.

Pagkaupo namin agad naman na umarangkada na ang sasakyan.

"How's your Mother?" Tanong ni Papa pagkaraan ng ilang sandali na katahimikan.

"Okay naman po,kasa kasama po niya si Mommy pati na po yun mga friends po nila madalas nga po hinahapon na silang lima" nakangiting sagot ko dito.

Kumunot ang noo ni Papa sa sinabi ko.

"Mommy?"

"Opo Papa, dumating na po kasi ang mga magulang ni Cameron last week pa po and since wala naman ginagawa si Mama sinasama na lang sya ni Mommy together with her friends po" sagot ko.

Nga nga si Mama nang makilala nya in person si Mommy Cameron at si Daddy Anton,

Sya nga pala Mommy na at Daddy na tawag ko sa mga in laws,

Shet ang dibdib ko tumatambol pa din sa galak nang sabihin ni Daddy na ituwid ko daw ang dila ko kasi pag di ko daw sya tinawag na Daddy at Mommy si Mommy Cameron itatapon nya daw ako sa bundok sa gitna nang pacific ocean ring of fire!

May ganun ba?

Wala na akong pakialam basta ang mahalaga pwede ko na silang tawagin na Mommy at Daddy!

At mas di sya makapaniwala na mga magulang nina Rafa at Honey ko yun mag asawang business tycoon.

Mas ngumanga pa sya nang isama siya ni Mommy sa Charity Events nito at ipakilala dun sa tatlong friends nya.

Mga kilala kasi yun Apat bilang Asawa ng Apat sa pinakamayaman na business man sa bansa eh.

Tapos kilala din sila kasi sila yun founder nang Charity na tumutulong sa mga kapus palad.

Si Tita Agatha kilala nyo na yun di ba?
Ang ganda pa din nya mukha lamang silang magkapatid ni Avi eh,

Si Tita Charlie likod lang nya ang nakita ko, pero malamang maganda din yun maganda kaya si Dawn,

Saka yun Mother in law ni Avi si Tita Reona,

At pakidagdag si Mommy Cameron na pagkaganda ganda talaga kamukha ni Honey ko.

Ngayon ang tanong ko,
Bakit silang Apat magaganda pa din bakit si Mama......Mama ko talaga?

"Good for her, at nag eenjoy s'ya" tugon ni Papa at namayani na ang katahimikan sa pagitan namin na dalawa hanggang sa makarating kami sa paggaganapan nang meeting.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now