Chapter 49 part four

4.2K 127 7
                                    

"Ouch...." di ko mapigilan na di mapangiwi sa sakit at sa nakita kong sugat sa dalawang daliri ko.

Actually tatlo yan yung isa nilagyan ko na nang band aid.

"Ano kaya pa?" Nakangising tanong ni Mavix sa akin.

Sinamaan ko ito ng tingin.

Kung pwede lang irapan etong lalaki na ito ginawa ko na  kaya lang di pupwede eh...
Eto lang kasing lalakeng ito ang alam ko na makakatulong sa akin tapos kinulet kulet ko pa talaga kaya... Kennedy Cervantes magdusa ka!
Nang aasar na wika sa akin ng utak ko.

"Of course!" Agad na sagot ko at muling bumalik sa pag aaral ko na mag gitara pero muling napangiwi ako nang sumakit na naman ulit yun mga daliri ko.

Napahalakhak na naman ang magaling na mentor ko at kinuha ang gitara na hawak hawak ko.

"Tama na nga muna pagpahingahin muna natin etong Gitara ko kawawa naman eh minamassacer mo na" natatawa pa din na biro nito.

Di na lamang ako nag protesta pa kasi tama naman ito.

Ang pangit nang lumalabas na tunog na nililikha ko mula sa gitara.

"I want to learn faster Mavix, gusto ko na pagdating ni Honey ko galing sa photoshoot nya marunong na akong mag gitara para ako naman ang gumawa ng mga sweet things na lagi na ay ginagawa nya sa akin" puno nang determinasyon na wika ko dito.

Napakamot si Mavix sa batok nya at saka naggitara.

"Sa katulad mo na walang ka talent ka talent sa musika, isang malaking imposible na matuto ka agad agad sa loob lamang nang beinte kuwatro oras" walang paliguy ligoy na sagot nito.

Di ko maiwasan na di mapakamot din sa batok ko sa walang prenong pagkakalkula nito sa kakayahan ko.

"Salamat Mavix ha, Now I know kung bakit madalas kang ma bully nun tatlo ang blunt mo kasing kausap, ang sarap mo talagang....sapakin" halos bulong na lamang yun huli.

Nangunot ang noo nito.

"Ang sarap ko talagang Ano, Kenneth?" Nagtatakang tanong nito.

Napatikhim ako.

"Ang sarap mo talagang hingan ng payo" pagkakaila ko saka ngumiti dito nang inosente.

"Ah...okay" napatango na lamang ito na kinahinga ko nang maluwag.

Muli ay pinagtuunan ko nang pansin ang aking "must to do list to win my Honey's love"

1.Learn to play music instrument.

(Hmm...maybe tama si Mavix wala nga akong talent kaya ise set aside ko muna sya)

2.Learn to sing.

(Gusto ko na kumanta kaya lang ayaw ko naman masira eardrums ni Honey kaya ini erased ko na lamang ito)

3.Learn to cook.

(Balak ko mag search online tapos try ko gawin kasi kung papaturo ako kay Mama baka masapok lang ako nun pag di ko na gets agad agad yung gusto nyang mangyari)

4.Spend Quality time with my Beautiful Wife.

(Kasi dahil busy lagi schedule namin na dalawa madalas gabi na kami nagkikita....at mas madalas sexy time ang madalas na pampalipas oras namin na dalawa)

5.Be Bold.

(Di yung porno ha)

6.Be Brave.

7.Be Strong.

8.Bawasan na ang pagiging weak kundi man maalis tapos babalik ulit ako sa no. 7 papunta sa no.6 at pupunta na ako sa no.5 at tatalon ako sa no.1 kaya naman.....

"Mavix game na ako di na masakit ang mga daliri ko kaya irampa mo na yung ukelele" sabi ko kay Mavix.

Inikutan man ako ni Mavix ng mata pero ginawa pa din nito ang gusto ko na mangyari.

Ibinigay nito sa akin yun ukelele na agad ko naman na inabot saka sinimulan nang tumugtog gamit nito.

Engrossed na engrossed ako sa pagtugtog nang makarinig ako ng malalakas na palakpak.

"Ang galing!" Nakangiting puri ni Honey ko na di ko namalayan na katabi ko na pala.

Bigla ay nakaramdam ako nang pagkapahiya at pagkataranta kaya naman di agad ako nakapagsalita.

"H---honey d--dumating k--ka na pala" nauutal na wika ko dito.

My Honey just grin and cupped my face with her two soft hands.

"I miss you Hon so after my photoshoot dumiretso na agad ako dito and what did I see makes me glad that I listen in my heart" malambing na sagot nito sapat para mamula ako sa magkahalong pagkapahiya at sobrang kasiyahang kasi alam ko na di naman maganda ang tunog na nililikha ko gamit ang ukelele pero para kay Honey ay maganda ito sa pandinig.

"Uy Kat Kat wag mong bolahin yang Asawa mo di yan matututo pag patuloy mong---ouch naman!" Di na naituloy ni Mavix ang sinasabi nang hagisan sya ni Honey nang brush na hawak.

"Get out Mavix! You're just an eyesore here" pagtataboy ni Honey dito.

"Ganyan ka naman lagi eh madalas pinagtatabuyan n'yo ang gwapong ako eh" nakangiwing angal ni Mavix at saka tumayo na sa sofa.
"Maiwan na muna ko kayong mag asawa d'yan pakasaya kayo" natatawang paalam nito saka iniwanan na lamang kaming dalawa.

Nang makalabas na si Mavix at naiwanan na lamang kaming dalawa ay sumubsob si Honey sa dibdib ko at nilaro laro ng mga daliri ng kaliwang kamay nito ang mga butones ng polong suot ko.

"Play ukelele again Honey, I want to hear you playing it again" malambing na pakiusap nito sa akin na di ko magawang tanggihan kaya naman muli ay dinampot ko ang ukelele at nagsimula na ulit na tumugtog.....

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now