Chapter 19

7.5K 197 3
                                    

Isang araw na lang at Valentines Party na nang kumpanya.

Sa nakalipas na mga araw ay abala kami nina Mavix, Lemon, kahit si Rafa tumulong din sa pag aayos ng venue.

Sina Avery naman ay abala sa mga iba pang mga bagay bagay na gagamitin namin sa party.

Curious nga ang mga empleyado kasi kami kami lang ang nag aayos at nagtatanong na sila kung saan ang venue

( di pa namin pala nasasabi sa kanila na ang venue ay dito din, mamaya na lang )

Naisaayos na rin ni Lemon ang imbitasyon at naipakalat na nya ito pati mga board of directors nga pinadalhan ni Lemon para daw pati sila dumalo,

Sana nga dumalo sila... kinakabahan ako eh....

Pati na rin si Daddy at Mommy,

Sina Jonas at Macy din ( ewan ko lang kung dadalo silang dalawa )

Manghang ginala ko ang paningin ko sa paligid katatapos lang namin sa pinakahuling detalye sa decorations.

Red at White ang tema ng party may kasinglaki namin na stage na ginawa sa utos ni Avery...

I mean si Mavix pala, pinagawa nya ito sa kakilala nila na may ari ng furniture shop na paboritong puntahan ni Mom.

Isa itong ...... bukas ko na lang sasabihin.

At mga tela na kulay pula na matiyagang inayos namin pataas at palibot ng room na parang ribbon ang tali sa itaas ng ceiling.

May mga spotlight na rin at stage light na rin pati nga mga instrumento at speakers naka set up na rin.

Sino kaya kinausap ni Mavix para kumanta sa party?

At mga paper lantern na kulay pula na nakapaligid sa stage at mga mesa na kulay pula ang mantel sa isang bahagi naman ay bakante sabi ni Mavix dyan daw gagawin ang mini couple games bukas excited na ako wala kasi akong ideya kung anu ano ang mga yun.

May mga vases na kaming hinanda para bukas pagdating ng mga roses na inorder ni Lemon.

Overall pano ko ba dedescribe?

Di ko alam eh pero okay na to para sa akin

Ewan ko lang kina Dad at Jonas perfectionist yun dalawa na yun eh.

"Wow ayos na pala" mula sa pinto ay pumasok sina Avery Dawn at...Cathy?

"Tsk! Ako pa!" liyad ang dibdib na wika ni Mavix.

"Conceited Pig" ingos ni Avery.

"Roasted Pig" wika ni Dawn.

"Piggy Bank" sabi naman ni Cathy.

"What are you saying girls.....?" Takang tanong ni Mavix.

Ako rin tanong ko din yan.

Puro Pig eh di  wala namang Baboy  dito.

"Sabi namin mayabang ka..
Ililitson ka namin...
At ibebenta!" Asar na sagot dito ni Avery.

Naiiyak na tumingin sa amin tatlo si Mavix.

"Kita nyo na! Di man lang nila appreciate ang ginawa ko" naiiyak na wika nito.

Natawa na naman kaming tatlo.

Lumapit na sa akin si Cathy at humalik sa pisngi ko.

"Musta na miss na kita" sabi nito sa akin.

Ako naman gag* kinilig naman agad.

Kasi naman eh masisisi nyo ba ko?

Ang ganda naman kasi nang asawa ko kahit nakawig sila ngayong tatlo at naka shades na itim ang kulay.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now