Chapter 24

6.7K 155 0
                                    

Tagaktak na ang pawis ko pero......
anak naman ng pating oo!
Di pa rin kami yata makakatapos ang dami eh!
Napalingon ako kay Lemon at Mavix na nakahubad baro na dahil halos nabasa na ng pawis ang suot nilang tshirt.
Kung itatanong nyo kung ako din ay nakigaya sa kanila ang sagot ko......
HINDI! KASI WALA PA AKONG MUSCLE NA IPAGYAYABANG NA KAPARES NILA NA MAY PANDESAL SA TIYAN!
Pagdating na pagdating ko sa Maynila pupunta agad ako sa gym huhuhu.
Dehado ako sa dalawa na to eh!

"Love what are you doing!" Napalingon ako sa bagong dating at napakunot noo ako.
Pormal ang suot nito yun bang uniporme ng teller sa banko na madalas mong makita. Nagtatrabaho kaya ito dun,
O kaya baka teacher...
Sino kaya ito? Kasi kasingtangkad sya ni Anicel at may pagkakahawig kay Anecka pero mas maganda naman ito sa huli.

"Anicel, andiyan ka na pala" nyek! Seryoso ito yun girlfriend nya na tila gangster ang itsura. Kaya pala nagustuhan ito ni Mavix kasi mahilig mag cosplay.
Kapareho nilang lahat ang libangan.

"Oh my god Mavix wag mo naman ipakita ang pandesal mo baka makalimot ako at kainin kita" kinikilig na pinunasan nya nang dala nyang towel ang katawan ni Mavix at inabutan nya rin kami ng towel na dalawa ni Lemon.

"Love para sa'yo handa akong magpakain kaya eto na ang katawan ko iyung iyo lang" umakto pa ito kay Anicel na parang model dun sa UP yung nasa oblation ba yun.

"Yuck!" Narinig ko na bulong ni Lemon.
Kaya napangiti ako kasi ako rin ganyan din ang feeling ko.
Mula sa kung saan ay may lumipad na dyaryo at sapul ang ulo ni Mavix!
Kawawa naman, mukhang nainis ang lolo ni Anicel dito, yabang kasi yan tuloy.

"Aray, Anicel pakitingin ang ulo ko masakit" napapangiwing daing nito kaya nataranta pa ang dalaga pagsuri dito.

"Lolo! Nakakasakit ka na mag sorry ka kay Mavix" pero umismid lang ito pagkaraan ay tumalikod na papasok ng bahay.

"Love sorry ha sa inasal ni Lolo, san masakit dito ba" sabay himas nito sa ulo ni Mavix.

"Okay lang yun Love di naman masyadong masakit, sige na magbihis ka na baka ikaw naman ang magkasakit nyan" nakangiting taboy ni Maviy dito.

"Ay oo nga pala sandali lang ha, magbibihis lang ako" paalam nito at pumasok na ito sa bahay.

"You look stupid kuya Mavix,imagine you a certified blockbuster director and famous personality not to mention you is already rich in your own ways, binubully bully lang nila" napapailing na tudyo dito ni Lemon.
Hulaan ko galit na galit pa rin ito gawa nang pagsisibak namin ng kahoy kaya gumaganti kay Mavix hehehe.

"Ganun talaga pag ikaw na inlove Lemon baka mas higit pa ang gawin mo" cool na cool lang na sabi nito.
Napangiti ako kasi ganun din ang pakiramdam ko eh....
Siyempre sa mahal ko na si Cathy....
Eh! Wag nyo nang itanong kung bakit nasa shy ako lalo.

"Never, i will never do it, I mean pag ako nainlove di ko na ito liligawan kundi ihaharap ko na sya sa dambana sa ayaw o sa gusto nya" sagot dito ni Lemon.
Katakot pala mainlove ang isang Lemon Arthur Lewis.
Nangingidnap na lang basta.
Nagpatuloy na kami sa pagsisibak na tatlo.
Sa awa ng diyos malapit na kaming mangalahati.
Maya maya pa ay nagyaya na kumain si Anicel.
Pagkaupong upo namin ay halos wala na kaming lakas para sumubo ng pagkain buti pa itong si Mavix sinusubuan ng nobya nya.
Namimiss ko tuloy si Cathy sigurado ako na susubuan din nya ako pag nakita nya na halos di ko na magalaw ang mga kamay ko.
Napatingin ako sa mga kamay ko at napangiwi ako kasi puro sugat ang mga ito gawa ng walang tigil namin na pagsisibak at pagsasalansan lalo na at wala akong alam nun una buti na lang at matiyaga sina Lemon at Mavix na turuan ako kasi pala ginawa na rin nila ito dati pero sa camping nila nung highschool pa yun.
Pagkaraan namin kumain ay nagpaalam na kami ni Lemon para umuwi.
Pagdating namin sa hotel suite namin di na kami halos makagulapay sa pagod kaya pagkahigang pagkahiga namin ay agad na nakatulog kami.

///////////////////////

And the day is finally come!
Uuwi na ako sa Maynila,
Sa piling ng dyosa kong asawa at sa kerubin na bayaw ko hehehe.
Sana nandun pa rin si Rafa sa bahay para naman may kasama ako pag wala si Cathy.

"You look excited kuya Kenneth" puna ni Lemon sa akin kasi ang laki ng ngiti ko.

"Yeah, excited talaga ako, ikaw Lemon?" Nakangiting tanong ko dito.

"Same as always pa rin, sanay kasi ako na kung saan saan nagtatravel kaya di na bago ito sa akin" kibit balikat na tugon nito.
Ah okay! Napatango na lang ako dito.
Maya maya pa naramdaman ko na may umakbay sa akin.
Ah si Mavix lang pala anang isip ko.
Teka si Mavix agad na napalingon ako uli para makasiguro.

"Akala ko matagal pa ikaw kuya Mavix uuwi nandito ka ba para ihatid kami?" Nagtatakang tanong dito ni Lemon.
Umiling ito.

"Nope, ayoko pa nga sana umuwi  kaya lang tumawag na ang Crew namin kasi may kailangan reshoot pala kami kasi nagka error dun sa sequence ng storyline may na skip pala kami kaya ito sabay sabay uli tayong sa eroplano, oh di ba this is call fate" paliwanag nito.
Napaingos naman si Lemon sa narinig.

"No, this is call curse" tugon nito kaya napatawa ako.

"Hay naku ikaw talaga Lemon mapagbiro ka talaga" di na lang pinansin ni Mavix ito.

"Nagpaalam ka na ba kay Anicel?" Tanong ko dito.

"Yeah, ayaw pa nga nyang umalis ako kahit ako rin ganun din ang nararamdaman ko kahit pinapahirapan ako ng lolo ni Anicel okay lang naman sa akin kaya lang trabaho to eto, kailangan magsipag para sa kinabukasan namin" nakangiting tugon nya sa akin.
Napangiti na rin ako sa sinabi nya.

"Lokohin mo na Lolo ni Anicel pero wag kami kasi mas mayaman ka pa ng sampung ulit dun sa pamilya nya pero mas mayaman ako sa iyo" sabat ni Lemon.
Napakamot na lang ng ulo si Mavix.

"Oo na ikaw na ang mayaman Lemon"

"Pati ikaw din kuya Mavix"

"Oo ako rin pati na ikaw Kenneth" baling nito sa akin.
Napatawa na lang ako sa kulitan nila.
Maya maya pa ay narinig na namin ang oras ng flight at excited na nagpatiuna na ako papasok sa gate papunta ng eroplano.

///////////////////////

Pagdating namin sa airport dito sa
Maynila ay napangiti ako nang maluwang.

"Guys una na ako ha may trabaho pa ako eh kita kits na lang" paalam ni Mavix sa amin.
Napatango ako dito at kinawayan na ito.
Papalabas na kami nang tumunog ang cellphone ni Lemon.

"Wait kuya I need to answer this call" paalam nito.
"Yes Dad........ah okay i was here by the way, you know ako na lang kaya ang mag antay sayo Dad....yeah okay lang Dad" tinapos na nito ang tawag.

"Kuya, do you mind kung ikaw na lang mag isa ang umuwi kasi paparating na rin si Dad galing Hongkong kaya ako na sasalubong" napangiti ako at tumango.

"Of course Lemon, no problem dapat nga ako ang magpasalamat kasi sinamahan mo ako sa convention sa Cebu kaya you have to enjoy naman to be bonding and made quality time with your father so mauna na ako ha bye" nagpaalam na ako dito.
Kinawayan na nya ako at nagsimula na akong lumakad papalabas ng airport.
Naghihintay na ako ng taxi nang may biglang nagtakip ng mga mata ko.

"Hulaan mo kung sino ako" bulong ng pamilyar na tinig na iyon sa tenga ko.
Napangiti ako.

"Cathy!" Tinanggal na nito ang mga kamay nya sa mata ko at niyakap ako nang mahigpit. Yakap na ginantihan ko din.

"Namiss kita sobra kaya nang tinext ni Mavix na papauwi na kayo dali dali akong nagpunta dito para salubungin ka" wika nito nang bahagyang kumalas ito sa pagkakayakapan namin.

"Ako din Honey namiss din kita kaya nga excited na ako ng papauwi na kami at eto na nga ang saya ko at ikaw ang sumalubong sa akin" inakbayan ko na ito at si Cathy naman ay sumandal sa akin at pumulupot ang mga braso nya sa baywang ko at may huminto nang taxi sa harap namin kaya sumakay na kami at nagpahatid sa bahay namin.

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon