Chapter 51 part four

4.4K 154 17
                                    

"Kenneth...." akmang aalis na ako dito sa conference room nang marinig ko na tinawag ako ni Papa.

"Yes Pa?" Nagtatakang lumapit ako dito.

"Dito ka muna kasi may dadating na bisita ako...tayo" anito.

Napangiwi ako at napakamot sa batok ko.

Bwisita naman! Hindi na maubos ang mga yun ah!

"Ahm....Pa...kasi may date kami ng Honey ko ngayon" nakangiting sagot ko dito.

Nag text kasi ang Honey ko na gusto nyang kumain ng Sugpo kaya pupunta kaming dalawa sa Dampa.
At papunta na sya dito para sabay na kaming pupunta dun.

"Talagang nabilog na ng Asawa mo ang ulo mo ano?" Bumuntunghininga ito at napailing.
"Halos sa kanya na umiikot ang Mundo mo,parang kumikilos ka at humihinga para d'yan sa Asawa mo" puna nito.

Imbes na magulat ay napangiti ako at tumango tango dito.

Totoo naman kasi talaga ang sinabi nito,
Ewan ko ba kung bakit at kailan nagsimula pero nagising ako isang Araw na ang Honey ko agad ang hinahanap ko at gustong makita.
Tapos sya din ang huling tao na gusto kong makita bago ako makatulog.

"Don't you think it's absurb Kenneth?"

Sukat sa sinabi nya na yun ay nawala ang ngiti sa labi ko.

"Pa, wag ka naman magsimula ngayon, Honestly I better go, walang patutunguhan ang usapan na ito" akmang aalis na ako ng magsalita ito.

"Simula ng malaman mo na kapatid mo lang sa akin si Jonas, you act as if we did not exist, only Minerva is important to you" nagulat ako sa sinabi nito.

"Pa...anu ba yang pinagsasabi nyo?"

"Narararamdaman ko...Sa Mama mo lang nakatuon ang atensiyon mo...ramdam ko ang pagkampi mo sa kanya at ang pagbaba ng respeto mo sa akin...Anak---"

"Papa, uulitin ko hindi yun ganun, at saka labas na ako sa kung ano ang estado ng relasyon nyo ni Mama ngayon...seryoso po ako, kung anuman ang nangyari in the past sa inyo ni Mama labas na ako dun, isa pa nandito ako at buhay dahil sa inyo ni Mama and I grateful sa inyo ni Mama dahil you allowed me na mabuhay dito sa mundo, tungkol naman kay Jonas...I don't know na ganun na pala ang pakiramdam nyo...sorry maybe next time mag bonding tayong apat, kayo ni Mama at kami ni Jonas...you know family bonding" sabi ko dito.

Maybe tama kasi talaga ito, medyo dumistansiya nga ako sa dalawa gawa ng nasa Mama ko ang atensiyon ko.
I want to make her feel na hindi sya nag iisa, na nandito lamang ako pag kailangan nya ako....

Saka isa pa madalas lalapitan lang ako ng Tatay ko na ito pag may iuutos o kaya pagagalitan nya ako eh...sa loob loob ko.

"Yeah...I'm looking forward to that" ngumiti ito ng tipid sa akin.

After nun ay magkasabay na kaming lumabas ng conference room...nang matigilan kami kasi nagkakumpol kumpol ang mga empleyado sa may reception.

"What's going on there?" Nagtatakang tanong ni Papa.
Napailing na lamang ako dito kasi hello magkasama kaya kaming dalawa kaya papaano ko malalaman?

Napuno ng kuryosidad ako kaya naman naglakad ako papalapit sa mga nagkukukumpulang mga tao.

Nakita ko ang Honey ko na nakangisi at may kausap na babae.
Tinitigan ko ng maigi ang babae at nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko sya.

"Claribel?!" Malakas na Bulalas ko na kinalingon ng mga empleyado namin.
Nakaramdam naman bigla ako ng pagkapahiya.

Nang lumingon sina Claribel at Honey ko sa akin ay umamo ang tila tigre sa bangis na mukha nun una.

"Tito Edmund, Kenneth, it's so nice to see you again!" Nilapitan ako nito at akmang yayakapin ako ni Claribel ng magsalita ang Honey ko.

"Hug him Woman and I will make sure na manghihiram ka ng mukha sa aso" nakangiting pagbabanta ng Honey ko kay Claribel.

Napakamot naman ako sa leeg ko at napangiwi kasi umiral na naman ang taglay na possesiveness ng Honey ko.

"Ah...mainam pa dun tayo sa Opisina" singit ni Papa saka bumaling kay Honey ko.

"Yes Tito Edmund, Kenneth halika na----" akmang hahawakan ako ni Claribel sa braso ko ng biglang ikinawit ni Honey ang braso nya sa braso ko tapos inihilig pa nya ang ulo nya sa balikat ko.

Honey smirk at Claribel na umasim naman ang mukha pero hindi na kumibo pa.

"Honey Behave..." bulong ko dito habang naglalakad kami papunta sa opisina ni Papa.

"Why? And besides Behave ako matagal na" pilyang bulong nito sa akin bago nito halikan ang leeg ko....

Muntik na akong mapatalon sa gulat gawa ng ginawi nya.
Lumabi ako saka nakipagtitigan kay Honey ko na ngiting ngiti lang....

Saan banda Behave ang Honey?

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now