Chapter 50

4.6K 150 11
                                    

"Do you want me Honey to accompany you?" Tanong ko kay Honey.

Pupunta kasi ito sa Star Awards ba yun?

Nominated kasi ito sa pagka best actress tapos yun album din nilang apat may award din yata,

Ang galing galing talaga ni Honey ko! Buong pagmamalaki na wika ko sa isip ko.

Lumingon ito sa akin at lumapit pagkatapos ay idinantay nito ang ulo sa dibdib ko.

Napalunok ako at kumalabog ang dibdib ko.

Napahagikhik ito nang mahina at ang kaliwang hintuturo nito ang dibdib ko parang nakikiliti tuloy ako na nakikilig na parang ewan.

"Ang lakas lakas naman ng tibok ng puso ng honey ko, ang sarap pakinggan" anito at muling inilapit ang mukha sa dibdib ko.

Di ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko ang katawan nito at kinintalan ng halik ang buhok nitong naka messy bun lang.

Dun na kasi sa mismong venue ito aayusan.

"Hon...."

"Hmm?" ani ko na patuloy sa paghaplos sa buhok at likod nito.

"Sige na nga Honey, samahan mo na ako dun" sagot nito.

Agad na nagliwanag ang mukha ko, hindi dahil nacu curios ako sa mundong ginagalawan ni Honey kundi gusto ko lamang na sa bawat sandali ay makasama ko ang Asawa ko at ipadama kundi man sa salita ay sa gawa kung gaano ito kahalaga sa akin.

"Then halika na Hon" aya ko at malambing na inakbayan ko ito.

Ilang sandali pa ay lulan na kami ng sasakyan papunta sa Venue ng Award Ceremony.

------------------------

"Thank you to all of you, my parents, my one and only brother, my friends, guys you know I deserve it" natatawang wika nito at itinuro ang tatlo na naririto din at nag thumbs down pa ang mga ito pero mga nakangiti naman kaya nagtawanan ang mga audiences.

Si Honey kasi ang nanalo na Best Actress at yun pinakamaganda sa gabi na ito.

"And to my special someone para ito sa iyo" natigilan ako at napaisip sa sinabi nito kasi ang sarap isipin na para yun sa akin pero baka hindi naman. Ang sakit kayang umasa.
"And to all of my fans thank you po sa suporta" nakangiting pagtatapos nito at mabilis na bumaba sa stage.

"Sino kaya yun special someone na minention nya?" Narinig ko na bulong nun dalagang madalas makita ko na extra sa teleserye ni Honey.

"Baka naman si Clayton yung tinutukoy ni Cassidy, remember nali link sila sa isa't isa di ba?" Sagot ng katabi nitong dalaga.

Napahawak ako sa dibdib ko at nadaklot ko pa ito dahil nanikip ito.

Huminga ako nang malalim at pilit na kumalma.

Alam ko naman yun kaya lang ang sakit sakit pa rin eh....

Napatungo ako at tahimik na pinunasan ang luhang natulo sa dalawang mata ko.

Bwiset namang mga luha na ito eh!
Natulo pa eh, nakakabawas ng kagwapuhan....nagpapogi pa naman ako.....

"Halika na Kenneth alis na tayo dito" bulong ni Mavix.
"Kukuyugin na naman kami ng mga reporters" dagdag pa nito.
Tumango na lamang ako at tahimik na tumayo.

Magkasunod kaming naglalakad sa hallway at namataan na namin sina Avi, Dawn at Catherine na may kausap na lalaki.

Natigilan ako sa paglalakad at mataman na pinagmasdan ang hitsura nun lalaki.

"Uy si Clayton yun ah!" Ani Mavix at naramdaman ko na inakbayan ako nito.

Napakuyom ako ng mga kamao ko at napuno ng selos ang dibdib ko pagkarinig sa pangalan nun lalaki.

"Tara lapitan natin" bago pa ako nakapalag ay nahila na ako ni Mavix palapit sa mga ito.

Pagkakita sa akin ni Catherine ay pagkabahala ang lumarawan sa mukha nito.

And right then and there I concluded na marahil tama nga ang narinig ko kanina.

Umantak ang di matatawaran na selos sakit at pagdaramdam sa dibdib ko.

Lumapit si Honey sa akin at bumulong.

"We need to get out here fast" anito at hinila ang braso ko.

Pero nanatili ako sa kinatatayuan ko.

"Why Ken Ken? Are you not feeling well?" Bakas ang pag aalala sa boses nito.

Umiling ako dito at niyakap ito.

"Hey what the heck!" Narinig ko na protesta ni Clayton pero mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko kay Honey.

Pakiramdam ko kasi pag di ko sya niyakap ay mawawala sya sa akin at yun ang pinakaayaw kong mangyari.....

"Honey.....?" Marahan na iniangat ko ang baba ni Honey at tipid na ngumiti dito.

Nagtatanong ang mga mata nito, naghahanap ng sagot mula sa akin.

Bumaba ang mukha ko sa mukha nito at sinakop ng labi ko ang malambot at mapulang labi nang Asawa ko.

Naramdaman ko na natigilan ito pero ilang saglit pa ay mainit na din na tumugon ito kumuyapit pa ang dalawang braso nito sa leeg ko.

Nakaramdam ako ng tagumpay at pagkasaya pero agad din na nawala ito nang nasilaw ako sa nagkikislapan na mga camera at mabingi sa mga tanong mga tao sa paligid namin....


My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now