Chapter 47

6.8K 172 5
                                    

Lord pwede po bang manakit nang tao?

Kahit pa kaibigan mo sya?

Kung sya naman ang dahilan para magalit na naman ang Honey ko?

Bakit?

Kasi naman.......

"Anung ginagawa ba natin dito Mavix?" Naguguluhan na tanong ko kay Mavix.

Nandito kaming dalawa sa isang club.....

Tama isang Club na kung saan may mga sumasayaw at kumakanta Club nga di ba?

Masasapok ko na itong lalaki na ito eh!

Naku pag nalaman nang Honey ko ang pinuntahan namin ni Mavix baka di ko makita ang Honey ko nang mga kulang kulang dalawang buwan mga ganun.....

Naku Wag naman sana!

Buti na lang tanghaling tapat at wala ni isang girls na nandito kasi malamang mga tulog ang mga ito at tanging gwardiya lamang at isang janitress ang present na nakita ko.

"I need an inspiration Dude" seryoso ang mukha na sagot nito sa akin.

Seriously?!! An inspiration in this place?

"Inspiration?" Takang tanong ko dito na tinanguan nito.

"Yeah....you know I need to do a music video with this newcomer singer actress and I can't think of what theme suit her" kakamot kamot sa ulo na sagot nito na tila sinusuri ang kapaligiran.

"Newcomer?"

"Yes a certain newcomer nakakatuwa kasi mas matanda pa sya sa amin nina Kat Kat siguro mga kaedad mo sya" anito at luminga linga sa may stage at di pa nakuntento at umakyat pa sya dun at naglakad lakad.

"Lalake ba sya?" Tanong ko uli dito at saka naupo na sa may silya malapit sa may stage.

Gutom na talaga ako.....wala na akong energy eh!

"Nope she is a she" sagot nito sa akin.

Babae pala....

"Pag nakaisip ka na nang babagay dun sa kanta nya magsisimula na kayong mag shoot?"

"Oo kailangan na matapos ko agad ito kasi naman alam mo naman na may teleserye akong dinedirek tapos may concert pa kaming apat next month di ba?" Agad na tumango ako dito.
"Ayoko sanang gawin itong music video na ito kasi wala na nga akong time para makipag skype man lang sa Anicel my loves ko kaya lang utos nun isa sa pinakamataas na Executive nun TV station kung san ipinapalabas yun teleserye namin at ayoko naman masabihan na choosy na pulos sa The Crayons lang ang music video na sinushoot ko alam mo na masabihan pa ako bias at ayoko na magkaroon nang kahit ni katiting na negative comment sa working record ko at saka isa pa atin atin lang ito ha" lumapit si Mavix sa akin at bumulong ito.

"Palagay ko may relasyon yun Executive na yun at si Jasmine"

"Jasmine?" Bulalas ko pagkat kapangalan pa nya yun freeloader sa bahay namin nang Honey ko.

Tumango ito.

"Her real name I think is Jasmine Tuviero and her screen name is Jazzie Cruz" dagdag pa nito.

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nyang pangalan.

"Kapangalan pa nya yun nakikituloy sa bahay namin pero nasa magazine ang trabaho nya"

kumunot ang noo nito.

"I have her picture here in my iphone here take a look" dinukot nito mula sa bulsa nang pantalon nito ang Cellphone at ibinigay nya sa akin.

"Sya nga!" Sambit ko nang mapagmasdan ko ang nasa larawan at saka ikinuwento ko kay Mavix ang pagpapakilala nya at pagpipilit na tumuloy muna sa bahay namin.

"Tsk.....masama yan ah" nakangising wika ni Mavix habang hinihimas ang baba.

Kumunot ang noo ko at saka nagtatatakang tumingin kay Mavix.

"Bakit naman?"

"Kasi Isipin mo paanong sa tinagal tagal nang panahon di kayo nagkita tapos isang araw susulpot na lamang sya sa opisina mo tapos gusto nya na makitira muna sa inyo knowing na May Asawa ka na tapos nun di ka pumayag nagulat ka na lang at nandun na sya sa harapan ng bahay nyo nakapagtataka di ba?
Pwede nyang sabihin na sinundan ka nya pero ang sabihin na contributor sya sa isang magazine then ideclare pa nya na fan sya ng The Crayons eh ang alam ko mayaman yun at dyowa nga nya yun si Mr. Estequel.....hmmm....
I smell something fishy" pag aanalisa nito.

"Oy ikaw batang ka di porket tuyo at bagoong ang ulam namin ipaglalakasan mo pa ang boses mo!" Kapwa kami nagulat ni Mavix nun sumigaw yun janitress na kumakain na sa isang sulok.

Nagkatingin kami ni Mavix at kapwa napatawa nang malakas.
Pagkaraan ay bumaba si Mavix sa stage at lumapit na kami nito sa janitress.

"Naku Manang sorry po di naman po yan ulam nyo ang pinag uusapan namin" hingi nang paumanhin ni Mavix dito saka yumukod dito.

"Sige maniniwala ako sa iyo kuh! Kayo talagang mga bata kayo oo" naiiling na sagot nito sa amin.

Kapwa kami napangiti ni Mavix.

"Salamat po!" Sabay pa naming sabi ni Mavix sa Janitress.

Nang biglang tumunog ang tiyan ko sa gutom.

Namumula ang mukha na nag angat ako nang tingin sa Dalawa at napakamot ako nang ulo.

"Sorry po di ko po napigilan na magrumble ang mga bulate sa tiyan ko" nahihiyang sabi ko sa Janitress.

"Hay naku hala sumalo na kayong dalawa sa pagkain ko at madami naman itong dalang pagkain ko" yaya nito sa aming dalawa ni Mavix.

"Naku salamat po gutom na nga kaming dalawa ni Kenneth" agad na umupo na si Mavix sa upuan at agad nang kumuha nang paper plate.
"Lika na Kenneth!" Nakangising yaya ni Mavix sa akin kaya naman umupo na ako sa katabing upuan at kumuha na nang paper plate at kumuha na nang kanin at ulam at sa wakas makakakain na din ako!!!

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now