Chapter 10

9.3K 205 3
                                    

Palingon lingon si Kenneth sa paligid nya, tingin sa kaliwa tingin sa kanan.

Mahirap na, malakas ang radar ng mama nya mahuli pa siya nito.

Anyway papunta na sya dun sa location nina Cathy. Nauna na nga si Lemon, iwan ba naman ako kay mama.

Nakita ko na sina Cathy na kumakaway sa kin. Ginantihan ko rin ito ng kaway at di ko napansin na may nakausling bato kaya nadapa ako.

Epic fail! Ano ba  naman to nakakahiya na talaga di ba babae lang ang nadadapa sa teleserye kung saan ang bidang babae ay nagpapacute sa bidang lalake.

Naluluha na ako, ayokong mag angat ng tingin kasi baka makita ko silang nagtatawanan.

Pwedeng mag request, sana lumubog na lang ako dito sa buhangin?

Maya maya pa naramdaman ko na may lumapit sa kin at binuhusan ako ng buhangin.

"What the heck" napaangat na ako ng ulo.

Nakita ko si Lemon na binubuhusan ako ng buhangin.

"Lemon ikalat mo pa, yun tipong matatabunan na sya ulo lang itira mo" utos ng magaling kong asawa. Ang galing nya talaga mind reader ba ang napakasalan ko?.
"Gusto ko rin yan, ako rin Mavix tabunan mo rin ako ng buhangin" utos kay Mavix ni Dawn.

"Tsk wag na lang sayang ang kagwapuhan ko kung magbubungkal ako ng buhangin ano ako hilo" as usual ayaw na naman ni Mavix.

"Eh gusto ko yon Mavix" lumapit na si Dawn at niyugyog yugyog si Mavix.

"Ayoko" mariin pa rin ito sa pagtanggi

"Isa Mavix pag di mo ako sinunod" may bahid ng pagbabanta ang boses nito.

"Ano ang gagawin mo babaliin mo ang buto ko, ihahagis sa dagat, susunugin ang bahay ko? Pero wag munang isama yun huli ha arson na yan" wika nito.

"None of the above, ililink ko sa media itong resthouse mo gusto mo ba yon" sabi nito.

Nakita nya na namutla si Mavix maya maya pa nagsimula na itong maghukay ng buhangin.Ilang sandali pa nilalagyan na nya ng buhangin si Dawn.

"Hay naku  nagpauto ka naman dyan kay Dawn as if sasabihin nyan tong hideout natin" sabi ni Avery nun makita nya halos patapos na ang paglalagay ni Mavix ng buhangin kay Dawn.

"Yeah uto uto talaga yang kapatid mo" nakangising wika ni Lemon.

Tapos na nya akong lagyan ng buhangin sa buong katawan ko at nakahiga nang padapa na siya sa tuwalya na nilagay nya sa buhangin.

"Salamat Lemon ha" sarkastikong wika ni Mavix.

Maya maya pa nakita ko na si Cathy na may dalang malaking payong lumapit ito at nilagay ang payong sa gitna namin ni Lemon saka ito binuksan.
"Sina Mama nandun pa ba sila sa resort?" Tanong ni Cathy.

"Yeah iniwan ko muna sila dun" nakangiti akong tumingin sa kanya.Grabe ang puti ng asawa ko kitang kitang pa ang makurbang katawan nito sa suot nitong pulang two piece swimsuit.

"Alam mo honey ikinuwento ni mama kanina na kinontrata ka na nya para maging daughter in law nya nung una pa lang nakita ka nya natatandaan mo ba" kwento ko gusto ko kasing malaman yun isa pang side ng story yun sa side naman ni Cathy.

" Ah yon ba hmm let see fourth year kaming apat nun mga panahon na yon si Dawn kasi type nya ang pinsan mong si Alexander that time di ba Avery" baling nito kay Avery na katabi na pala nya.

"Yeah sarap pilipitin nun leeg ng pinsan mo na yon pag naalala ko" wow di ko alam yon ah.
"Kaya kung sakali na halimbawa lang ha pag nandyan si Xander tawagin mong Raine si Dawn wag ka nang magtaka pag nagkunwari si Dawn na di kilala si Xander kasi mag ex yun dalawa na yun nakipag break lang yun pinsan mong gago dahil dun sa girlfriend nya di ba hanggang ngayon sila pa rin kat - kat? " baling nito kay Cathy tumango ito.

My Gold Digger WifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora