Chapter 23

7.1K 173 4
                                    

Nakatinginan kami ni Lemon at lihim na napangiwi kasi ang nakahain sa amin na pagkain ay isang pirasong tuyo na palagay ko ay sunog pa tapos isang kutsara yatang kanin,

Si Mavix nga ten second lang di na nginuya basta na lang sinubo tapos na pero kami wala yatang lakas para kumain dapat kanina pa kumain na kami eh.

Eto tuloy pakiramdam ko tumutunog ang tiyan namin.

"Salamat sa pagkain!" Masayang wika ni Mavix at hinimas pa ang tiyan.

"Isandaang piso akina!" Inilahad ng matandang lalake na nagbuhos ng tubig sa amin tatlo kanina ang kamay nito kay Mavix.

"Po?" Napangiwing wika nito.

"Isang tuyo at isang kutsarang kanin onehundred pesos akina" masungit na wika nito.

"Eh tatang naman akala ko libre wag naman po one hundred, twenty five na lang sunog naman po yun tuyo" hirit ni Mavix.

Seryoso parang ayoko nang kainin ang nakahain pagkain sa akin kasi may price pala yun.

"Sikwenta pesos bibigay mo o ipapahabol ko kayo kay Tiny?" Nakasikmat na tanong nun matanda.

Malamang aso yun, ngumiwi si Mavix eh.

Nakangiwing naglabas ng one fify pesos si Mavix.

"Eto po tatang para sa aming tatlo po" inabot agad ito ng Matanda at binulsa.

Tumayo na ito at pumunta sa may kusina.

"Care to tell us what's going on here? At wag kang magkakamali ng sasabihin kundi ipapalapa kita kay Lucian!" Nakangiting sabi ni Lemon.

Nakakatakot ang ngiti nito alam na,

galit na galit na si Lemon.

Nakita ko na si Lucian nang minsan ipasyal ito ni Lemon kasama pa nga namin si Rafa.

Isa itong Siberian Husky at matatatakot ka talaga pag tumahol ang lakas grabe!

Pero ang amo naman nito sa amin ni Rafa.

Naalala ko tuloy dati yun alaga kong aso pero ang lahi nya ay Great Pyrenees at putim puti sya kaya pinangalanan ko sya ng Miko pero namaalam na rin sya gawa ng katandaan natatandaan ko pa nga iyak ako ng iyak nun pag uwi ko galing school ay nalaman ko na wala na sya simula nun di na ako nag alaga ulit ng aso kasi pakiramdam ko di lang basta alaga ko ang nawala kundi kaibigang matalik ko at pakiramdam ko magtataksil ako sa alaala nito pag mag aalaga pa uli ako ng ibang aso.

"T - teka lang naman Lemon chillax lang tayo" lumapit ito sa amin at bumulong.
"Di nila alam na pagdidirect ang trabaho ko at miyembro ng The Crayons kundi construction worker sa maynila at mahirap pa sa daga kaya please lang guys tikom nyo lang yun bibig nyo ha" mahinang dugtong nito.

Napaismid si Lemon at ako naman ay napatango na lang.

Maya maya pa ay lumabas na yun matanda pero may kasama na itong dalaga.

Pero di si Anicel kundi isang mestisahin na babae na hanggang balikat ang buhok at katamtaman ang taas.

Nakangiti ito habang kausap yun matanda pero nang makita nya kami ay napaismid ito. Hala! Woman version ata ito nun matanda ah! Kawawang Mavix.. ......

Siyempre pa kawawa din kami ni Lemon damay kami eh, kaasar naman sumama pa kasi kami dito kay Mavix eto tuloy napapala namin......

We don't deserve this kind of treatment huhuhu!!!

Ayan nagdrama na naman ang utak ko hehehe.

"What are you doing here Mavix? At nakikain pa kayo sa amin ha, wow naman" nakataas ang isang kilay na wika nun dalaga.

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon