Chapter 21

7.4K 172 2
                                    

Madilim at nakasimangot ang mukha ni Mommy saka nakataas ang mga kilay na nakahalukipkip at panay ang irap kila Honey ko at saka kayla Dawn Avery at Mavix.

Magkakaharap kami sa mesa kasama din namin si Lemon at Rafa si Papa ayun umuwi na kasama sina Jonas at Macy.....nagpaiwan (naiwan palagay ko) si Mama para nga makasalo daw ang banda ni Honey ko sa pagkain pero alam nyo na minsan si Mama matapobre talaga kasalo na nya eh ayaw nya pa kasi  di pa kami makapagsimulang kumain dahil ito  kasing si Mama eh kakailang tumitig,

Anyway tapos na ang free concert nila at nagpaalam na sa mga tao ayaw pa nga ng mga empleyado namin humihirit pa ng more kaya lang libre na nga yun eh request request pa sila, na pinagbigyan ng the Crayons bait nuh? sa huli ay natapos na rin sila at  mabilis na tumalilis.....

And presenting.....ehem, ehem,

My cosplayer wife and her friends

Hehehe pustahan mamaya may batok ako nito kay Mama.

Dahil ang gusto nya makasalo ang The Crayons hindi ang the miserables

panu ko nasabi?

Dahil ang mga itsura nila back to adik fatty tambay and hostess modes na uli.

Okay na yan sa akin basta solo ko ang honey ko.

Di ko nakakalimutan yun sumigaw ng kanya na lang Asawa ko anu sya sinuswerte?

Neknek nya maghanap sya ng mahahoney nya wag ang honey ko kala nya bukas hahalukayin ko ang mga files nya at ipapatapon ko sya sa batanes umm...mas maganda kung sa mindanao na lang  para malayo dito sa maynila hehehe ang sama ng iniisip ko no?

Di ko naman totohanin yun di naman ako masama salbahe lang ako slight.....

"So Catherine mabuti nama't nakarating ka dito sa party" nakataas ang kilay na wika nito sa Asawa ko.

Naku naman.

"Ah opo Tita medyo natraffic lang po kasi kami" nakangiting sagot nito kay Mama.

Hay ang bait talaga nang honey ko.

"Mama, Honey, Guys kain na tayo?" Anyaya ko sa kanila.

"Sige mauna na kayong kumain nawalan na ako nang gana" matamlay na wika nito.

"Tita may sakit ka po ba? O pagod ka na?" lumapit pa si Cathy dito at sinalat ang noo ni Mama.

Lumabi si Mama at marahan pinalis ang kamay ni Cathy.

Marahan dahil di naman umirap at pumiksi si Mama kay Honey ko.

"No my energy drain because of frustration" sagot nito.

"Why Tita?" Kunot noong tanong ni Cathy.

"Isn't obvious halos di na ako mapakali dahil sa excitement na makasama ang The Crayons tapos kayo lang ang makakasalo ko" turo nito kina Avery.

Ouch! Mama naman eh!

Natatarantang napatingin ako sa kanila kasi baka nasaktan sila sa sinabi ni Mama.

Pero tuloy lang sa pagkain ang tatlo na tila gutom at pagod na talaga na tila walang narinig.

Hay kawawa naman ang mga kaibigan ko sila na nga ang tumulong sa akin para maging successful itong event tapos hahamakin pa ni Mama.

"Ma that's enough sila ang tumulong sa akin para maayos na mairaos ko itong party na wala akong ideya kung papano gawin so they not deserved to be treated like that" awat ko dito.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now