Chapter 26

7.5K 177 2
                                    

"And Cut!! " sigaw ni Mavix dun sa dalawang magkalumpungan sa scene na kinukunan nya. "Okay na yan Yael at ikaw Enna good job" tukoy nya dun sa ka loveteam ni Honey at dun sa ka double ni Honey......
Tama may ka double si Honey sa bed at kissing scene nya!!!
Ang saya ko talaga nun nalaman ko yun!
Panu ko nalaman?
Kasi isa ako sa mga Crew sa set.
Tama uli, ito yun favor na hiniling ko kay Mavix ang sana ay i - extra nya ako sa mga staff and crew sa set nila para maka experience ako ng kung panu magtrabaho sa field nilang apat.

ECHOSS ko lang yun,
Ang totoo inatake na naman ako ng sakit na ang tawag ay selos kaya nandito ako ngayon para bantayan ang asawa ko at wag hayaan makalapit ang mga pervert at stalker na fans sa kanya at syempre para iligtas sya sa mga co stars nya na may balak na di maganda sa maganda at inosente nyang mind at katawan.

Sorry sa mga fans nya at stalker nya but I'm here Kenneth the bouncer and crowd controller ay ewan basta yun na yun,
Di ko rin alam kay Mavix kung bakit nya ako nilagay sa posisyon na to eh,
Kung labanan lang ng katawan sa kanya pa lang talo na ako eh,
Sabi nya lang kasi walang available na ibang job para sa akin at saka biglaan ang request ko kaya okay na rin to.

Nasan na kaya si Honey ko di ko pa sya mula kanina pa nakikita ah...

"Hey you!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nagtatakang tinuro ko ang sarili ko.

"Stupid! May kasama ka bang iba ha?" Umiling ako dito. "Sumunod ka sa akin at masahiin mo ang balikat ko, dali na!" Utos nito.
Sumunod ako dito at sinimulaan nang imasahe tong lalake na ang pangalan ay katunog nang  brand ng susi ng kandado ng kulungan ni Lucian!!

"Aray naman, do it slower!" Angil nito sa akin.

"Sorry Yael" nakatungong hingi ko ng sorry dito.

"It's Sir Yael"

"S-sorry S-sir Yael" kaasar tong lalake na ito ha!
May pa sir sir pang nalalaman ito eh ako nga di nagpapatawag sa mga naging secretary ko ng sir  at ang mga tauhan naman namin ay Kenneth na lang kasi naiilang ako lalo pa't mas matanda sila sa akin at di na iba ang turing ko sa kanila dahil nakalakhan ko na sila,
tapos tong taong  katunog ng name ng padlock na to, makautos,
kaasar lang!
Napapiksi na lang ito at nagbasa na ulit ng script na dala nya.

"Kenneth nandyan ka lang pala! halika na" napalingon ako sa humawak sa braso ko at napangiti ako kasi si Mavix pala to.

"Direk naman please mamaya unti na lang kasi nagpapamassage pa ako" pakiusap dito ni Yael.
Pero umiling lang si Mavix dito at marahan binatukan sa ulo.

"No way, kilala kita Yael may tendency ka na mag primadon sa mga staff kaya nawawalan ako ng crew eh gawa mo, masyado kang bossy, next time magdala ka na ng assistant mo nang yun ang utusan nang utusan mo wag ang staff ko, kung si Cassidy nga di palautos eh"sagot dito ni Mavix na ikinangiwi ni Yael.
"Halika ka na Kenneth may iuutos pa ako sa yo, at ikaw Yael make sure na kabisaduhin mong maigi ang lines mo at baka makailang takes na naman tayo" iyun lang at hinila na ako nito papalayo sa padlock na yun.

"Anung iuutos mo Mavix?" Tanong ko dito nung makalayo na kami.

"Wala nuh! Ayaw ko lang na makita ka ni Kat kat na gawa ng gawa dito sa set isipin nun inuutusan kita patay ako dun" nakatawang sagot nito.

"Pero okay lang naman sa akin wala naman kaso yun saka ako ang nanghingi ng favor, I'm sure maiintindihan ni Honey pag pinaliwanag ko yun" umiiling na inakbayan ako ni Mavix at binulungan.

"Nope ayaw kong magtake ng risk sa'yu lang mabait yun, kaya dyan ka lang okay" paalam nito.
Napakamot na lang ako sa ulo na sinundan ng tingin ito.
Tatalikod na sana ako nang maramdaman ko na may bumunggo sa akin.
Kagyat na nahawakan ko sa beywang ito at ito naman ay yumapos sa akin.

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon