Chapter 45 part two

7.3K 165 8
                                    

Alas una na nang madaling araw pero nandito pa din kaming lahat dahil......

Di ko din alam eh....kanina pa tapos mag rehearsal sina Honey at katunayan sina Calix, Maddox, Rafa, Lemon at Kendrick na ang pumalit sa kanilang apat at tila nagbubutingting ng mga musical instruments.

Ako?

Eto dakilang audience....

Wala naman kasi akong alam sa  pagpapatugtog na yan,

Kahit na pagtipa nang piano wala talaga akong alam eh....

"Kuya Ken Ken right?" Napalingon ako kay Kendrick na papalapit na sa akin.

Ngumiti ako agad ako dito at tumango.

Bilib ako sa energy nang batang ito...Dapat tulog na ito pero eto at dilat na dilat pa din ang mga  mata.

"Why may kailangan ka?" Malambing na tanong ko dito.

Nagulat pa  ako nang hilahin ako nito sa braso ko.

"Kuya sama ka sa amin sa stage please" sabi nito.

"Pero----" tatanggi sana ako nang nakasibi nang nilingon ako nito.

"Please Kuya Kenneth" pakiusap nito at makakatanggi pa ba ako sa pakiusap nang napaka cute na bata na ito.

Alanganin na napangiti ako at saka napatango na lang.

"Yes! Guys nandito na si Kuya Ken!" Sigaw ni Kendrick sa apat.

"Kuya kuha ka na lang ng stool sa gilid" sabi ni Rafa.

"Kinuha ko na sya Kuya Rafa" singit ni Kendrick habang buhat buhat ang isang stool.

"Eto na kuya upo ka" anito sa akin.

'Thank you Kendrick" natutuwang ginulo ko ang kulot na buhok nito.

Mukhang nagustuhan naman nito at namumula ang magkabilang pisngi at nakangiti na sumaludo pa sa akin.

"Kuya Lemon I want to sing" ungot ni Maddox kay Lemon na may hawak hawak na gitara.

"May boses ka Maddox?" Nanunuksong sabi dito ni Calix na nakangisi.

Umingos dito si Maddox at hinila si Rafa.

"Of course Kuya Calix kapatid ko kaya sina Ate Avi and Kuya Mavi kaya may talent din ako sa pagkanta at balang araw kami ni Rafa ay bubuo ng banda-----"

"Kasama ako!" Nakataas ang kamay ni Kendrick na singit nito.

"Kasama sya tatlo na kami" ani Maddox na ikinahalahakhak nang malakas ni Calix.

"Anung gagawin nyo sa harap ng mga tao tutula?" Namula ang magkabilang pisngi ni Maddox at lumabi kay Calix.

"Kuya Calix isusumbong kita kay Daddy na may kiniss ka na panget na babae sa school para ma cuttan ka nang allowance"

"Maddox di panget si Victoria" nanlalaki ang mga mata na pagtatanggol ni Calix dun sa Victoria.

"Ang Mommy Ate Vanna Ate Avi Ate Dawn at Ate Kat lang ang maganda para sa akin" sagot  dito ni Maddox saka binelatan ang kuya nito.

"Tama! Tama!" Tumatangong singit ni Kendrick.

"Tama na yan mga bata" saway ni Lemon sa dalawa.

"Di na kami Bata!" Magkapanabay na sagot dito nang magkapatid.

"Ako din" singit ulit ni Kendrick.

My Gold Digger Wifeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن