Chapter 51 part three

4.6K 147 20
                                    

"Uuwi na po kayo Sir Kenneth?" Pukaw ng tinig ng isang boses na pang babae.
Nang lingunin ko ito ay nakita ko na may papalapit sa akin na dalawang empleyado namin na babae.

Mga Receptionist ata sila.

"Yes" nakangiting sagot ko ng makalapit na ang dalawa sa akin.

"Really Sir Kenneth?" Ani nung isang babaeng chinita ang mga mata at ubod ng puti, nasisilaw na ako lalo pa't pula ang uniform nila for today.
Pag Monday kasi White ang sinusuot nila.
Pag Tuesday Black, Wednesday Gold, Thursday Fussia at pag Friday ay Red.

Speaking of Friday,naalala ko may usapan nga pala kami ni Honey na magda date kami ngayon...dapat na na itext ko pala sya kanina kung saan ko sya susunduin, kung sa Alabang na taping location nila or sa Broadway kung saan nag eensayo na naman sila para sa isa na naman concert.

"Ahm...Sir?" Napukaw ang malalim na iniisip ko na maramdaman ko na dumaiti ang braso nito sa dibdib ko at bago ko pa namalayan ay nakaabrisiete na ito sa braso ko.

"Y---yes...."pasimple ko na sanang aalisin ang braso nito na nakapulupot sa braso ko pero mas lalong humigpit ang pagkakakuyapit nito.

"Ahm...yung kamay mo?" Nakangiwing puna ko dito.

"Oh Sorry my hand slipped na di ko namamalayan" tila nahihiyang bumitaw ito pero hinawakan naman ng dalawang palad nito ang kamay ko.

"Mukha nga..."nakangiwi pa din na sagot ko dito.

"Ahm...Sir Kenneth" pukaw nun kasama nya na dalaga.

"Bakit at sino nga ba ulit kayong dalawa?"

"Ah Sir Ken, I am Chinny Escolta" nakangiting pagpapakilala nun dalagang nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Only my Wife can call me Ken" pagtatama ko dito.
Kasi naman naku pag narinig ni Kat Kat Honey ko na tinawag ako nito ng Ken paktay ito!

"Y--yes po Sir K---kenneth" bumagsak ang balikat nito sa sinabi ko pero hindi pa din nito binitiwan ang kamay ko.

"And Sir Kenneth,I'm Meridith Quesadas at mga receptionist nyo po kami" singit nun isa pa.

"I know na employees namin kayo kasi familiar ang mga mukha nyo sa akin" tumatangong sagot ko.

"Kakapasok lang namin two months ago po kaya naiintindihan namin kayo" ani Chinny.

"Thank you----"

"At sana po magtagal pa lalo kami sa Company nyo po" wika ulit nito.

"It's still defends sa performance nyo sa trabaho at pag nakita ng management na worthy naman kayo who knows di ba?" Sagot ko.

Totoo naman kasi,
Ako nga nagsimula bilang secretary/messanger ni Papa habang nasa college pa ako tapos nun maka graduate na ako ipinost nya ako as manager sa isa naming branch sa Cebu for a year at nung nakita ni Papa na maganda ang performance ko ay nilipat nya na ako dito sa main branch para okupahin ang nabakanteng posisyon ni Tito Victor dahil magma migrate na silang buong pamilya sa Australia.
At yun na nga Three years na akong VICE PRESIDENT! capslock ulit para intense hehehe...

Nakakatawa kasi dahil ako ang daming dinaanan na posisyon bago mapunta dito sa posisyon na kinasasadlakan ko tapos ang kapatid ko na si Jonas porket nakapagtapos na magna cum laude ayun binigay agad ni Papa ang Posisyon nya na Presidente ng Kumpanya namin.

Anyway hindi naman ako Bitter itanong nyo pa sa kape.

"So... mauna na ako sa inyo ha" pasimpleng binaklas ko ang dalawang kamay ni Chinny na nakahawak sa palad ko.

"Ah wait lang Sir Kenneth" agap nito.

"Why?"

Ngumiti ito ng matamis at tila nangingislap ang mga mata na tumitig pa sa mga mata ko na kinailang ko naman.

I just have a gut feeling na di maganda ang sasabihin nito.

"Sir Kenneth ahm...nahihiya man ako na sabihin ito sa inyo..." tila kiti kiti ito na gumagalaw ang bewang habang ang kanang kamay nito ay nakakuyom at nakatapat sa ubod ng pulang labi nito.

"Just go on said it" utos ko at tinignan ang wristwatch ko.

Already past seven na.

"Sir Kenneth pwede po bang makisabay sa inyo?"

"Huh?"

"Eh kasi po ang traffic po sobra tapos wala pa po kaming masakyan... sige na naman po please" pakiusap ni Chinny na sinegunduhan naman ni Meridith.

Naku paano ba ito?

"Ha ah eh----"

"It's a no" agad na nilingon ko ang nagsalita bigla.

"Honey!" Ngumiti ito at nang makalapit ito ay pinaghiwalay nito ang mga palad namin ni Chinny tapos winisikan nya ng alcohol ang kamay ko at pinunasan ng hand wipes.

"Ah honey..." nag angat ito ng tingin at matamis na ngumiti sa akin na kinalundag naman ng puso ko.

"If you want Girls sumakay na lang kayo sa Uber car na nirent ko papunta dito" ani Honey ko sa dalawa at tinuro ang kotseng pula na nakaparada sa gilid ng kalsada.

"As much as my Husband wants to say yes ay di maaari kasi may date kaming dalawa at mala late na kami right Hon?" Baling ni Honey sa akin na walang pag aatubiling tinanguan ko.

Napansin ko na nalungkot ang dalawa at susukot sukot na nagpaalam sa amin ni Honey pagkatapos ay nagpunta na sa nakaparadang Uber Car at sumakay.

"Mukhang may ipapa good job na naman ako" naulinigan ko na wika ni Honey.

"May sinasabi ka Honey?" Nagtatakang tanong ko dito.

Umiling ito at kumuyapit sa braso ko.

"Ang sabi ko late na tayo sa Dinner date natin" wika nito at saka mabilis na hinalikan ako sa labi na lihim na kinakilig ko.

"T---tama ka halika na Honey" malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko na iginiya papasok sa naghihintay na sasakyan ko si Honey para makapunta na kami sa pupuntahan namin...

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now