Chapter 45

7.9K 163 12
                                    

Bakit ko ba naitanong kay Honey kung saan next kami na pupunta?

Kasi nandito lamang naman kami sa Studio sa bahay ni Dawn.... dahil may rehearsal ang The Crayons para sa Concert nila next month,

At Actually para na nga itong malaking theather room base sa ayos nito na may stage sa gitna at may mga upuan na makikita mo sa mga sinehan saka kumpleto ito ng mga musical equipments at sound proof din ito.

Ang yaman talaga nang Pamilya ni Dawn....

Napabuga ako nang hangin at saka nilingon ang katabi ko na si Lemon na busy sa pagkain ng popcorn at tila may ka textmate sa cellphone at may bonus pa kaming kasamang mga bulilit.....

Hulaan nyo kung sino sila.....

Clue Apat sila.....

Sirit na?

Ang cute kong bayaw lang naman na si Rafa at ang mga kapatid nina Avi at Mavi.....

Ang dami nilang magkakapatid infairness, lima! Wow ano kaya ang feeling na magkaroon nang tatlo pang kapatid?

Isa lang kasi ang kapatid ko medyo di pa kami masyado pang close...

Dalawa din na magkapatid sina Kat Kat at Rafa....

Teka nakalimutan ko na pala silang ipakilala....

Si Maddox yun bunsong makulit at ang sinundan nito na si Calix na palagay ko nasa huling taon na sa highschool at parang bad boy version ni Mavix....panu ko nasabi?

Di kasi sya ngumingiti eh si Mavix maaasar ka na dahil lagi na ay nakangiti di mo alam kung niloloko ka na o nakakaloko na yun laman nang isip nya...

Carbon Copy pa sila ni Tito Vincent.

Kaya alam mo na ang magiging hitsura nila pagtanda nilang dalawa.

Nga pala Tito at Tita na nga pala ang tawag ko kina Mr. At Mrs. Zevilla close na kasi ako sa kanila...

FC kung baga...

At ang Absent lamang ay yun pinakapanganay nila na si Vanna,
Nang tinanong naman ni Honey kina Mavix at Avi kung nasaan ito ay may dumukot daw na Alien dito kaya isinama na lang nila dito ang pamangkin nila na si Kendrick.

Wala din kasing magbabantay dahil sina Tito Vincent at Tita Agatha pumunta daw sa Maldives dahil gusto ni Tito Vincent na mag unwind na kasama si Tita Agatha...

Ang sweet talaga nina Daddy Anton at Tito Vincent sa mga Asawa nila....

Samantalang ang sa Papa ko malabo ko nang makita yun...

Napabuntunghininga na lang ako at napapangiting napatingin kina Rafa at Maddox na nakikipaglaro kay Kendrick...

Habang si Calix ayun kausap ang dalawa pa nyang kapatid.

"Bakit kaya pabata nang pabata ang mga nakakasalamuha ko...." napapakamot sa batok na naitanong ko sa sarili ko. "Twenty five pa lamang ako at ang latest kong kasama ay six years old..." natatawang dagdag ko pa sa isip ko.

"Ate Avi mas maganda pag itong kanta na ito ang kakantahin mo" nadinig ko na sabi ni Calix dito.

Napakamot naman si Avi dito.

"Parang di naman bagay sa boses ko ito" angal nito.

"Bagay na Bagay kaya di ba Ate Dawn?" Baling ni Calix kay Dawn.

"Patingin nga" ani Dawn dito at inabot naman dito ni Calix ang song sheets.

Tinignan ni Dawn ang mga ito saka napatango kay Calix.

My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now